O hindi mo tinignan?

19 0 0
                                    

Inabot sa akin ni Pola ang mga project na ipinilit nilang ipagawa sa kanya.

"Pakiabot na lang sa kanila, ayos lang ba? pasensya na."

Nanginginig niyang isinalin sa mga kamay ko ang nagbibigatang folders.

Kitang-kita sa maputi niyang balat ang malalalim na sugat na nakahimlay sa dulo ng kanyang sleeves.

Napapikit ako.

Kasunod ay ang mabibigat na paghinga ko. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita, may karapatan nga ba akong mag-salita? Kung matagal na akong naging pipi at bingi sa mga hinain niya?

"Ayos lang ba?" paguulit niya.

"A-ayos lang. salamat Pola."

Luha.

Muling namuo ang mga luha sa mga mata niya kasabay ng pag-porma ng awang sa mga labi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SiyaWhere stories live. Discover now