Aubrie's POV

Akala ko talaga mawawala na ako. Sobrang sikip ng dibdib ko. Parang tinutusok yung puso ko. Buti na lang talaga, andyan si Damien.

"Aubrie, anak. Kamusta ka na?" Bigla naman pumasok si Mama dito sa room ng ospital.

"Okay lang po Ma, medyo gumaan na po yung pakiramdam ko. Buti na nga lang po nadala agad ako ni Damien dito sa ospital." Sabi ko naman kay Mama na alalang ala saakin.

"Anak naman. Bakit naman kasi kayo lumabas ng hindi ako kasama?" Tanong sakin ni Mama.

"Sawang sawa na po kasi ako na palagi nalang nakahilatay sa kama ko. Nakakulong sa kwarto ko." Sagit ko naman kay Mama.

"Anak naman, pag lumala yang kalagayan mo anong mangyayari sayo? Isipin mo naman kami anak, lagi mong iniisip yang sarili mo paano naman kami?" Nasaktan ako sa sinabi ni Mama.

"Ma palagi ko na nga lang kayo iniisip eh. Kung hindi ko siguro inisip yung kaligayahan niyo, patay na ako ngayon Ma. Matagal na akong sumuko Ma. Pagod na po ako, Ma. Pagod na pagod na po ako." Yan yung mga salitang gustong gusto na lumabas ng bibig ko noon pa. Pero alam kong masasaktan si Mama.

"Anak wag kang sumuko. Wag mo akong iwan. Wala na nga ang Papa mo iiwan mo pa ako." Oo, wala na si Papa. Namatay siya sa car accident. Sobrang laking parte ng buhay ko ang nawala nung namatay siya. Wala akong kapatid, kaya napakaboring ng buhay.

"Ma, di ko po mapapangako na dito lang ako palagi sa tabi niyo Ma. Siguro dadating din yung araw na, mawawala ako, na sasamahan ko si Papa." Yan yung sinabi ko kay Mama na umiyak siya ng sobra.

"Kung anong plano ng Diyos, anak." Yan nalang ang nasabi niya. Kasi siguro, nasaktan ko siya.

"Pero Ma, hangga't maaari, hindi ko po kayo iiwan ni Damien." Hinding hindi ko sila susukuan, kahit yung sarili ko sinukuan ko na.

"Salamat anak, sobrang salamat." Niyakap niya ako, nang naramdaman ko na may tumulong luha galing kay Mama.

"Anak, magpahinga ka na muna. Gigisingin nalang kita kapag iinom ka na ng gamot." Sabi saakin ni Mama.

"Opo Ma. Ma nasaan nga po pala si Damien?" Tanong ko kasi napansin ko na wala si Damien.

"Bumili lang siya ng gamot mo anak." Nginitaan ko na lang si Mama, kaya ayun pumikit na muna ako para matulog.

Damien's POV

Pinabili muna ako ni Tita Ana ng gamot ni Aubrie. Nalungkot ako nung andaming nakasulat na gamot para inumin ni Aubrie. Nang nakapunta na ako sa bilihan ng gamot, binilhan ko nalang din sila ng pagkain.

"Aray ko." May nabangga akong babae.

"Ay sorry miss sorry talaga." Nahulog ko ata yung gamot na binili niya. Kaya ayun pinulot ko,mpero ayun nagkauntugan kami.

"Aray ko naman kuya haha." Ganda niya, pero mas maganda parin si Aubrie naks Aubrie haha.

"Sorry po miss. Damien." Nagpapakilala ako, malay mo forever ko. Haha joke lang.

"Okay lang haha, ako si Eloise." Sabi niya sakin.

"Ah sige ah. Bye muna ah, ibigay ko lang to sa mahal ay este kaibigan ko ah." Sabi ko naman.

"Ah sige. Bye." Nginitaan ko na siya para makaalis na rin ako, baka maging crush ako eh. Haha joke ang kapal.

"Aubrie. Ito na gamot mo." Pumasok ako ng kwarto, tas nakita ko na tulog sila parehas ni Tita Ana na tulog. Kaya ayun nilagay ko nalang sa table ung gamot. Tas binantayan ko nalang muna sila habang natutulog sila. If you wonder, wala akong parents. True yan, si Lola nalang meron ako tsaka mga kapatid ko (at si Aubrie naks). Iniwan nila ako. Si Mama pumunta ng States, tas ang naiwan samin ng kapatid ko, si Papa na lang. Tas ayun, paggising namin wala narin si Papa. Masakit, pero andyan naman si Lola eh. Si Lola, palagi kaming inaalagaan. Hindi niya kami iiwan, yan ang pangako niya. Oo may kapatid ako, si Jace at si Kuya Klay. Si Jace, siya yung bunso namin, grade eight na siya. Si Kuya Klay naman, second year college. Tas ako grade ten. Si Kuya Klay, nasa Parañaque dun siya nag-cocollege. Si Jace nasa probinsiya namin, na kila Tita Grace. Mabait si Tita Grace, inaalagaan niya si Jace doon. Si Kuya Klay naman, sobrang sipag mag-aaral. Minsan umuuwi siya dito, pero minsan lang. Pagpasko, Bagong Taon, tsaka kung ano anong occasion. Swerte nga namin ang babait ng taong natira sa amin eh.

"Damien?" Gising na pala si Aubrie at si Tita.

"Oh Aubrie, okay ka na? Bumili ako ng gamot mo eh." Sabi ko kay Aubrie. Tumayo namansi Tita Ana, may gahawin ata.

"Damien pakibantayan si Aubrie ah? Magccr muna ako." Sabi sakin ni Tita Ana.

"Sige po Tita, ako po bahala kay Aubrie." Sagot ko naman kay Tita Ana. Lumabas na siya ng room mi Aubrie dito sa ospital.

"Aubrie kamusta ka na?" Tanong ko naman kay Aubrie.

"Okay lang naman." Sabi sakin ni Aubrie. Nawalan ako ng sasabihin. Di ko alam sasabihin ko. Ah, ikkwento ko nalang sakanya yung nabangga kong magandang babae, si Eloise.

"Aubrie alam mo ba may nabangga akong babae kanina si Eloise." Sabi ko kay Aubrie.

"Ah talaga. Ikaw ah, pumapag-ibig ka na ah." Sabi saakin ni Aubrie.

"Oo tas nagkauntugan kami, tas nahawakan ko pa kamay niya. Ganda niya Aubrie. Dapat kinuha ko number niya eh." Sabi ko naman kay Aubrie.

"Ah so papalitan mo na ako ganun? Sige bahala ka." Ayun nagselos na. Tumalikod siya saakin. Kaya di ko na alam sasabihin ko.

"Hindi ah siyempre hindi kita papalitan, bestfriend kita eh." Sabi ko kay Aubrie. Mabilis talaga mag-selos tong si Aubrie.

"K." Yan ang sinabi niya.

"Sorry na." Sabi ko naman.

"Ayoko." Haha talaga tong si Aubrie.

"Uy, sorry na. Tampo ka agad." Sabi ko kay Aubrie.

"Doon ka na kay Eloise, palibhasa maganda siya diba? Diba gusto mo kunin number niya? Habulin mo baka mawala." Sabi sakin ni Aubrie.

"Bat ka naman magseselos? Iba naman ang bestfriend sa girlfriend ah." Ayan sinabi ko na gusto kong sabihin.

"EH KASI AYAW KITA MAWALA!" Sumigaw si Aubrie, siguro nainis na talaga siya sakin.

"Ako rin naman ah. Pero syempre, kailangan ko rin ng ibang babae na magmahal sakin." Sabi ko kay aubrie.

"Okay. Go away. Pumunta ka na kay Eloise." Sabi sakin ni Aubrie.

"Sorry na. Uy, sorry na." Ayaw niya talaga ako pansinin. Bahala siya, di ko rin siya papansinin.

"Ayaw mo ako pansinin ah, bahala ka." Sabi ko kay Aubrie, kaya ayun nagcellphone nalang ako.

"Aubrie, kain ka na." Pumasok na si Tita Ana, papakainin na niya si Aubrie. Umupo naman si Aubrie, di man lang ako tinitigan. Galit nga to.

"Damien, ikaw nga muna magpakain kay Aubrie. May babayaran pa pala ako." Sabi ni Tita Ana saakin.

"Ma, ako nalang. Kaya ko subuan sarili ko." Sabi ni Aubrie.

"Ako na Aubrie." Sabi ko kay Aubrie.

"Ako na." Sabi saakin ni Aubrie, kaya ayun lumabas na si Tita Ana.

"Ako na, iwan mo ako. Umalis ka." Sabi saakin ni Aubrie.

"Aubrie ano ba? Bestfriend lang kita. Wag mo pakialaman lovelife ko." Ayan nasagot ko tuloy si Aubrie. Bigla kong nakita na may tumulong luha sa mata niya.

"Aubrie, sorry na." Sabi ko sakanya.

"Iwan mo muna ako, please. Iwan mo ako. Tutal lahat naman kayo iiwanan ako eh. Kaya ngayon palang, iwan mo na ako." Sabi sakin ni Aubrie, nung sinabi niya yan. Parang, ang sakit. Ang sakit sakit.

"Bahala ka." Sabi ko sakanya.

"Sige na, bati na tayo. Basta, iwan mo na ako please." Sabi sakin ni Aubrie.

"Please.....u..malis ka na." Sabi sakin ni Aubrie ng umiiyak.

"Kung yan ang gusto mo. Goodbye." Sabi ko sakanya, naiiyak na ako. Ano ba naman to.

"Goodbye, Damien." Sabi niya sakin, kaya may tumulong luha sa mata ko.

--end of chapter 2--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fragile HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon