OSC 6

876 34 4
                                    

A/N: Yung feeling na inis na inis ako kasi hindi ko pala nai-save yung halos kalahati ng chapter na 'to. Ayun gumawa ulit ako ng bago. Grrrrr! Super nakakabadtrip ang ganun. Nga readers? Sorry sa late UD. Bigla na naman nagbusy sa work eh. Thankyou sa super dami kong silent readers!

Ange's POV

"Pagkatapos ibigay sa akin ni Rai yung editorial section.  I did check everything before handing it out. Mahirap na no? Baka maging dragona na naman si Ms. President pagka pangit yung pagkakagawa. I did enter her office, na sobrang kinakabahan."

"Congratulations Ms. Montenegro. You did a great effort for this editorial section." sabi niya at nakipagkamay sa akin. "Thank you po." baling kong sagot. "I'm sorry for what I said last time. Anyways, here's the original copy. I already print out 200 pages so that the students can see it as well." ngiti na lang ang isinagot ko at umalis na sa office. Grabe ang kaba ko. Akala ko magagalit na naman siya. Pasalamat ko na lang talaga kay Rai at siya yung gumawa nun. Malaki ang naitulong niya sa akin.

"Naglalakad ako sa hallway. At panay ang ngiti sa akin ng mga students. Yung grupo ng ilang babae ay lumapit sa akin. I think mga senior na sila." "Ikaw si Ms. Montenegro right?" tanong nung isa. Tiningnan ko sila at tumango. Bakit? May kasalanan ba ako? Bakit nila tinatanong? "Congrats, We're reading your article and you did a great effort with that, knowing na freshman ka pa lang pero you can do some articles like that already." sabi niya. Yun lang naman pala eh. Akala ko naman kung ano. Nagpasalamat na lang ako sa kanila at umalis na. Lahat ng hallway na dinadaanan ko, yun ang sinasabi nila. Kaya ngumingiti na lang ako.

"Buti na lang nakita ko na sila Danica na papalapit na din sa akin. Pagod na ang panga ko sa kakangiti."

"Girl, congrats sa article! Ang daming bumili pinag uusapan nila yun all over the campus." sabi ni Denisse sa akin ng makalapit sila.

"Sabi ko sayo bes eh. Kayang-kaya mo yan!" pahabol pa ng bestfriend kong si Danica. Nakakatuwa naman na ganito sila sa akin. Pero kasi kailangan ko naman sabihin sa kanila na si Rai ang gumawa nun eh.

"Ah eh girls, may sasabihin ako sa inyo." sabi ko sa kanila kaya umupo naman sila agad. Pag talaga seryoso na ang usapan tatahimik na sila. "Pero wag dito sa canteen. Doon tayo sa park, baka may makarinig eh." kaya umalis na kami dun at agad nagpunta sa park.

"Oh girl, game na?" sabi ni Denisse. Paano ko ba sasabihin? Madidissapoint kaya sila sa akin? O magiging proud sila kay Rai?

"Ano kasi? Hindi ako ang gumawa nung article." sabi ko sabay yuko. Nagulat naman silang lahat. "Eh sino ang may gawa?" sabay-sabay nilang tanong. Tumingin muna ako sa paligid bago ko sinagot. "Si Rai." maikli kong sagot. Mas lalo naman silang nagulat.

"Seryoso? Pero paano? Paano siya nakagawa ng article na ganun kaganda? Eh hindi naman siya nag eeditorial di ba?" pagtatakang tanong ni Denisse. "Kahit naman ako, nagulat eh. Nabanggit ko kasi sa kanya na napagalitan ako ni Ms. President about dun sa article. Then she offer her help. Siya na daw ang bahala mag ayos." tuluy-tuloy kong pagkwekwento sa kanila. "Talaga? Ang bait pala talaga ni Rai nu?" pahabol na sabi ni Danica.

One Step Closer... (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon