OSC 9

1.4K 53 33
                                    

A/N: Sorry po. Super busy sa school and work! And THANKYOU sa mga readers ko sa SHE. 100K na siya. Yieeeee. Clap-clap. Mwuah :) Super saya ko.

Rai's POV

"Hindi ko alam kung anong problema ni Ange at bigla na lang siyang naging ganun sa akin. Siguro naiinis na siya sa ugali ko. Kaya mas minabuti ko ng hindi muna siya lapitan. Baka sakaling maging ok na siya. Saturday ngayon at super bored ako. Hindi ko alam kung saan ako pwedeng pumunta. Hayy. Magbabasketball na nga lang ako sa park, gusto kong mapag isa."

"Habang naglalaro, naiisip ko pa din si Ange. "Ano ba Rai? Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati. Ano bang meron sa Ange na yan na wala ang ibang babae at hindi mo siya maalis sa isip mo?" sabi ng konsensya ko. Hindi ko talaga alam. Kaya bago pa lumala 'tong nararamdaman ko eh pipigilan ko na. Alam kong ako lang din naman ang masasaktan sa huli eh. Dahil kahit kailan hindi magugustuhan ni Ange ang isang tulad ko. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasketball ng mag isa, hanggang sa napagod ako."

"Tumakbo ako sa may sari-sari store at bumili muna ng tubig. Pagkatingin ko sa kabilang kanto, nakatayo dun si Christine at nakatingin sa akin. Ano na naman kayang problema ng babaeng 'to? Kaya agad na akong umalis para hindi ako mainis."

"Pero hinabol niya ako. "Rai, please wait!" sigaw niya. Napatigil ako at agad na lumingon sa kanya. "Ano na namang kailangan mo?" medyo pagalit kong sabi.

Pero agad niya akong niyakap ng mahigpit. "Rai, I'm sorry! Hindi ko sinasadyang sampalin ka nun. Nadala ako sa galit ko dahil nakita kong may babae kang kasama, but please Rai. Give me a chance! Promise ko magbabago ako para sayo. Gagawin ko lahat!" sabi niya na pasinghap-singhap na dahil sa iyak. Hinaplos ko naman ang likod niya kasi hindi na siya makahinga ng ayos. "Just stop crying." sagot ko.

"Maya-maya lang ay tumigil na siya at umalis sa pagkakayakap sa akin. Agad naman siyang yumuko. Hinawakan ko ang baba niya para maitunghay ang mukha niya. Pinunasan ko ang mga luha na nasa mga mata niya. Hindi ka dapat nasasaktan ng ganyan sa akin Christine. "I'm sorry!" Hatid na kita." sagot ko. "Ayaw! Gusto kita makasama." sabi niya. Tumango na lang ako, kasi hindi din naman siya makikinig sa akin. Naglaro na lang kami ng basketball na dalawa. Kahit papano hindi ko na naiisip si Ange. Masayang kasama si Christine, kung binigyan ko lang siguro ang sarili ko ng pagkakataon para kilalanin siya. Hindi ko sana siya nasasaktan ngayon."

"Umupo muna ako sa bench para makapagpahinga. Naghahanap ako ng tubig pero naubos ko na pala. Pagtingin ko sa harap ko may hawak na towel at tubig si Christine. "Oh tubig, alam kong pagod ka na. Talikod ka. Punasan ko ang likod mo. Basang-basa ka ng pawis oh." sabi niya. Wala na akong nagawa. Kukulitin niya lang ako eh. "Salamat!" sagot ko. Tumango naman siya at tumabi sa akin. "I love you Rai." sabi niya habang hinawakan ang kamay ko sabay sandal sa balikat ko.

"Christine..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ito ng daliri niya. "Rai, alam kong matututunan mo din ako mahalin. Kaya kong maghintay. Kahit na ako pa ang manligaw sayo. Gagawin ko." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi, wala na akong nagawa. Tumango na lang ako. Siguro nga, matututunan ko din siyang mahalin. Para makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Ange. "Uwi na tayo, gusto ko na magpahinga." sagot ko. Tumango naman siya, ibig sabihin nun, ihahatid ko siya sa bahay nila."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Step Closer... (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon