LYS: 2

65 9 0
                                    

Andrea Pov.

Pagmulat ko sa mga mata.. Andito nanaman ako sa hospital. Ayaw na ayaw kong pumunta dito kasi lahat sila Sinungaling. Kung ano anong sinasabi.

Pero sino man ang nagdala sa akin dito.  Salamat na lng sa kaniya kahit dinala niya ako dito.

Biglang may nagbukas ng pinto at bumungad sa akin ang doctor. Family Doctor ko.

"Andrea,  diba palagi ko namang pinaalala sayo na kailangan mong dalhin palagi yang gamot mo. "

"Malakas naman po ako. Bat ko pa kakailanganin yan"

"Andea.." hindi ko na siya pinakinggan..kung ano ano nanaman sasabihin niya.. Uungkatin nanaman niya si mama..matagal ko ng kinalimutan yun.. Masakit yun para sa akin..  Nakita ko na lng yung sarili ko na andito sa park

Hay.. Nalala ko nanaman si Mama.. Ang close close nmin noon. Akala ko perfect na ang buhay ko yun pla. Malaking kasinungalingan ang lahat. Akala ko wala na akong tatay.. Kasi sabi ni mama patay na ito dahil sa car accident pero kasinungalingan ang lahat. Akala ko mahal na mahal ako ni mama pero kasinungalinan na naman. Lahat puro kasinungalinan .

Masakit isipin na dahil lng sa pera.. Kinuha niya ako sa tatay ko. Hinahanap hanap daw ako ni papa pero hindi niya ako mahanap. At nalaman na lng niya na nandun ako kay mama. Pilit daw akong kinukuha ni papa pero ayaw daw ni mama dahil mahal niya ako  ang totoo dahil lng sa pera kaya niya nagawa yun. At masakit din isipin na isa akong napakalaking kasalanan na ginawa nila. Dahil aksidenteng nabuntis ni papa si mama. Akala ko kaya ako kinukuha ni papa dahil mahal niya ako. Pro nagkamali ako,  kinukuha niya ako para patayin niya dahil isa ako sa mga kasalanang nagawa niya. 

Nung nalaman ko lahat ng toh
Nagdesisyon akong dun na lng ako sumama kay mama dahil mahal ko si mama kesa kay papa pero habang papasok ako sa hospital na palaging tinatambayan ni mama. Nakita ko siyang kahalikan niya sa uncle Jeff, family doctor namin. Hindi ko nakaya ang lahat.. Isa lng ang nasaisip ko that time. Walang nagmamahal sa akin. Walang nagpapahalaga sa akin.

Kung saan saan ako napadpad. At naisip ko.. Gusto kong patunayan sa kanilang lahat na ang isang Andrea Reyes ay hindi sumusuko at hindi nagpapatalo. Nagsumikap ako kaya nakakapag aral ako ngayon. Ganyan kasaklap ang buhay ko.

Isa lng nman ang pangarap ko eh.. Ang Makaranas ako ng totoong pagmamahal ..

Pro nabigo nanaman ako.. Kasi Akala ko si Jc ang makakapagbigay sa akin yun pero hindi pala..

Ako lng pala ang nagmamahal.
Ewan ko rin kung bakit... Basta ang alam ko.. Hindi ko siya kayang kalimutan.. Hindi ko pinapansin ang sarili ko pati ang nasa paligid ko.
In short.. Kay Jc lng umiikot ang mundo ko.

Lahat kaya kong gawin.. Pero pano ko gagawin kung ngayon gusto ko ng sumuko.. Pero diba sabi ko na ako sa Andrea Reyes na hindi sumusuko at hindi nagpapatalo. Kaya hindi ako susuko.. Dadating ang panahon na Mamahalin din niya ako.. Itaga nyo yan sa bato.

Sabing hindi na ako iiyak eh.
Aalis na dapat ako kaso nakita ko. Si
.
.
.
.
.
.
Yana.. May kasamang lalaki.. Pero hindi si Jc ang kasama niya. Akala ko ba bf niya si Jc. Bat iba ang kasama niya.

Nakaramdaman ako ng inis dahil sa nakita ko.. Nakita ko lang namn kasi silang naghahalikan.

Nagpaalam yung lalaki kay Yana at hindi ko napigilan. Lumapit ako sa kanya.

"Akala ko ba si Jc ang Boyfriend mo?? Bat iba ang kahalikan at kasama mo"

"At sino ka naman.. Jc ba kamo.. Yung lalaking uto uto.. "

"Niloloko mo siya?? "gulat na sabi ko

"Haha.. Obvious ba?  Duh.. Isang Yana Ferrer magkakagusto sa isang walang kwentang lalaki.. Stupid " maarteng sabi niya

"Eh sa walang hiya ka pala eh.. Ikaw na nga yung maswerte kasi ikaw yung mahal niya.. Lolokohin mo lng!!" galit na sabi ko sa kanya

"Ah.. Anong pake ko" bored niyang sabi

"Makakarating sa kaniya tong pinag gagawa mo sa kaniya. "

"As if naman papaniwalaan ka niya.. Isa ka lng nmang Hamak ng Nagkakagusto sa kanya."

Oo nga pala.. Baliw ka na talaga Andrea.. As if naman papaniwalaan ka niya..

"Haist.. Basta makakarating toh sa kaniya"

"Stupid, Makaalis na nga. Baliw" sabi Niya sa akin bago siya umalis.

Baliw na talaga ako.. Hindi naman maniniwala si Jc sa akin eh..pro nakakainis yung babaeng yun. Siya na nga yung mahal ni Jc lolokohin lng nya.. The Heck..

Makaalis na nga...

Aalis na sana ako pero "Ahhhh" ansakit nanaman ng ulo ko...

Dali dali akong umuwi sa bahay at ininom ang gamot ko.. Kinakabahan na ako.. Ayaw ko tong mangyari sa akin toh..

Nangako ako. Pero hindi ko kayang mahalin ang sarili ko..si Jc lng ang mahal ko pero.. Hindi pa huli par as hindi ko tuparin ang pangako ko..

---
Pls vote and comment.. Thank you

Love Yourself Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon