"I'm begging you. Let's have a talk. Tara muna sa kotse. Usap tayo please, bebi?"
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Feeling ko nakuryente ako nang hawakan niya ako.
"Bitawan mo na ako. Wala na tayo so, hindi na natin kailangang mag-usap pa! I have to go Phieven!" pero ayaw niya pa rin akong bitawan. Mapapaiyak na ako at konti na lang talaga di ko na mapipigilan ang sarili ko na yakapin siya. God! I miss him so much T.T
"Parang awa mo na Raven. Don't do this to me, to us. Mag usap naman tayo kahit saglit lang talaga. Alam ko nasasaktan kita pero i eexplain ko sayo lahat. Wag mo lang gawin sakin to oh! Sasabihin ko na lahat ng gusto mong sabihin ko... Kausapin mo na ako. Doon muna tayo sa ---" naputol siya sa sinasabi nya dahil may biglang kumapit na babae or rather linta sa braso nya at hinalikan siya. *Gasp*
"Bebi, ano ka ba? Kung saan-saan ka pa pumupunta. Kanina pa ako hanap ng hanap sa iyo. Bigla ka na lang kasi nawala e~ Ay, sino yang kausap mo?" sabi nung lady centipede. Pero teka! BEBI daw? What the! Ang kapal! Excuse me moi, hoy! Hindi po bagay sa kanya ang endearment na 'yon! Dapat pede-pede as in centipede! Mukha namang siyang linta't alupihan!
"A-ah. Sandali lang, bebi. Hintayin mo na lang ako doon. May kakausapin lang akong kaibigan."sabi nya na parang natataranta pa.
Shet! Nagpanting yata tenga ko dun ah!
BEBI?? So, bebi talaga ang tawagan nila?! Feeling ko ni level niya lang ako at ang ganda ko sa babaeng yun e. Hindi ko iyon matatanggap! At KAIBIGAN niya na lang pala ako ngayon?? Eh, bakit kailangan pa kaming mag usap ngayon? Bwisit! Nasasaktan na talaga ako!
"Ayoko nga. Bakit kayo mag uusap?" mataray na sabi ni pede-pede.
At sa wakas, nakapagsalita na rin ako.
"No. Hindi kami mag-uusap kasi aalis na ako." ayoko na. Tama lang na umalis na 'ko. I can't take it anymore. Tumalikod ako sa kanila para makaalis na.
"Raven, wait. We're not yet done." kita mo tong lalaking to! Hindi ba siya marunong makiramdam? ha? I hate him! Hinawakan niya ulit ako sa braso kaya nagpumiglas ako.
"Phieven! Bakit mo ba siya hinahabol? Aalis na siya!"
"You don't care kung bakit ko siya hinahabol!! Bakit ba!! Saglit nga lang di ba?!" nabigla ako nang pagtaasan niya ng boses yung babae. Belat!
"Wag mo akong sigawan! Ang sabi ko, hindi ka makikipag usap sa babaeng iyan or else I'll tell this to your Dad and to my daddy! You know what I'm saying *smirk*."
All of a sudden, Phieven fell silent. I knew right then and there that it's game over. Hindi niya na ako kayang ipaglaban. Kaya naman tuluyan na akong umalis. Buti naman at hindi niya na tinangkang habulin ulit ako kundi sinapak ko na talaga sya! Yun nga lang, pagkaalis na pagkaalis ko esabay na kumawala ang mga luha ko. Para akong tanga kasi napapatingin na sa akin yung mga tao. Nakakahiya pero wala akong pakialam kasi ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. I'm covering my mouth to muffle my sobbing, habang tumatakbo.
Wala na, talo na e. Siguro tatanggapin ko na lang na hanggang dito na lang kami. Na hindi na kasi talaga pwede.
Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Tumutunog ang cellphone ko but I don't have enough energy to answer it because I'm crying myself out. I din't even manage to look who's calling but I'm sure it's Kyle. Unknowingly, nakarating ako sa isang bar.
*Now playing: Give Me Everything ( Tonight ) by Pitbull ft. Ne-Yo
Pumasok na ako at ewan ko ba pero umorder na rin ako ng alcoholic drinks. Alam kong mali but I wanna get drunk tonight. Hindi ako sanay uminom pero bahala na talaga. Ayos din 'tong bar na 'to ah. Nakakapasok kahit mga minor kagaya ko. Tss. Maireport nga ito minsan. Ay, wag na lang pala para makabalik ulit ako.Ugh. I feel so pathetic. Nakakainis. Hay, ano ba 'tong ginagawa ko?! G@gong Phieven 'yan! Sinaktan kasi ako ng sobra e!

BINABASA MO ANG
Raven's Promise (on-hold to forever)
Novela JuvenilHUWAG BASAHIN! IT'S NOT YET EDITED! Prologue Every now and then, I always believe that promises are made to be broken. That only those optimistic fools with their false hopes who think it is indeed true. But not until someone came into my life an...