Chapter 3- Alexandria Academia

32 0 0
                                    

HANNAH's POV
Pagkaakyat ni Alexa sa taas ay tumingin sakin si Sir Dolphus.
"Bantayan mo siya dun sa papasukan niyo. Puro gangster ang nag-aaral dun." Seryosong sabi ni Sir Dolphus.
"Huh? Ee bakit po dun?" Nagtatakang tanong ko. Ang dami kayang sikat na paaralan dito sa lugar namin. Dun pa talaga?
"Siya may-ari nun." Nakakakilabot talaga magsalita ni Sir Dolphus.
"Ee?"
"Yung mama niya yung may-ari kaso nakapangalan sa kanya ee."
"Ah. Sige po wag kayong mag-alala."
"Anyway, Alexa Messner at Hannah Blecker ang gagamitin niyong pangalan. Here."
Inabot niya sakin ang isang folder.
Binuksan ko ito at nakita ang mga pekeng information about samin ni Alexa. Kailangan namin 'to kasi alam ng lahat na patay na kami lalo na si Alexa.
Pagtingin ko kay Sir Dolphus ay wala na ito. Nagkamot nalang ako sa batok.

---ALEXANDRIA ACADEMIA---

Pagkahinto ko sa kotse ay agad kaming lumabas. Walang masyadong estudyante sa parking lot pero sigurado akong nakatingin sila ngayon samin.
Ayoko ng tinitinggnan. -______-

Nauna akong maglakad at nakasunod si Alexa. Ganito kasi yan palagi ee. Ako mauuna sa paglalakad tapos ee-explain ko yung makikita sa madadaanan namin. Kahit ang pinakamaliit na detalye kailangang sabihin pati ang distansya ng mga bagay.

"Libutin muna natin 'to." Sabi ni Alexa.
Pareho kasi kaming bago lang dito. At kahit siya ang may-ari ngayon lang din siya nakapasok.

Sinunod ko naman yung utos niya. Nilibot namin ang buong Academy.
At pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na ako.
Tapos siya kalmado pa rin parang hindi man lang napagod. -_____- Ang laki ng Academing 'to aa. Gusto ko ng lumupasay kaso nakakahiya.

"Let's eat" Napatingin ako sa relos ko. Malapit na ang Lunch Time.
Wait--- Eat? As in kain? O.O
"Waaah!! Gutom na ako. Tara."
Nauna na akong maglakad sa kanya.
"Tss."

---CAFETERIA---

Pinili namin yung pwesto sa pinakadulo. Nakakairita yung mga estudyante dito. Titig ng titig. Yung isa nga kanina nahulog sa hagdan. Buti nga sa kanya. Si Alexa? Ewan. Kung alam niya bang pinagtitinginan siya.
"One beef steak and ice tea."
Sabi nito at umupo. Gusto ko rin tung Academing to kasi walang uniform. Wahahaha. Basta suot mo yung I.D ok na.
"Sige."
Agad akong tumayo at pumunta sa counter. Napakunot ang noo ko ng panay ang kuha nila ng litrado samin lalong-lalo na kay Alexa.
Sabagay, sobrang ganda ni Alexa. Kaso ako? Duh. -_____-

Nang makuha ko yung order agad akong umalis. Niinis na ako.
Ano 'to? Instant celebrity kami? >_____<
Nilapag ko yung order namin saka naupo.
"They're very irritating" Oww.. Alam niya pala pinaggagawa ang mg estudyante dito.
"Ako rin. Kanina pa nangangati ang kamay kong suntukin sila. Pede ba?"
"Calm down, Hannah. Let's just eat." Nagsimula na itong kumain kaya kumain naalang rin ako....

"AHHHHHHHHHH"
"F*ck"- Alexa
*cough*cough*cough*- me
"WAAAAH!! ANDYAN NA SILA!!"
"OMYGOSH!! LOVE OF LIFE"
"ANG GWAPOOOOOOO"
Sabay kaming napainom.
Nung nahimasmasan na ako ay tumingin ako sa kanya.
"Ok kalang?"
"Yea." Yea daw pero nakakatakot na yung boses.
Sabay naman kaming napatakip ng bibig at ilong gamit ang panyo namin ng nagsama-sama ang amoy ng mga pabango at powder nila.
"Lex, nasusuka ako" Feeling ko namumula na ako.
"Nahihilo na ako." Sabi niya.
Nakakabwisit naman 'to oh.
"WAAAAAAAAAAH!!"
Napalingon na kami sa entrance ng sabay-sabay ng sumigaw yung mga babae at bakla.
Shemay!! May pumasok na mga lalaki. Yun lang dahilan kung bat sila nagsisigaw? Nakita kong napahawak sa sentido si Alexa.
"NGEEK!! AMBAHO DITO!!"
Sigaw nung isang lalaki.
"NASUSUKA YATA AKO"
"LAGI NALANG GANITO BWISIT!!"
"Lex, nasusuka na talaga ako di ko na kaya." Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang paglabas.
"Umalis na tayo. Nahihilo narin ako."
Grabe. Naghalo-halo talaga yung mga perfume nila. Naiinis na ako kasi imbis na mabango. Ang baho na tuloy.
Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad palabas. Nakatakip ang ilong namin. Wala na akong paki kung pinagtitinginan kami.
Nadaanan din namin yung limang lalaki na nagdadalawang isip sa papasok ba sa loob.
"Gutom na ako."
"Hindi ako makakakain diyan."
Hindi rin namin sila pinansin.
Nung makalabas kami ay sinabi ko kay Alexa na sa CR muna ako. Buti nalang at hindi ito ganon kalayo sa cafeteria. Nasusuka na talaga ako. Si Alexa naman ay lumapit dun sa may puno. Magpapahangin siguro. Nahihilo daw siya ee.
Nung makapasok ako sa CR ay agad akong napatakbo sa lababo. Sh*t!! Nasayang lahat ng kinain ko.
Matapos kung magpunas ng bibig ay agad akong lumabas. Nakatayo si Alexa sa gilid ng isang malaking puno. Nagtungo naman ako sa kanya.
"Ok ka na?"
"Ya." Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Not literally, dun lang nakabaling yung muka at mata niya. Alam kong wala itong nakikita pero nakikiramdam ito.
Dalawang grupo ang nagbubugbugan sa di kalayuan. Mga gangster.
"Alamin mo ang tungkol dun sa mga lalaki kanina sa cafeteria. "
Napakunot ang noo ko sa utos niya.
"Bakit?"
"May kakaiba sa kanila. Alamin mo rin ang malalakas na gang dito sa school. Pati, pakicheck ang ranking org. kung sino na ang nangunguna sa buong mundo at pati rito sa Pilipinas." Tinandaan ko lahat ng utos niya.
"Ok. Kelan mo gustong malaman?"
"Mayang gabi."
"Alright."
"Pumasok na tayo"

*knock*knock*
Binuksan nung Prof ang pinto. Nang bumukas ito ay dito palang sa labas ay rinig na rinig ang ingay sa loob. Yung parang walang Prof sa loob. Mga sigawan. Di kasi maririnig kung nakasarado kasi Sound Proof yung room saka air conditioned din.
"Likayo." Nakangiting aya nung prof.
Parang pamilyar siya.
Pagkapasok ng pagkapasok naman ay biglang tumahimik. Yung tipong ang maririnig mo lang ay yung pagbagsak ng ballpen.
"Oh? Anong nalunok niyo't bigla kayong natahimik?" Nakangiting tanong nung Prof. Maganda siya at bata pa. Tingin ko, kakagraduate lang niya.
Tama!! Siya yung kasamahan ko sa pagiging assassin noon. Natatandaan ko na. O.O Siya yung idol ko. Pareho kasi kami na teni-train para pagsilbihan ang pamilya nila Alexa. Siguro si Sir Dolphus ang nag-hire sa kanya dito. Tingin ko pinababantayan kami dito.
"Meet your new classmates. Introduce please." Nakangiti pa rin ito. Ganda niya talaga.
"Hannah Blecker. 18 years. Pleased to meet you all"
Ewan ko pero naiilang ako sa tingin nila. Yung tipong yung ibang lalaki kulang nalang tumulo yung laway. Jeez. Hindi naman lahat. Sinasabi kong hindi lahat kasi hindi kasali dun yung limang lalaki kanina sa cafeteria. Wala silang reaksyon pero nakikinig naman sila pwera sa isang natutulog.
Tapos yung mga babaeng hinehead-to-toe ka. Tss.
"Alexa Messner. 18" walang emosyon na sabi ni Alexa.
"Okay. May questions kayo sa kanila guys?"
"Gangster din kayo?" Tanong nung isang babaeng maganda kasama siya dun sa limang lalaki.
Tumingin ako kay Alexa kaso wala atang balak sumagot.
Ngumiti naman yung Prof namin. Parang may gustong sabihin.
"No."
"Oww. Hindi kayo magtatagal dito. Sayang!!" Naparoll-eyes naman ako dun sa lalaki . Yabang ah.
"That Alexa girl, why is she looking so straight in the air? She looks like a Blind just by doing that. And... she's creepy." Nakapout na sabi nung cute na babae. Kasama din nung limang lalaki.
"Uh--"
"Ya, I'm blind"
Nalaglag ang panga nilang lahat sa sagot ni Alexa. Pwera sakin at nung Prof. Tingin ko alam niya.
Nakita ko ring gumising yung natutulog at napatingin kay Alexa. Nakita ko pang napakunot ang noo nito.
"You're kidding" natatawang sambit nung isa sa limang lalaki kanina.
Hindi siya sinagot ni Alexa.
"Miss Collins, totoo po ba yun?"  Tanong nung isa pang lalaking cute na nerd pero hot. Ay ewan. Kasama din siya nung limang lalaki.
"Yes. She's telling the truth." Nakangiti nitong sagot kay cute Nerd.
"Magka-ano ano kayo?" Nashock ako nung ako ang tinanong nung cute nerd. Shems.
"Uh Ah.. C-cousins"
Bakit ako nauutal. Wengya!!-___-
"Can we sit now?" Kalmadong tanong ni Alexa.
"Yes, yes you may. Theres a vacant sit beside Ms. Shari."
Tiningnan ko yung tinuro niya. Nasa gilid yung vacant pero hindi last row kasi okupado nung limang lalaki ang last row.
Parang ganito.
-b1-        -b2-      -b3-      -b4-       -b5-
-u -        -g1-.     -g2-.      -v-.        -v-
--------
--------
--------
(An: b- boy. Yung numbers ay yung limang lalaki.
U- unknown
G-girl
V- vacant.
Nasa last row po yung boys at nasa harapan nila yung girls.)
Umupo ako dun sa tabi nung Shari. Siya yung cute girl kanina na nagpout. Din si alexa sa tabi ng bintana. Gusto pa naman nito sa huli. -.-
"So, I guess pede na akong magsimula sa discussion. Okay BlahBlahBlah."
Nakikinig ako sa lesson nung Prof. Idol ko siya ee. Siya yung pinakamagaling lumaban samin nung nagte-training ako. Di ko nga lang siya kilala, bawal kasi sabihin ang names namin noon. Tanging si Sir Dolphus lang ang nakakaalam sa name naming lahat.

Awakening The DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon