Canidae's Pov
"Something Fishy! Kyaaaa"
Nakakainis talaga si Sharn! Tawagin ba naman akong baby sa harap nila tita *pout*
"What's with the Baby thingy iha?"tanong ni tita na kinikilig.
"Ha? W-wala po yun tita! Ano ba kayo! Hehe y-yung a-ano! Yung d-daga! Tama yug daga po yung tinatawag niya nun"Anong klaseng excuse yan Canidae?huhuhu Masyado kang napaghahalataan ih!
"Yung ano? Hihi! Daddy there so sweet!" sabi ni tita at nagtatalon at pinaghahampas si tito.Daig pa ako ni tita kung kiligin ih.
"Hehe! Sige po tita , tito una na po ako may pasok pa ako eh"paalam ko at iniwan na sila dun
Hindi naman kasi kami ni Sharn ih! Huhuhu nakakahiya tuloy! Akala nila tita na kami talaga at yung mga estyudante sa school! May sasabihin ako shhh lang kayo ha? Papasok na ako! Yun nga lang hindi ako naligo*pout* pero huwag kayo ah! Naghilamos naman ako ih! At hehe transferee pala ako kung may tanong kayo mamaya na lang! Malelate na ako ako! Babush
"Anakngpitongputpitongputing tupa naman oh! Baka naman gusto nila mag panty na lang ako dito sa uniform na to eh!"reklamo ko
Maganda naman ih! Light blue yung blazer tapos may white na ribbon at palda kaso di naman ata ako pokpok? Ang ikli naman kasi! Akala ko ba school yun hindi bar! Bahala na nga si Batman! Makita ko lang yung may ari ng school Sispain ko siya papuntang Korea eh!
Nagbihis na lang ako.Ang ikli talaga ayaw ko ng ganto *sigh* kung mag iinarte pa ako siguradong mahuhuli na ako.Nagpagpasyahan kong lumabas na lang papasok na talaga ako kahit ang ikli nito huhuhu.
"Omo!! You look beautiful iha! Hihi siguradong ang rami mong manliligaw!"lumapit sa akin si tita at inukutan ako.
"Ayy naku Tita wala nga po akong manliligaw eh! huwag nga po kayong magjoke dyan hahaha"
"Canidae! Hihi iha huwag kang magpapaligaw sa iba ha? Kayo naman ni Sharn baby diba?"kumikislap ang mga matang tanong ni tita.
"Tita!?"muntikan na akong mabilaukan kay tita! Kasalan to ni Sharn eh! Bakit ba hindi niya sinabi na hindi naman talaga kami *pout*
"Why? hihihi don't be shy! I like you for my son iha!"magsasalita pa sana ako ng sumingit si Tito
"Hon tara na may client na sa opisina.Ikaw talaga hayaan mo na nga ang anak mo he's a grown up man now.Pagpasensyahan mo na ang tita mo iha"baling sa akin ni tito
"*iling* Wala po yun tito. Sige po mauna na ako bye po"paalam ko at umalis na
***
"Siya yun hindi ba?"
"Where!? Huwag nga kayong humarang duh! Hindi ko makita!"
"Stupid! Ayan na nga sa harapan mo! Psh"
Bakit ba sila nakatingin? Nakakailang kaya! Hindi naman ako model huwag niyo ko tingnan hehe ^.^ Imposible namang kilala na nila agad ako eh transferee nga ako diba? Sa pagkakatanda ko 100 AB ang room ko.Teka! Saan ba yun!? Ayan na naman ang katangahan ko naku napaka Wrong timing!
*Riiiiiiiing Riiiiiiiing*
Nagbell na! Nawala na din yung mga students ibig sabihin Late na ako! Hala paano na ako!? Saan naman ako pupunta? Baka mawala ako medyo mahina pa naman ako sa direksyon *pout*
"Loko ka pare! Gag*! Makakaganti din ako sayo hahaha patay ako nito kay Ms Sandoval ang gag* mo kasi!"
Napalingon ako dun sa nagsalita may kausap sa cellphone .May tao pa! May mapagtatanungan pa ako.Hindi naman pala ako kamalasan ngayon. Unti unti akong lumapit sa kanya at kinalabit.
