A/N:
Before anything else, ako po muna xD HAHA. Weeeeeee. Excited ako sa chapter na ito kasi believe or not, until now hindi pa din ako makapaniwala na nagsusulat ako! Ang baliw ko neh?
Moving on, sa palagay ko po mahaba ang chapter 4. Todo effort ako for this kasi as in nilabanan ko ang antok ko para matapos ito. Ang sarap kaya matulog kapag maulan! Hehe. Kaya sana maappreciate nyo po ito. Yun lamang po. Bow :)
Umuwi na din agad si Kyle pagkatapos ng pag-uusap naming iyon. Pinipilit ko sya na sabihin na sa akin agad ang kondisyon nya pero ayaw nya pa ring sabihin sa akin. That guy is so difficult >.< Naitanong ko din pala bago sya umalis kung naihatid nya ba si Jade pero wrong move yata ako doon kasi medyo nadisappoint sya dahil hindi nya nga talaga naihatid ito. And that is obviously because of me. Pero ako pa rin ang mas lalong nainis kasi dapat hinatid nya na lang si Jade. Muntik ko na nga sya mabatukan nang ikwento nyang pinagtaxi nya ito. Jusko naman! Delikado yun ah! Ako pa ang inalala, si Jade naman ang pinahamak? Sira-ulo talaga si K.
Anyhoo, matutulog muna talaga ako. Nakakastress na masyado ang araw na ito para sa akin. Besides, pass 11 pm na. Gustong gusto kong matulog pero hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Phieven. Bigla bigla gusto ko na ulit makita si K at magsumbong dahil ayoko na talaga na isipin pa si Phieven. See, K never failed to make me feel better and comfortable whenever I'm feeling down gaya na lang ngayon. My mind is kinda shambolic right now because other part of me also want to see Phieven.
I remained up while sitting beside my bed. Sinabi ko na na matutulog ako pero heto naman ako ngayon, nag-iisip ng mga bagay nakakdagdag lang lalo sa heartaches ko.
Hanggang sa makita ko ang isang necklace na nakasabit pa sa picture frame na nakapatong sa may bedside table ko. Ang picture na iyon ay kuha namin ni Daddy when I was only 11 years old. He gave me that necklace just before he and my mother died from a bombing accident. I've been living on my own for almost 6 years already. Ang tanging natira lang sa akin ay ang bahay na ito.
Promise
Iyan ang nakaukit sa ring pendant ng necklace. That was also exactly 6 years ago when someone ever made a promise to me. Pangakong walang iwanan na mabilis ding napako dahil iniwan nya pa rin ako na nag-iisa. Ilang beses na ba 'tong nangyayari?
And now, I'm crying for the same damn thing again.
Si Daddy at ngayon, si Phieven.
They didn't keep their promises.
And so I end up feeling very much devastated because of my broken hopes and faith.
LESSON LEARNED: Never to believe on promises ever again. It's fatal.
------
Hindi ko na maalala kung paano at kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Nakatulugan ko na siguro ang pagod sa pag-iyak ko. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog nang maalala kong may pasok pa pala ako ng 7:30 am. Kaya lang pagtingin ko sa wall clock ng kwarto ko mag o-1 pm na pala. Grabe, namatay ba ako? Ilang oras akong nakatulog?
Pagtingin ko naman sa cellphone ko, sumambulat sa akin ang 100 missed calls O.O Paano nya nagawa yun? Hulaan nyo kung kanino? E kanino pa nga ba? Edi kay Kyle! Walang text messages kundi missed calls lang. Maya-maya pa habang hawak ko ang cellphone ay bigla itong tumunog at nagvibrate. Muntikan ko pang mabitawan sa gulat ko. Naku, si Kyle ulit ang tumatawag kaya kaagad kong sinagot.
"Hel--"
(WHY THE HELL ARE YOU NOT ANSWERING MY CALLS?!!) Nilayo ko sa tenga ko ang cellphone. Halos mabingi ako dahil sa sigaw nya.

BINABASA MO ANG
Raven's Promise (on-hold to forever)
Teen FictionHUWAG BASAHIN! IT'S NOT YET EDITED! Prologue Every now and then, I always believe that promises are made to be broken. That only those optimistic fools with their false hopes who think it is indeed true. But not until someone came into my life an...