CANIDAE'S POV
"Pasabay na kasi!! Nakakainis ka naman ih! *pout* mahuhuli na rin kaya ako!"reklamo ko.Bwisit kasi tong si Sharn! Makikisabay lang naman psh! Anong oras na kaya mahuhuli na ako kung maglalakad ako huhuhu
"Sabihin mo muna Baby ko pasabayin mo na ako alam kong gwapo ka"
Loko to ah! Nakakainis feeling talaga kahit kailan! Hindi ba siya nauubusan ng aircon!?
"Ayaw ko nga!! Letse ka makikisabay lang naman ih!"
"Ayaw mo? Bwahaha edi huwag kang sumabay!"pangaasar niya
"Edi huwagg!! Nakakainis ka talaga!! Bwisit!!"padabog ko siyang iniwan.
Nakakaasar! Bakit ko ba naisip na makisakay sa loko lokong yun? Eh sa simula pa lang naman alam ko ng aasarin lang ako nun eh! *sigh* Maglalakad na naman ako.Hindi naman kalayuan pero mahuhuli na talaga ako eh.Walangya kasi yang si sharn ang lakas ng tama may banyo naman dun sa kwarto niya aba pumasok ba naman sa kwarto ko at makikiligo daw siya -.-
"Gag* ka!! Bitiwan niyo nga akooo!!"
Huh? Ano yun!? Sinabi ko naman sa inyo diba Curiosity kills the Cat! And im a cat hihi.Sinilip ko kung ano yun at napatakip ako sa bibig ko! Binubugbog yung lalaki at yung uniform niya ganyan yung mga sinusuot ng mga lalaki sa school! Patay tayo nito ih paano ko ba siya tutulugan!?
"Sige pa hahaha wala pa yan sa utos sa atin ni Boss"sabi nung lalaking kulay brown yung buhok.
"T*ngina niyo mga gag*!!! Makawala lang ako dito! F*ck"ang dami ng dugo na dumadaloy sa kanya! Hala! Sinipa siya nung kalbo kaya napahiga na siya sahig.
Halos lumabas na ang mga mata ko ng may inilabas na kutsilyo yung kalbo at akmang sasaksakin niya yung lalaki! Think Canidae! Ano bang pwede kong gawin!? naghehesterical na ako dito eh!
"Tuluyan mo na yan bwahaha! Ng makaalis na tayo dito"utos nung brown ang buhok.
*sigh* kaya mo yan canidae!! magtiwala ka sa sarili mo! Sana mag work to at maniwala sila.
"Waaaaaaa!!!! Kuyang guard may binubugbog dito at may kutsilyo silang dala!!!"sigaw ko pero hindi ako nagpapakita
"P*tangina! Tara na! Napuruhan na natin yan!"rinig kong sabi nila.Dahan dahan akong lumabas at sinilip kung andyan pa yung mga lalaki pero wala na sila.Dali dali akong tumakbo papunta dun sa lalaki.
"Hala! Ang dami mong pasa! Naku paano ba to? Huhu hala! Ang daming dugo"hesterical na sigaw ko
"C-calm *cough* d-down miss.*huk*h-hindi pa ako*cough* m-mamamatay"sabi niya.*pout* Sorry naman akala ko mamamatay na siya ih *peace sign*
"Halika na nga! Tutulungan na kita papuntang clinic"kinuha ko yung braso niya para makatayo siya pero binawi niya rin kaagad.
"B-babae k-ka *huk*h-hindi mo a-ako *cough* kaya.T-tawagin m na l-lang yung *huk* g-guard na sinasabi m-mo *cough* kanina"Eh? Hehe paano ba yan? Gawa gawa ko lang yun ih.
"A-ano kasi! Hehe wala talagang guard gawa gawa ko lang yun para matulungan kita"
"Hahaha! *cough* F*ck"tawanan ba naman ako *pout* Ayan tuloy nakalimutan ata niyang binugbog siya.Napailing na lang ako at kinuha ulit yung braso niya
"Ang bigat mo pala! huhu ilang kilo ba ang kinakain mo ha lalaki?"tanong ko sa kanya.Para kaming lasing kung maglakad pagewag gewang.
"*cough* A-ang ingay mo *huk* m-muscle yan"*facepalm* Muscle? Yabang din nito ih! bakit ba ganyan ang mga lalaki!
"Oooy!! Waaa! Umaayos ka nga matutumba tayo nito ih!"sermon ko sakanya.
"Malapit na tayo!! Unting tiis pa! kaya mo pa ba?"nagaalang tanong ko sa kanya.kahit hindi ko siya kilala syempre schoolmate ko parin siya.Naramdaman kong tumango siya.
BINABASA MO ANG
Back to the Future
Teen FictionNasabi mo na ba sa sarili mo na minahal ka na ng isang tao? Paano mo nga ba malalaman kung minahal ka niya o niloloko ka niya? Sapat na ba yung pag sabi niya ng I LOVE YOU , INGAT KA , IKAW LANG at iba pa? SIYA SI CANIDAE BRIELLE LOPEZ PARA SA KANYA...