Ang Bagong Ako

27 0 0
                                    

Ang bagong ako ay mapagpatawad at mapagkumbaba
Maunawain, mapagbigay, at mapagmahal sa kapwa
Ang bagong ako ay tapat at busilak ang kalooban
Inyong sandigan, palaging maaasahan

Ang bagong ako ay madasalin at may takot sa Diyos
Sapagka't buhay natin ay kanyang pinagkaloob
Lahat ng biyayang ating natatamasa ay nagmula sa kanya
Kaya't pasalamatan natin at purihin siya

Ang bagong ako ay masipag at matiyaga
May tapang ng loob, may pagsusumikap sa buhay
Anumang pagsubok ang harapin, aking kakayanin
Madapa man ako'y babangon pa rin

Ang bagong ako ay may galang sa nakakatanda
Isapuso't isip natin kanilang mga pangaral
Iniisip lang nila ang ating kapakanan
Huwag sana natin silang sumbatan

Ang bagong ako ay may respeto sa kapwa
Anuman ang lahi, kasarian, o itsura nila
Sila'y tao din tulad nating may damdamin
Huwag sana natin silang husgahan

Ang bagong ako ay may bagong pananaw sa buhay
Nais kong maging mabuting halimbawa sa karamihan
Ang bagong ako sana'y inyong tularan
Pagka't ang bagong ako ay patungo sa kaunlaran

Rain's PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon