Her Letters...

983 12 2
                                    

Her 1st Letter

Kilala mo ba si Mr. Sungit? Ikaw yun eh! Di mo alam?! Haha! Nakakatawa talaga ang tadhana! Parang nung kailan lang tinapon mo yung kahuli-hulihang LOVE LETTER na ginawa ko para sa iyo... Pero simula ngayon hindi na! Tama na! Ayaw ko nang masaktan pa kasi damang-dama ko na ang sakit!

Na ma-reject ka ng 2,190 times!

Nagtataka kayo kung bakit ganun ka dami? Kasi matiyaga akong bata! Araw-araw akong nagsusulat ng love letters sa kanya noon, simula nung 2nd year high school pa kami sinusulatan ko na siya, hanggang sa dumating kami sa point na magkaklase kami hanggang ngayon na 4th year college namin. 

Nakaka-asar diba? Araw-araw akong nagsusulat, at araw-araw ko ding nakikita ang mga letters ko na tinatapon lang sa basurahan!

Nakakainis ka! Pero bakit? Bakit ngayon ko lang ito na-realize? Bakit kung kailan sobrang dami na ng lalaking na-friendzoned at iniwasan ko, saka ko lang nalaman na wala din naman pala akong mapapala sa iyo? BAKIT???!!!!

Sino nga ba ako at nageemote-emote ako agad dito ni hindi nyo pa ako kilala...

Ako si Kaycie de Vera, 4th year college student Culinary Arts. At kaya ako nagkakaganito hindi kasi pinaglaruan ako, pinagpalit, or kung anu mang anything cliche! Kaya ako ganito ngayon dahil sa dinami-dami ng mga lalaking gwapo at mayaman sa school namin doon pa ako sa PINAKA WEIRD... PINAKA QUIET... at PINAKA MASUNGIT na lalaki na-inlove!!

Si Lei Frencil ....

Madaming tao ang nagtataka kung bakit at kung ano ang nakita ko kay Lei, pero nung mga high school years namin, at uso ang crush, sandamakmak ang kaagaw ko sa kanya. Matalino si Lei, magaling sa kahit ano, street smart, disiplinado, at hanggang ngayon walang nagsasawang magbigay ng love letters sa kanya. Siguro dahil sa sobrang kapogian niya ay pati yung Guidance Councilor naming biyuda inlove na din sa kanya eh!

Pero... Ako na siguro ang kauna-unahang babaeng bumigay at tumigil sa pagiging isang Lei fanatic.. Hindi na kasi kinaya ng puso ko, durog na durog na. 

Kung ano yung reason ko, malalaman nyo din...

My 1st Letter...

 Dear Lei,        02/10/**

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Aaminin ko na mahal na mahal kita! Simula pa noong 2nd year high school tayo! Pero since hindi mo ako kilala, hindi na rin ako magpapakilala, nakakahiya naman kasi eh!! Dito sa 1st letter ko sa iyo, tawagin mo akong Prince, pero take note hindi ako lalaki...

Babae ako Lei, bakit naman kita mamahalin kung lalaki ako, hindi uso bakla sa atin noh! I just want you to know that am a huge fan of yours before pero hindi na ngayon, naaasiwa na kasi ako sa ugali mo eh! Nakakairita ka!

Yan muna sa ngayon.. Don't worry, hindi ito love letter kahit ng umamin ako sa iyo nung una. Please, kahit man lang ito basahin mo, hindi ko na ito ilalagay sa isang magarang envelope hindi dahil sa mahirap ako kundi ayaw ko nang madami pang kaartehan.

                                                                                                                         Nagmamahal, isang kaibigan,

                                                                                                                                                 K.D.V

Ayan!!! Nakakahiya naman kung sa desk ko ito ilalagay baka may makakita pa sa akin. Kaya sa loob nalang ng locker niya, dun ko linagay…

Nakaka-excite na parang hindi.. Kasi sa loob loob ko kinakabahan ako...

5 letters to Mr. SungitWhere stories live. Discover now