Chapter 6- Her Playmates

54 0 0
                                    

HANNAH's POV
Nung una nagtaka ako kung bat nawala si Alexa pero buti nalang at sinabi niya kung nasaan siya gamit ang emergency earpiece namin.

Naghiwalay nadin kami nung NN Gang dahil may klase na daw sila. Ang sarap nilang kausap.
Naglalakad ako ngayon sa tambayan na pinagawa ni Alexa kagabi . Nasa pintuan ako ng marinig ko ang boses ni Alexa.
'Don't you dare!!" Kalmado pero nakakatakot ang boses nito.
Agad akong napatakbo sa loob.

At nakita kong nakatutok ang baril nito sa leader ng Zodiac Gang.
"Woah" napataas naman ang isa nitong kamay ang isa ay hawak ang..

Ice cream ni Alexa.

Uh-oh!! You're in trouble boy!!
Pero mas pinagtataka ko ng nakangiti yung lalaki.
"Don't worry papalitan ko 'to" sabi nung lalaki. Kahit nakangisi ito ay may nakakatakot pa rin itong boses gaya ni Alexa.
"Tss.. Palitan mo ng sampu!!"
Binaba ni Alexa ang baril niya kaya lumapit na ako.
"Bat mo siya pinapasok?" Nang-aasar kong tanong. Aba!! Baka nanliligaw tung lalaki ee.
"Hindi ko siya pinapasok. Pumasok siya ng walang pahintulot!"
Umupo ito sa sofa.
"WOW!! KANINO TONG BAHAY?"
"NGAYON KO LANG 'TO NAKITA AH?"
"MAY TAO KAYA?"
Rinig kong usap-usapan sa labas. Sa tinggin ko membro yun ng Zodiac Gang.
Napalingon ako sa leader nila kaso wala naman itong pakialam. Kumakain lang ito ng Ice cream. Si Alexa, nakaupo lang walang ginagawa.
"TAO PO!! TAO PO!!"
"Tss."
Lumabas na ako para tinggnan yung maiingay.

"Bahay mo 'to?" Bungad na tanong ni Cute Nerd. Eer
"Hindi. Tambayan lang namin ni Alexa."
"Andyan ba si Kuya?"
Tanong nung Shari. Kambal ata nung leader.
"Oo"
"Waaah!! Andaya." Pagmamaktol nila.
"Pedeng pumasok? Thank you!!"
"Aba--" Hindi na natuloy yung reklamo ko kasi pumasok na sila.
Hinila naman ako ni Cute Nerd sa loob ng naiwan ako sa labas.

"Bat mo sila pinapasok?" Walang emosyon na tanong ni Alexa.
"Hindi ko sila pinapasok. Pumasok sila ng walang pahintulot!!" Panggagaya ko sa sagot niya kanina.
"Mana sa leader!!" Sabay na sambit namin ni Alexa.
"Juice akin."
"Me too"
"Me three"
"Me four"
"Wala kayong maid dito for Pete's sake." Naiinis na sabi ko sa kanila.
"Penge nalang ice cream. Gaya ni leader!!" Masiglang sabi ni Cute Nerd.
Agad namang tinutok ni Alexa ang baril niya.
"Waaah!" Nagtago siya sa likod nung leader nila. Tinulak naman siya.
"Wag mokong idamay Jack!!" Sigaw nito.
"Eee!! Andaya bat si leader may ice cream!!" Pagmamaktol niya.
"Oo nga, gusto din namin ng ice cream!!"- Fred
"Ako rin"- Drew
"Me too"- Karen
"Me three"- Tim
"Gusto niyo rin mamatay?" Itinutok ni Alexa ang baril niya sa kanila.
"Ee? B-bat si Kuya meron?" Nakapout na tanong ni Shari.
"Papalitan niyan ng 20 gallons na ice cream"- walang ganang sagot ni alexa.
"What? Akala ko ba sampu lang?" Gulat na tanong ni Keith, yung leader.
"Dahil nagreklamo ka ngayon 30 na" plain na sabi ni Alexa.
"What hindi yan fair!!" Reklamo ni Keith.
"40"- Alexa
"Ano? Hindi yan pede!!"- Keith.
Waaah!! Bat kinikilig ako sa kanila. Enebeyen -______-
"50"- Alexa
"Argh!! Oo na!!" Pagsuko niya.
"Pffft. Wahahahahaha" sabay na tawa namin ni Shari at nung Karen.
"Wenya!! Talo ka bro!!" Natatawang sabi nung Fred.
"Wahahahaha. Under!" -drew.
"Nyahahahaha. May nakatalo din sayo Keith."- Tim
Biglang dumilim ang aura nung leader nila kaya tumigil kami sa pagtawa.
"Ahem!! Yan kasi Jack. W-wag mong tawanan si Leader!" Kinakabahang sabi nung Fred.
"Oo n-nga Jack!!" Pati nung Drew.
Napakunot naman ako noo ko dahil pinagtutulungan nila si Cute Nerd?
"Huh? Hindi naman ako tumawa ah?" Inosenting tanong ni Cute Nerd.
"Tss" Biglang tumayo si Alexa at pumasok sa isang kwarto. Hindi ko alam kung anong kwarto yun kasi ngayon pa lang ako nakapasok dito at si Alexa lang ang may alam kung anong nandito sa loob.
"San siya pupunta?" Tanong ni Cute Nerd sakin.
"I dunno."
"Kuya, may nahanap ka na?" Tanong Shari sa kambal na may tonong nang-aasar.
Napakunot- noo naman kami. OP kasi kami ee.
"Tss."- Keith.
"Uyy!! Magshare naman kayo."-Karen
'Paalisin mo sila. May pag-uusapan tayo' rinig kong sabi ni Alexa sa earpiece.
"Guys!! Umalis na kayo kasi lalabas na din ako maya-maya" mahinahon kong pagpapaalis sa kanila.
"Si Alexa?" Tanong ni Shari.
"Sabay kaming aalis. Ge na. Shoo!!"
"Grabe ha? Ginawa mo naman kaming manok." Reklamo ni Cute Nerd.
"Sige, balik nalang kami next time." -Tim
"Wala ng next time"- sabi ko nalang at tuluyan na silang lumabas.
Sinarado ko agad yung pinto at nilock saka pumasok sa kwartong pinasukan ni Alexa kanina.

Nakita kong para itong music room. Mahilig kasi sa music instruments si Alexa.

"May laban mamaya sa Red Field"
Ang Red Field isa itong battle area dito sa Pilipinas dahil kung may gang na manghahamon ay duon sila nalalaban.
"Pupunta ba tayo?" Tanong ko.
"Ya." Nagliwanag bigla ang muka ko.
"Waaah!! O my gosh!! Tagal ko ng di nakikipaglaban." Excited kong sambit.
"Think of a codename."
Hmm.. Ano nga ba? Di ko naman pedeng gamitin ang CodeName ko noon.
"Ikaw anong CN mo?" Wala pa kasi akong maisip. Baka magka-idea ako kung malalaman ko CN niya.
"Gagawa tayo ng gang." Seryoso niyang sabi.
"Huh? Nang tayong dalawa lang?" Ano bayan. -_____-
"Guess what. Dadating ang mga kalaro ko, next week."
Nakangisi siya habang sinasabi ito.
Namutla ako sa sinabi niya.
Mga kalaro niya..

Mga kalaro niya..

Mga kalaro niya..

"W-what?"
"Natatakot ka sa kanila tapos sakin hindi?" Nakangisi pa rin ito.
"No, no, no. Ayoko kong nagsasama kayong tatlo. Yun yung pinakanakakatakot."
Kinakabahan ako. Waaaah!! Ayoko na!!(个_个)
"Hahahaha. Chill!!" Natatakot na ako. Baka matulad tung Pilipinas sa mga nangyayari sa Japan noon. Waaah!!(T_T)
Actually, sobrang yaman din ng mga kalaro niya. At gaya ng nangyari sa kanya. Ay pinapatay sila. Kaso masasamang damo sila ni Alexa, sa kasamaang palad nabuhay. De joke.
Ang alam ng lahat ay patay na rin sila. Pero gaya din ni Alexa ay naghahanda lang sila. Lagot na talaga. Ipagdasal niyo na ang Pilipinas mahal kong kababayanan.
"Hoy!!"
"Ay! Mahal!!" Gulat kong sambit.
"Tss.. Anong mahal?"
Nakita kong masigla si Alexa dahil siguro sa mga kalaro niya. Huhuhu.
"Anong sabi mo?" Tanong ko nalang sa kanya.
"Ang pangalan ng magiging gang natin ay Venomous Melody. Dapat related lang diyan ang CN mo"
Grabe. Good mood siya. Kaya kinikilabutan ako.
"Uh.. Toxic.. Eer.. Toxicia nalang."
"Okay its settled. Yung dalawa ay si Poison and Bane. Then, you as Toxicia and me as Venom. Ikaw nalang din ang bahalang magregister satin. Don't put any information just our CNs. Kahit gender,no!"
"Okay surething. Wala pa sila, so tayo lang ang lalaban?"
"Hindi tayo lalaban. Manunuod lang muna."
"Sayang!!"
Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na kami dun kasi may pasok pa.

Pagkatapos ng klasi ay nalalakad na kami ni Alexa papuntang Cafeteria. Isang step nalang papasok ay sabay kaming napatigil. Para bang isang masalimuot na nakaraan ang nasa loob at wala kaming lakas para pasukin ito. (Chos!! XD)

"Sa tambayan nalang tayo kumain"

---Tambayan---
Kumakain kami Alexa ng may putok ng baril kaming narinig.
Napatigil kaming dalawa sa pagkain.
Kahit malayo lang yun ay klarong-klaro yun sa pandinig namin.
Uminom ito ng tubig. Napainom din ako ng wala sa oras. Kasi tumayo ito.

Tahimik kaming naglalakad sa gubat at hindi lumikha ng kahit anong ingay. Sinusundan namin yung putok kanina.

Nasa dulo ito ng gubat.
"Ar-argh!! Wala akong kinuha sa inyo!!" Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang batang lalaki. May putok ito sa bandang tiyan.
"Saan ang tama niya?"
"Sa tiyan."
"Hoy batang langsangan hindi mo alam ang kinakalaban mo. Akin na!!" May dalawang mama na may hawak na baril. Duh? Pumapatol sila sa bata? Wow ha?
"Wala nga sakin yun, PANGIT!! ARGHHH!!" Sigaw nung bata ng apakan nung mama ang tiyan niyang may tama.
"Sh*t!!"
Aakmang babarilin ko ito kaso nakita kong tulog na yung dalawang mama. Pinatulog na ito ni Alexa. Ee? Pano siya napunta dun ng di ko namamalayan?
"Ipakuha mo tung dalawa dito. Turuan ng leksyon!!" Naiinis na sabi bi Alexa. Lagot kayo!!
Sinunod ko naman yung utos niya.
"Kaya mong maglakad?"
Umiling lang yung bata at nanghihina na.
"Hold on"
Binuhat ni Alexa yung bata.
Napa O.O naman ako
"K-kaya mo k-kong buhatin?" Gulat na tanong nung bata.
"Nabuhat na nga kita ee." Simpleng sagot ni Alexa.
Yung bata kasi parang 8 years old na. Siguro kaya rin akong buhatin ni Alexa. Wahahaha. Di ko maimagine.

Pinasok ni Alexa yung bata sa isa pang kwarto at may kama dito. Parang bahay din tung tambayan namin no? -_____-
"Ikaw na munang bahala sa kanya. Nasa cabinet ang gamit."
Tumango nalang ako. Marunong kasi akong manggamot lalo na ang pang-oopera . Part din yun ng training ko. Kasi noon walang medics. Dapat matuto kaming gamutin ang sarili naming sugat. Kahit gaano kalala ang tama at sugat ko noon. Walang gagamot sakin kaya marami akong natutunan. Dahil kung aasa kami, mamatay lang kami. Aaminin kong sobrang lala nung training ko.
We are 100 kids na tenitrain noon at 20 lang kaming nakaligtas. Ang iba ay hindi kinaya ang training kaya namatay. Bawal ang tulong-tulong noon.

Mas marami ka kasing natututunan kung independent ka.

At yung 20 ay isa na sa pinagkakatiwalaan ngayon ng pamilya nila Alexa. At proud akong isa ako dun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Awakening The DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon