Everything has changed:24

11 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas at araw araw nararamdaman ko na pasama ng pasama ang pakiramdam ko pero hindi ko nalang ipinapahalata sa kanila dahil ayoko na mag alala sila. Sa araw-araw na iyon ay pinipilit ko ang sarili ko na maging masayahin pero pag dating na mag isa nalang ako sa kwarto ko doon ako nag kakaroon ng chance na umiyak nalang.

"Ayah" tawag saakin ni Ikang

"baket?" tanong ko naman sa kanya

"aayain sana kita na lumabas"

"may ginagawa ako eh" sagot ko nalang sa kanya hindi sa marami akong ginagawa dahil na rin ito sa pananakit ng katawan ko kaya ayaw kong gumalaw.

"sigi na" pag pipilit niya. Ganito ako simula noong nararamdaman ko ang sakit nagiging malayo na ako sa kanila dahil mas gusto ko pa na mag isa.

"si Carlos nalang ang isama mo"

"sigi" sagot niya habang narinig ko ang yabag ng paa niya.

Ikang's POV

Sa mga nag daang araw ay may napapansin ako sa pinsan ko minsan matamlay siya pero pag nahalata niya na nakatingin ako sa kanya ay ibabaling niya ang mata niya sa malayo at pipilitin niya na ngumiti.

Ewan ko ba kung ano ang nang yayari sa kanya hindi na din siya madalas lumabas ng kwarto niya. Isang araw habang kukuha sana ako ng tubig sa ibaba ay may naririnig ako sa kwarto niya na umiiyak. Ano na kayang nang yayari sa kanya?

Bumaba ako at nag pasama kay Carlos na lumabas. Ilang araw na din na si Kuya Ca-I mean Carlos ang kasama ko ayaw niya kasing tinatawag siya ng kuya dahil ilang buwan lang naman ang agwat ng edad namin. Ilang beses na din kami lumalabas ng hindi kasama si Ayih kaya nagiging ka close ko na siya.

"Carlos"

"hmm..." sagot niya

"may napapansin ka ba kay Ayah?" tanong ko bigla naman siyang natahimik

"Bakit mo naman natanong iyan?" tanong niya

" eh kasi napapansin ko lately hindi siya laging lumalabas ng kwarto niya tsaka mas gusto niya lagi na mag isa"

"napapansin ko din yan eh di kaya may tinatago siya saatin?" sagot niya

Everything has changedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora