Chapter Eleven

30 1 0
  • Dedicated kay Pauline Niña Gatdula
                                    

Chapter 11 Feelings

Danica’s POV

*dug dug dug dug * Hindi ko alam kung bakit pero lumakas at bumilis un tibok ng puso ko mula nung niyakap ako kanina ni Ivan. Tapos parang nakaramdam ako ng tuwa nung nalaman kong nagselos sya kay Ren, ang weird ko noh? Natutuwa pako na nagseselos sa isang tao si Ivan. waaaaaahhh! Naguguluhan ako! Last year ang huling beses ko tong naramdaman at kay Brendan. Hindi kaya. . . . . . . . .? ahh no no no siguro pagod lang ako kaya bumilis tibok ng puso ko. Ehh saan naman ako napagod?? Hay hindi ko maintindihan, basta alam ko masaya ako na okay na ulit kami ni Ivan. Nandito pala ako ngayon sa gym kasama nila Alysa, Roxette at Joh-ann. Naging close ko nadin si Joh-ann, basta kanina nung papunta kami ni Ivan dto ehh niyaya ko sina Alysa na manood din tapos nakita ko nalang na kasama nila si Joh-ann at happy naman ako kasi nadagdagan na naman un mga kaclose ko ^______^

Pinapanood namin ngayon maglaro sina Ren at Ivan. hmmmp tinotoo kasi talaga ni Ivan na ipapakita nya daw sakin na mas magaling sya kesa kay Ren kaya naman sinabi nya na one-on-one sila ni Ren tapos sila Alvin nakipag one-on-one din sa mga ibang players. Naku! Hindi nya naman na kailangan patunayan un sakin. Kahit tatlong beses ko palang syang napanood alam ko na magaling na sya dati pa ehh ngayon pa kayang mas nag-improve pa sya?? Tatlong beses ko palang sya napanood kasi madalas hindi ako nakakasama sa mga laban nila. Kundi may emergency sa bahay ehh may sakit ako.

“hoy girl! Akala ko ba ehh okay na kayo ni Lance?” – Alysa

“huh? Oo okay na kami. Anong meron?”

“hindi mo ba napapansin na sobrang init ng laban nila? Parang may matinding aura sa paligid?” – Roxette

“aura? san goku lang? Direct to the point nga, slow ako ngayon ehh”

“Panoorin mo naman sila mabuti. Mata palang makikita mo ng nagliliyab sila. Sabi mo nga na okay na kayo ni Lance pero bakit mukhang may galit? or something sa pagitan nila?” - Roxette

Tinignan ko un dalawa. Oo nga tama sila Roxette, may iba pero ano yun? “baka naman kasi dahil lang dun sa sinabi ni Ivan sakin” sabi ko sakanila

“ehh ano ba sinabi sayo” – Joh-ann

“sabi nya kasi na ipapakita nya sakin na mas magaling sya kaysa kay Ren” sagot ko

“sa tingin mo? bakit nya ginagawa yun?” – Alysa

“ahhhh ewan? Kasi nagselos sya nung una kay Ren?”

“sa tingin mo ulit, bakit sya nagseselos?” – Alysa

“at bakit nya kailangan magselos ehh may gf naman na sya?” pahabol ni Roxette

“diba nga nasabi ko na sa inyo ang dahilan”

“hindi mo parin ba naiintindihan?! Diba nagselos ka kay Jm? Tapos sya nagselos kay Ren? It means . . . . . . ” – Alysa

“may feelings kayo sa isa’t-isa” sabay-sabay nilang tatlong sinabi

*dug dug dug dug* “no. imposible.” Bakit ganun? Narinig ko na naman un heartbeat ko. Ang bilis.

“hay naku! Bahala na nga kayo! Ang slow.” – Alysa

Hindi ko na napansin un mga sinabi nila sakin. Lalo lang ako maguguluhan ehh. Oo nga pala, tie un laban nila Ren at Ivan. Hindi naman daw kasi pwede na sila nalang maglaro buong maghapon kaya nung sobrang higpit na ng laban na tipong wala ng nakakashoot ehh pinatigil na ni Aj un ono-on-one nila. Okay na daw un para makita un potentials ni Ren. Well, nakapasok si Ren ^____^ napanood naman ng lahat na natapatan nya si Ivan kahit 1 hour lang silang naglaro. After nung practice nila ehh niyaya naman ako ni Ren. Masaya daw sya na nakapasok sya kaya naman ililibre nya ako, yah ako lang ulit. Nauna na kasing umuwi sina Alysa tapos si Ivan naman ehh may pupuntahan daw. Dumiretso na kami sa may mall, wala ng palit-palit ng uniform. Nagpaalam naman kasi ako kina kuya tapos tinext ko na din sina mom kung sakaling hanapin ako. Kakain lang naman daw kami kaya saglit lang kami. Habang nasa loob kami ng isang fastfood chain. . . . . . .

Searching YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon