OSC 5

1K 42 18
                                    

A/N: UD-UD lang habang holiday pa. Lalalala.

Erin/Rin's POV

"Denisse, nakita niyo na ba si Ange?" tanong ko. Kasi nag aalala pa rin sila. Di daw kasi sinasagot ni Ange ang phone niya.

"Hindi pa rin nga eh. Saan kaya nagpunta ang babaeng yun? Labasan na. Hindi man lang nagsabi kung saan siya pupunta." painis na sabi ni Danica. Ang bestfriend ni Ange, kaya ganito na lang siya kung mag alala.

"Teka Dev, nakita niyo ba si Rai? Bigla na lang din siyang nawala eh. Kasama ko lang siya kanina." pagtataka kong tanong kay Dev.

"Hmm. Nakita ko siyang naglakad dun, akala ko magtotoilet lang." sagot niya. Saan din naman kaya nagpunta ang kumag na yun? Pareho sila ni Ange eh, hindi man lang marunong magsabi, parang walang mga kaibigan.

"Hmm. Seah, tawagan mo si Rai. Tell her urgent. Sabihin mo dito siya sa gate 2 pumunta." sabi ni Dev kay Seah na ngingiti-ngiti pa. Ano na naman kaya ang iniisip nitong si Dev? Puro kalokohan na naman ata eh. Kaya agad na tinawagan ni Seah si Rai.

"Oh? Ano sabi?" tanong ko kay Seah.

"Be here in 5 minutes daw." sagot niya. Kaya naghintay kami ng 5 minutes. Naglinga-linga kami, at ayun nakita na naming palapit si Rai at kasama niya si...

"Ange?" Wow lang!

"Sabi ko na eh. Hahaha." sabi ni Dev na tatawa-tawa pa. Kaya napatingin kami sa kanya. So I guess, alam ko na din kung bakit. Tumango-tango na lang kaming lahat. Pati si Denisse, natatawa na lang.

"Pagkalapit ni Rai ay agad niya kaming kinausap." "Bui, may nangyari ba? Napaaway na naman ba kayo?" seryosong pagtatanong ni Rai. Halos pinipigil kong wag tumawa ng malakas kasi ang O.A ni Rai. Pati yung mukha niya, parang namatayan.

"Anong napaaway? Hahahaha." sabi ni Dev. Hindi ko na napigilang hindi tumawa ng malakas. Kaya nagtawanan kaming lahat.

"Sinamaan ni Rai ng tingin si Dev. "Anak ng..... G-r-r-r!" sabi ni Rai. Akmang babatukan niya si Dev pero tumakbo agad ito. "Naku Dev! Kung hindi lang kita tropa. Nabugbog na kita sa lakas ng trip mo! Tss. Sabi niyo urgent! Tapos pagtritripan niyo lang pala ako." pahabol pa niyang sabi. Natatawa na lang kaming lahat eh, nang bumaling naman sila kay Ange.

"Saan ka ba galing girl? Kanina ka pa namin kino-contact, ayaw mo naman sagutin. At bakit magkasama kayo ni Rai ha?" seryosong tanong ni Danica kay Ange.

"Ano kasi, nagpunta lang ako sa field para magrelax. Sorry kung hindi ko nasasagot. Nasa bag kasi ang phone ko." pagpapaliwanag niya. Parang ayaw sagutin ni Ange ang tanong kung bakit sila magkasama ah. May namamagitan na kaya sa dalawang 'to?

"Eh bakit nga kasama mo si Rai?" seryosong pagtatanong ni Danica.

One Step Closer... (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon