Maskara

113 5 0
                                    


* * *


Nakita mo ang iyong sarili sa loob ng isang silid. Nagmumukmok. Nag-iisip. Naghahanap ng kasagutan sa mga tanong na bumabagbag sa'yo. Tangan mo pa rin ang serbesang kahapon mo pa pinapadampi sa iyong labi. Nagbabaka-sakali na mahilom nito ang iyong mga sugat---na matagal na ring lumamat sa iyong dibdib.


Matagal-tagal mo na rin palang suot-suot ang iyong maskara. Maskarang nagpapakita ng birtwal na ikaw: high-spirited, jolly jerk, psycho, at isang all-time pervert. Maskarang tinanggap ng sosyalidad na ginagalawan mo. At, pinandigan mo na ito. Dahil ni minsan, 'di mo nakuha ang ganitong uri ng pagtanggap sa tunay na ikaw.


'Yung tunay na ikaw? Ayon, kinadena mo na. Kulong na kulong sa piitang binuo mo sa sarili mo. Nagpakatotoo ka lang. Minahal mo siya. Hindi ka niya minahal.


Nagpakatotoo ka lang, oo. Pero nu'ng nalaman mo kung gaano kasakit ang magpakatotoo, ano na ang ginawa mo?


Nagpakaloko-loko.


Nagpakahibang? 


Nagpakatanga!


At binato mo na nga ang bote ng Red Horse! Oo, ang sarap din namang isipin na hanggang sa huli, ginawa mo na ang lahat, pero nalamangan ka pa rin, niloko ka pa rin, at iniwan ka pa rin!


So, what did you've done? You've covered yourself into fear! For you fear people knowing the real you. For you want to be loved, even love takes loving the fake you.



Fake you? 


Fuck you!



Naging ganoon ka katigang na sa pagmamahal. Hinanap mo ang pag-ibig sa iba't ibang sulok ng daigdig. Sa pera. Sa alak. Sa babae. Sa droga. Lahat ng maari mong paglabasan ng depression mo sa'yong sarili, ginawa mo na.



Hanggang sa ang maskara mong binuo sa sarili mo ay nilalason ka na. Nang paunti-unti. 'Yung tipong hindi mo na kayang i-stand ang nararamdaman mong ka-bullshit-an. Dapat masaya ka na, hindi ba? Pero bakit masakit pa rin? Bakit ang hirap pa rin?



Ngayong gabing ito, kinalimutan mo muna ang iyong huwad na katauhan.



Hinubad ang maskara.


At lumingon sa salamin.


Doon mo nakita ang sarili mong mugto na ang mata kakaiyak. Sa hindi mo malaman na dahilan, mas magaan ang pakiramdam mo noong umiiyak ka kaysa noong tumatawa ka gamit ang iyong maskara. Pinuno mo ang silid ng hikbi ng iyong mga luha. Umiyak ka. Nang umiyak. Nang umiyak. Nang umiyak.



Sa sandaling iyon, nakita mo ang sarili mo na malaya. Pumuslit ka na sa hawla iyong kinalalagakan! Napuno ka ng halakhak! Ilang taon ka rin naging hibang, naging tanga, naging impokrito---pero ang kasagutan lamang pala ay nasa kamay mo.



Sarili mo lamang pala ang pinakamatindi mong kalaban.



Sarili mo lamang pala ang makakapagbigay-solusyon sa'yo.



All your life, the answer is only there into your thy hands. It is YOU, all along. Mahalin mo ang sarili mo. 'Wag mong pagkaitan ang sarili mo...na sumaya...muli.

Kuwentong KalyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon