Destinasyon

42 0 0
                                    

Nagtatapos ang pagtatagpo sa muling paghahanap. Ito ang sigurado sa katulad kong patuloy na nawawala—hindi sa paraang hindi ko alam kung anong istasyon ng bus na kailangan kong puntahan, o sa paraang hindi ko alam kung anong lugar ang aking maapakan. Nawawala ako kahit ang pasikot-sikot na kalsadang 'to ang palagi kong nakikita. Nawawala ako kahit ang tanging ginawa ko lamang naman ay ang manatili. Nawawala ako, at nagtatalong-pugad ako kung kailangan ko pa bang maglaho.

Kuwentong KalyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon