LYS:1

116 9 5
                                    

Andrea Pov

"Jc! Jc! Jc! "tawag ko sa kanya

"Hindi kapa ba titigil"inis na sabi nya
"Sige na kasi sabay na tayo pls" pagmamakaawa ko
"Nakakahiya ka na Andrea, kung ikaw hindi nahihiya, pwes ako nahihiya na sa pinag gagagawa mo" sabay tulak nya sa akin.
"Jc, sige na Jc pls" pilit ko sa kanya
"Hindi ka ba talaga titigil Andrea" inis na sabi niya
"Sabay na kasi tayong mag lunch" pagpipilit ko

"Haist.. Bukas ok.. Bukas"sigaw nya saakin.
"Promise mo yan ah" sigaw ko sa kanya.

Hay, Ganyan naman siya palagi eh. Pero kahit ipagtabuyan niya ako, hindi pa rin ako titigil, bakit? Eh MAhal ko siya eh. Alm ko naman na ayaw niya saakin, pero wala eh..Mahal ko tlaga siya eh.

-Kinabukasan-

Kanina pa ako dito sa labas ng classroom nila, ang tagal nilang magdismiss.

Hay sa wakas.. After 1234 years. Dissmisal na nila.

"Jc! "tawag ko sa kaniya.
Kita ko sa kanya yung biglang pagkainis niya.

"Diba sabi mo, sabay tayong kakain ngayon? "excited kong sabi sa kanya.

"Ugghh, pwede ba lubayan mo ako" pasigaw na sabi niya

"Ehhh, dba sinabi mong ngayon tayo magsasabay kumain"sabay pout ko
"Pwede bukas na lng, may gagawin pa akong project ngayon.. Kaya huwag kang makisabay" sabay alis niya.. Pro pinigilan ko siya

"ano ba talagang problema mo??" inis na inis niyang sabi
"Ahh, ibibigay ko lng sana toh"sabay abot ko sa kaniya yung lunch box na adobo ang laman
"Kainin mo yan ha.. Pinaghirapan ko yan pra sau" sabay pilit na ngiti ko..

Umalis na ako sa harap niya.. Kasi masakit na eh...

Pumunta muna ako sa likod ng school.. Pra marefresh utak ko..

Habang nag mumuni muni ako.. May narinig akong kanta..

Love Yourself by Justin Bieber

..Natamaan nman daw ako dun sa "You should go and Love Yourself.

Dapat siguro.. Mahalin ko muna ang sarili ko bago siya pro hindi ko kaya..Mahal ko talaga siya.. Sabi nga nila kung mahal mo ipaglaban mo.. Kahit nagpapakatanga na ako sa sakanya okay lng. Ganun nman tlaga dba. Mahal ko siya. Higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Kung pagpipiliin ako kung siya o ang sarili ko. Hndi ako magdadalawang isip na piliin sya. Kasi Mahal na Mahal ko siya.

Hindi ko namalayan uwian na pala. Makauwi na nga.. Aasa pa ako bukas..

-Kinabukasan-
Kanina ko pa siya hinahanap, pero hindi ko siya makita. Anebeyen gutom na ako. Bibili muna nga ako ng pagkain.

Pagkatapos kong bumili..pumunta na lng muna ako sa likod ng school. Pagdating ko dun may narinig akong nagtatawanan.

"Hahahaha.. Nakakatawa talaga siya babe" sabi ng isang familiar na boses.
Sumilip ako.. Hindi nga ako nagkamali si Jc De Vera yun.. May kasama siyang Babae na si Yana.
Sikat sa school si Yana.

May nagtulak sa akin na umalis na lng ako dun pro sabi ng isip ko dito muna ako.. Kaya nag stay muna ako dun habang nakikinig sa usapan nila.

"Alm mo babe.. Ikaw yung pangarap kong babae na maging gf ko" sabi ni Jc. At ouch lng ha.. Gf na pla niya si Yana.

"Hahaha.. Babe Oa mo ah.. I love you" sagot naman ni Yana.
"I love you too babe" masayang sabi ni Jc.

Ngumiti na lng ako ng mapait. Hay ganto pla kasakit makita yung taong mahal mo na may mahal ng iba. Na parang tinutusok ng maraming karayom yung puso mo. Akala ko yung pagtataboy niya sa akin ang mga masasakit na maramdaman ko pro mas masakit pa pala toh.

Hindi ko na kaya. Pumunta ako sa cr pra tignan ang itsura ko.Mahirap ba talaga akong mahalin.. Bakit ganon Nagmamahal lng naman ako. Pro bakit ang sakit .. Nahihilo na naman ako.. Wla panaman yung gamot ko dito.. Maka alis na nga. Baka lumala pa tong hilo ko.
Pag labas ko ng Cr. May nakita ako ng familiar na lunch box, linapitan ko at gumuho nanaman yung mundo ko. Bat di na lng niya sinabi na ayaw niya yung linuto ko. Kasi mas masakit na nasa basurahan yung linuto at pinaghirapan mo para sa kaniya. Doble doble na tong nararamdaman ko. Nahihilo na talaga ako. Kailangan ko Nang umuwi. Baka mangyari nanaman yung kinakatakutan ko.

Habang tumatakbo ako pauwi. Hindi ko mapigilang isipin yung mga nangyari kanina. Tignan mo nga naman, nakaya kong lagpasan lahat ng yun. Ano bang wala sa akin bakit hindi ako kayang mahalin ni Jc.

"Ahhhhhhh" napasigaw na lng ako sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Eto na naman yung kinakatakutan kong mangyari.

Hndi ko na nakayanan at bigala na lng akong nawalan ng malay.

"Tulong"yan lng ang huling naisigaw ko.

-------
Pls. Vote and comment po. Salamat.

Love Yourself Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon