Aubrie's POV

"Aubrie!" Lumingon ako, ah si Damien pala.

"Oh, bat ka pumunta dito? May pasok ka pa." Tanong ko, kasi kapag gantong oras may pasok siya.

"Di ako pumasok eh." Baliw talaga tong lalaking to.

"Baliw. Magpapahinga muna ako ah." Sabi ko naman.

"Ah sige. Bye Aubrie." Sabi niya. Nagpaalam na rin ako since I want take a rest.

Ang boring ng buhay ko. Every month check-up, dialysis, treatment. Pero, mamamatay din naman ako eh. Di na lang nila pinadali buhay ko. Syempre, napapagod din naman ako. Pagod na ako na bigla bigla nalang ako aatakihin, pagod na ako na lahat na lang ng gusto ko bawal saakin. Pero iniisip ko rin, yung lovelife ko. Eh, wag na nga. Tutulog muna ako.

-after 3 hours-

"Huy bakit ka andito?!" Tanong ko kasi naman pagkagising na pagkagising ko, ang nakita ko si Damien. Baliw talaga tong panget na to.

"Binantayan kita." Sagot niya.

"Saan sa pagtulog ko? Baliw ka." Loko ko sakanya.

"Oo. Tara Aubrie labas tayo." Tignan mo pati ako idadamay sa kalokohan niya.

"Huh?! Baka pagalitan ako ni Mama eh." Sabi ko naman sakanya, nako pag na beastmode si Mama bahala ka gugunaw bahay namin.

"Tara na dali." Sasama na nga ako. Gusto ko rin naman lumabas eh.

"Osige, pero saglit lang ah." Sabi ko kay Damien.

"Oo tara na." Tas ayun, lumabas na kami. Anlamig dito sa labas. Andaming tao.

"Bakit parang tahimik ka?" Tanong sakin ni Damien.

"Wala, naninibago lang ako. Ngayon lang ulit ako nakalabas eh." Oo, ngayon nalang ulit ako nakalabas. Si Mama kasi eh lahat bawal.

"Sana Aubrie pag gumaling ka na. Makasama na kita palagi sa mga lakad ko." Talaga tong pangit na to.

"Asa pa tayong gagaling ako." Di naman na talaga ako gagaling eh.

"Gagaling ka, tiwala lang." Sus.

"Ayoko na umasa Damien. Mahirap na." Ayoko na talaga umasa.

"Damien. Damien di ako makahinga." Di ako makahinga.

"Damien di ko na kaya."

"Aubrie. Aubrie, saglit lang."

"Di ko na kaya." Sabi ko.

Damien's POV

Nawalan na ng malay si Aubrie. Kaya, tumawag na ako ng taxi. Tsaka tinawagan ko na din Mama niya, si Tita Ana.

"Damien." Bulong ni Aubrie. Nang may tumutulong luha.

"Aubrie kaya mo yan. Aubrie lumaban ka." Ano ba naman to, naiiyak na rin ako.

"Damien, di ko na kaya. Ayoko na."

"Wag Aubrie. Aubrie naman.. wag mo ako iwan. Wag mo ako iwan Aubrie." Sabi ko, ayan tuloy naiyak na ako.

"Joke hahha. Gotchu." Arghh.

"Ano ba naman Aubrie. Nakakinis ka." Mangiyak ngiyak na ako dito.

"Ayiee maimiss niya ako." Loko sakin ni Aubrie

"Oo talaga naman mamimiss kita eh. Bestfriend kaya kita." Sabi ko naman kay Aubrie.

"Asus. Pahinga muna ako ah." Sabi sakin ni Aubrie.

"O sige. Gumising ka ah." Loko ko naman kay Aubrie.

"Utut mo. Sige na tutulog na ako." Sabi naman niya, hinayaan ko muna siya matulog, nakakaawa ang bata eh. Haha biro lang.

Alam niyo bang napakasupportive ni Aubrie sakin. Palagi niya akong sinasama sa kalokohan niya, katrip ko siya. Sana makahanap ako ng babaeng tulad niya. Oo, hindi talaga siya. Naalala ko kasi nung sinabi nung doctor niya na bawal daw sa puso niya yung may karelasyon. Nagulat ako nun. Kaya ayun, tinigil ko na yung nararamdaman ko para sakanya. Oo, dati may nararamdaman ako kay Aubrie, pero nung nagkasakit siya, di ko na kuna tinuloy. Pero siguro kung gagaling siya, pede naman. Hay, ayoko talagang nakikitang nahihirapan si Aubrie. Naalala ko tuloy to.

--flashback--

"Aubrie! Aubrie gumising ka." Tawag ko kay Aubrie, ayaw niyang gumising. Namumutla na siya. Di ko alam gagawin ko.

"Da..mien." Bulong niya.

"Aubrie please wag mo ako iwan. Please ayoko." Umiiyak na kaming dalawa, ayokong mawala yung babaeng andyan palagi sa tabi ko, ayoko. Di ako papayag

"Damien, ayoko na. Gusto ko na ma...tigil to." Umiyak siya, iyak siya ng iyak. Habang umiiyak ko siya kinakanta ko yung favorite song niya yun "Don't Let Me Go" by Jai Waetford (guys recommend ko talaga sainyo to)

"So baby please...don't leave me now..don't leave me now..don't let me go don't let me go..don't let me go." Umiiyak kaming dalawa habang kumakanta ako.

*toot toot toot toot*

Wala na siyang heartbeat.

"Doc, doc si Aubrie po. Doc please. Ayoko po."

"Wait lang po sir. Nurse akin na." Sabi nung doctor niya.

"Time of death 11:10 am January 2 2007. Sir sorry po, wala na po siyang pulse and heartbeat." Sabi nung doctor niya, nung sinabi niya yan. Parang sumabog yung puso ko.

"Aubrie...please ayoko. Aubrie gumising ka please. Aubrie marami pa tayong pupuntahan diba? Aubrie.." Niyakap ko siya habang hawak kamay niya. Tas biglang gumalaw yung daliri niya.

"Doc gumalaw po si Aubrie." Bumalik yung pulso niya. Bumalik heartbeat niya.

"Nurse, icheck mo please yung bloodpressure. Yung heartbeat and pulse." After macheck, buhay si Aubrie.

"Aubrie. Aubrie gising ka. Thank you Aubrie di mo ako iniwan...thank..you." Naiiyak ako, tama na.

"Damien..ang higpit ng yakap mo." Nakayakap kasi ako sakanya, mahigpit kasi ayoko siyang mawala. Sobrang saya ko, sobrang sobrang sayan

"Damien..thank you." Sabi niya. Nginitian ko siya, tas hinalikan ko yung noo niya.

"Magpahinga ka na." Sabi ko.

"Si Mama nasaan?" Tanong niya.

"Kausap niya yun doctor mo. Hinayaan niya muna akong kausapin ka. Nung nawalan ka ng heartbeat nandun siya sa prayer room. Umiiyak habang nagdadasal."

"Talaga? Sana hindi na lang ako nag--" Pinutol ko hung sinabi niya kasi palagi nalang niya sinasabi yun.

"Aubrie naman, wag kang ganyan." Sabi ko. Palagi nalang niya sinasabi yan tuwing may dialysis siya, check ups etc. Nakakaawa siya, sobra.

--end of flashback--

O diba? Pero ngayon, kahit may sakit siya. Ngumingiti parin siya. Kapag nakikita ko siyang nakangiti, masaya na ako.

"Damien." Gising na pala si Aubrie.

"O kanina ka pa ba gising?" Tanong ko sakanya.

"Di naman, ngayon lang din. Damien, pede pakuha ng tubig? Please." Ok, masama yung pakiramdam ko na baka atakihin siya.

"O sige wait lang ah. Wait lang." Sabi ko. Binilisan ko na pagkuha ng tubig para sakanya.

"O ito." Ayun nakaupo siya.

"Salamat, Damien. Thank you sobra." Sabi niya.

"Oh wag ka na muna magdrama, masama sa kalagayan mo yan." Loko ko naman kay Aubrie.

Sana gumaling na siya. Yun talaga isa sa pinakahiling ko, yung gumaling siya.

--end of chater one--

Fragile HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon