chapter 32: sorry

11.2K 386 33
                                    

chapter 32: sorry


Lourence POV:


"bro kailangan mo talagang mag sorry for her!!" kaya ko ba?, kanina pa 'tong si drake na kinukulit ako ang sarap sapakin


"hindi ko nga kaya saka yung pride ko!!" sigaw ko sa kanya


"mas mahal mo pa yang letseng pride na yan, kesa sa babae na nasaktan mo ng sobra at pinahiya!!" balik na sigaw nya sakin


yes! mas mahalaga ang aking pride kesa sa babae, pero kung si nerdy girl yun, parang hindi


"oo bro mag sorry ka na kay nerd!!" bulyaw sin sakin ni steve


"edi kayo mag sorry!!!!" at umalis na ako, ayoko ng pagtulungan pa ng mga yun, masyado na akong nakokonsensya


papalabas na ako pero biglang bumukas ang pinto


bumungad sakin si miggy, at sa likod nya ay si nerdy girl, ano nanaman bang gagawin ng dalawang to nakakabwiset na ah! kahapon pa sila mag kasama


"bro san ka pupunta??" tanong nya


"lalabas sana, pero bigla naman kayong humarang sa daan" saka umirap ako


"bakit ba ang yabang mo rence" galit na tong si migs


"hindi ako mayabang, o ano ba kasing pinunta nyo dito ng nerdy girl na yan" umusok naman bigla ang ilong ni nerdy girl, pero kahit ganon ang ganda nya parin


"bro humingi ka naman ng tawad sa kanya" nanlaki yung mata ko sa sinabi ni migs at pati din si nerdy girl ganon


"hoy miggy ano bang sinasabi mo wala namn tayong pinagusapan na ganyan ah!" pabulong na sabi ni nerdy girl sa kanya na narinig  ko naman


"ako bahala dito steph!. oh ano na rence" 


"hindi ko gagawin ano ko?? saka hindi naman ako yung may kasalanan, sya yun kasi humingi  syasakin, timawa kas--"


*pak*


napahawak ako sa pisnge ko na sinampal ni nerdy girl, oo sinampal nya ako


"HINDI AKO NANGHIHINGI SAYO RUDE BOY NAGPAPAALAM LANG AKO" at nakita ko ang mga luha nyang unting unting tumulo


nasasaktan ako kapag umiiyak sya, mas masakit pa yung nararamdaman ko kesa sa kanya, doble ang sakit nun, pero kailangan kong tiisin para mawala ang nararamdaman ko sa kanya, pero parang mas lumalala pa yung pagmamahal ko sa kanya eh parang napapamahal pa ako sa kanya


"miggy sige na ah alis na ako" sabi nya na habang pinupunasan yung luha nya sa pisnge

A Rude Boy fall in love into A Nerdy girl [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon