Everything has changed:25

7 1 0
                                    

Palala na ng palala halos dalawang linggo na akong nag titiis hindi ko na din yata kakayanin...

Bumaba ako para kumuha ng tubig pero may nakita ako na nakatingin saakin

"Ayih" pag tawag niya tumingin naman ako ng bahagya at nakita si Carlos

"Bakit?" pag tatanong ko

"Pwede ka bang makausap"

"kinakausap mo na nga ako" matamlay kong sagot wala ako sa mood na makipag biruan sa kanya

"Ikaw talaga sungit pero gusto kita kausapin yung tayong dalawa lang sa garden"

"Wala ako sa mood ngayon Carlos pwede next time mo nalang ako kausapin" ayaw ko muna siyang kausap kaya sana tumigil na siya

papaalis na ako ng hinila niya ako papuntang garden ano bang meron dito sa lalaki na toh seryoso?! sinabi na na wala ako sa mood eh.

"Carlos ano ba?!" sigaw ko sa kanya naiinis na talaga ako ah

"gusto ko lang naman makipag usap sa iyo"

"ano bang dapat pag usapan" inis na tanong ko

"haay! Ayih naman eh pwede bang kausapin mo ako yung hindi ka naiinis" sabi niya huminga naman ako ng malalim at hinarap siya ng walang ekspresyon sa mukha ko.

"ano na?" mahinahing tanong ko

"napansin ko kasi lately hindi ka na sumasama saakin may problema ka ba saakin Ayih?"

"wala naman akong problema sa iyo Carlos gusto ko lang talaga mapag isa, pwede na ba akong umalis?" tanong ko habang tumatayo sa kina uupuan ko

"mapag-isa? hindi kaya dahil kay Red kaya ka lumalayo saakin saamin?"

"teka anong kinalaman ni Red dito?!" naiinis na sagot ko medyo napa lakas ata dahil nagulat siya saakin hindi ko naman gusto na mang yari ito hindi ko lang talaga makaya yung sakit ng katawan ko.

"nakita ko si Red noong isang araw may nilalagay sa locker mo at narinig ko din na siya ang nag papadala ng mga bulaklak sa iyo" si Red siya yon? hindi ko alam na siya yon biglang sumakit lalo yung katawan ko letche gusto ko na bumalik sa kwarto ko di ko na kaya.

"Bahala ka dyan Carlos kung ano ano yung iniisip mo" hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ng makita ko na nag iba yung itsura ng mukha ni Carlos para siyang natatakot

Naramdaman ko na may tumutulo sa ilong ko

hinawakan ko ito at nakita ko na may dugo

dugo

at wala na akong makita kundi kadiliman.

Everything has changedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora