HIS LETTER: Lei's side

514 21 14
                                    

LEI's LETTER:

Umuwi ako sa bahay ng walang nakakapansin. Natural wala namang may paki-alam sa akin eh, pwera nalang doon sa mystery writer na hindi na mystery ngayon. Si Kaycie pala yun.. Bakit ngayon ko lang nalaman? Bakit ngayon lang kung kailan huli na ang lahat? Nakakainis!

"Basahin mo ulit yung limang letters ko sa iyo... Kung matalino ka talaga may mapapansin sa mga yun, hanapin mo at makikita mo yung tunay kong message sa iyo.." nagpaulit-ulit yung huling sinabi ni Prince sa akin...

Agad kong kinuha yung limang letters na natanggap ko galing sa kanya...

I analyzed it carefully... At.. O___O.....

1st letter:  I lang yung naka capitalized at naka highlight...

2nd letter: LOVE yung word na naka highlight...

3rd letter: YOU ang naka highlight...

4th letter: GOOD...

at ang huli ay...

5th letter: BYE...

"I LOVE YOU GOOD BYE" sabi ko...

"I LOVE YOU GOOD BYE!!!" 

Nakaramdam ako ng luha na tumulo mula sa mga mata ko... Bakit? Bakit ko siya minahal kung kailan wala na siyang nararamdaman sa akin? Bakit??

Sobrang sakit pala ng ganito noh? Tama siya, hindi lahat ng babae ay ma-iinlove sa akin. Dapat pala nagbago ako nung una ko palang siyang nakilala... Just by re-reading her letters I can tell that she has four reasons kung bakit hindi niya kinaya...

her first reason.. Pagod na pagod na siya...

her second reason.. I hurt her feelings...

her third reason.. I didn't treat her fairly and nicely...

and the fourth reason is...

SHE HAS ALREADY GIVEN UP HERSELF... AND YET SHE DIDN'T RECEIVE ANYTHING...

Napaka laki ng kasalanan ko kay Kaycie... Naiinis ako sa sarili ko!! Tapos bigla kong naalala nung high school pa kami...

*FLASH BACK*

"HOY!! LEI FRENCIL !!! TUMAYO KA NA NGA DIYAN SA UPUAN MO!!!" sigaw niya sa akin.

"ano ba? nakakairita ka na ah!"

"flag ceemony na natin gusto mo bang mapagalitan?"

"kung oo may magagawa ka?"

"meron! sasamahan kita para pareho na tayong mapagalitan!" sabi niya.

"wag ka ngang childish! Hindi bagay sa'yo." sabi ko. 

"please... punta ka na..." pagmamaka-awa niya.

>___> ---- ^~^

"sige na nga!"

"yehey!! Tara!"

*END OF FLASH BACK*

Pumunta ako sa ilalim ng kama ko.. Doon ay may kinuha ako.. Napangiti ako nung nakita ko yun, yung lumang treasure box ko..

Pagbukas ko nun, tumambad sa akin ang napakaraming letters... Letters ni Kaycie de Vera iyon lahat, 2,190 letters! Hindi ko naman tinapon yung mga letters niya eh, hindi naman sa kanya yung mga tinatapon ko eh, hindi niya alam ang mga letters lang niya ang hindi ko tinapon... At sa pinaka ilalim na part ng box ay yung letter na ginawa ko para sa kanya noong valentines day...

My 1st Letter to Her:

Dear Kaycie,                  02/14/**

Happy Valentines day!

Alam mo bang mula 1st year ay may gusto na ako sa iyo. Nakakahiya ngang aminin eh, kasi sa totoo lang torpe ako pagdating sa iyo. Sana ngayong 2nd year tayo ay mapansin mo ako hindi lang kasi ayaw kong pumunta sa flag ceremony, kundi bilang isang classmate at isang kaibigan din. Kaya ako masungit kasi ito ang kinalakihan kong state, sana maintindihan mo kung bakit ako ganito...

I'm sorry kasi hindi ako pala-kaibigan lalo na sa iyo, tulad nga nung sinabi ko sa'yo torpe ako... Natutuwa ako kasi pinapadalhan mo ako ng letters araw-araw, napaka sipag mo talaga kaya crush kita eh! I love the way you walk, the way you talk, the way you shout at me that it brings me confidence. Maraming salamat kasi araw-araw mo akong pinapa-kilig sa mga letters mo.

Alam mo baka ligawan kita pagtapos nating mag-aral, kasi syempre studies first, yan yung rule mo diba? Hehe! Well tandaan mo lang na nandito ako lagi para sa iyo, hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo, sana maging successful ka pagdating ng araw...

Napakaganda mo talaga Kaycie! Sorry ahh, isa lang ang nagawa kong letter para sa iyo, pero ikaw ang dami dami na.. Nakakahiya tuloy...

Well sana pag nabasa mo ito walang magbago ah! Kung ano yung turing mo sakin noon ganun parin hanggang sa graduation.. Maraming salamat Kaycie! I love you Ms. Sungit!

                                                                                                                                       Love,

                                                                                                                                       Lei Frencil a.k.a Prince

Naiinis ako sa sarili ko!!!! Bakit kasi hindi ko nagawang ibigay sa kanya yung letter ko? Bakit? Edi sana kami na ni Kaycie ngayon?

Ako si Mr. Sungit, na nainlove kay Ms. Sungit noong 1st year palang, pero dahil sa katorpehan ko nawala siya sa akin ng tuluyan...

Nakakalungkot isipin na hahantong sa ganito... Sayang... Sayang talaga...

~~~~~/////\\\\\/////\\\\\/////\\\\\~~~~~

A heart-breaking story... I felt this so hard...

Yey! Nakatapos din ng isang short story!! Hahaha!! Laking improvement din ito! Napaka immatura ko talaga! HOHOHO!!

Well anyways, sana magustuhan ninyo! I just did this today.. Medyo mahaba pero ok na yan!!

I just felt like writing this after having a hell week...

Likes, Comments, and Votes are accepted and Thanked for...

Happy reading!! 

-Yuki

5 letters to Mr. SungitWhere stories live. Discover now