"Wha----- Oh hi there beautiful! Anong kailangan mo? Ako at ang kagwapuhan ko?"sabi niya at kinindatan ako.Isa pang malandi kailan ba ako lulubayan ng mga malalandi?
"Magtatanong lang ako *pout* Saan pala yung 100 AB dito?"
"Akalain mo yun Miss magklase pa tayo alam mo ang tawag diyan?"tanong niya.
"Coincidence?"
"*iling* YAn ang tinatawag na DESTINY"nakangiting sabi niya
Destiny? Ipatapon kaya kita sa Ibang planeta gusto mo? Ano ba naman ang panahon ngayon Tag init , Taglamig at TAGLANDI eww! Bagay sila ni Sharn parehong malandi! Dapat sila ang pagsamahin.Nabigla ako ng may umakbay sa akin pagkatingin ko sino pa ba? Yung isa pang malandi.
"Alam mo miss beautiful tara na sa room dahil patay na tayo kay Ms Sandoval."Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin pero ibinalik niya parin *pout* Ang Landi niya! Playboy tsk. Sa tagal ng paglalakad namin huminto na kami sa isang pinto.Dito na siguro yun?
"Why are you late Mr ANDREI FLORES!? KINDLY EXPLAIN IT N.O.W!"nakakatakot naman tong si Ms! Parang gusto ko na tuloy umuwi at bukas na lang pumasok.Pwede kaya yun?
"Ms Beautiful tulong naman dyan oh. Tinulungan naman kita kanina"bulong niya sa akin
"Mr Flores! Sinong kausap mo dyan!?"huhuhu parang ayaw kong lumabas hindi pa pala niya ako nakikita.Nanlaki ang mata ko ng naramdaman kong unti unti niya akong tinutulak! Anak ng tokwa! Nagtatago nga ako ih! Hinawakan ko yung braso niya pero ang lakas niya kaya nakita na ako ni Ms! Lagot.
"Hi? *peace sign"ano bang pinag gagawa ko!
"Who are you Miss? Dito ka rin ba?"tanong ni Miss medyo kumalma na siya.Phew! Buti naman natakot pa naman ako kanina.
"Ah yes miss dito rin po ako.Sorry po kung nalate ako hindi ko kasi nakita agad kung saan to.Tinulungan niya lang po ako"paliwanag ko at tinuro tong lalaking katabi ko.Pasalamat ka tinulungan mo ako *pout*
"Okay.. So kindly introduce yourself miss."sabi niya at binalingan tong katabi ko"And you Mr Flores umupo ka na napakasakit mo sa ulo"
"I love you miss! Thank you"sabi niya at nag flying kiss pa napailing na lang ako babaero nga hindi ako nagkamali ng hinala.Pumunta na ako sa unahan at nagpakilala.
"Hi Im Canidae Brielle Lopez just call me Canidae kung nahahabaan kayo sa brielle and call me Brielle if nahahabaan naman kayo sa Canidae.It's you're choice."nakangiting sabi ko at pumunta na sa vacant sit sa may bandang likod.Pansin ko lang bat laging ang vacant sit ay sa likod?
Yung itsura ko ngayon NGA NGA! kaya feel kong di pumasok kanina eh dahil pala ganto nakalipas na ang ilang oras at maglalunchbreak na wala man lang kaming ginawa *pout* .Sabagay 1 month ng nagsimula ang klase dito bago ako magtransfer pero nakakainis naman ih! Sayang yung effort ko pag pasok wala naman palang gagawin huhuhu.
Lunch Break
Masasapak ko talaga yang si Sharn! Lunchbreak na yung baon na pinagawa niya nasa akin pa pero hindi ko pa siya nakikita! Walanghiya ka talagang Manyak ka! Hindi pa ako nakakain ng kakahanap sayo! Great! Asan na ba ako? Lumingon ako sa paligid nasa garden siguro ako ang daming puno at maliliit na bulaklak eh.
"Oy! Ano bar tayo ngayon!"napatingin ako.Nakita ko yung lalaking Malandi yung tinulungan akong maghanap ng room at may kasama pa siyang isang lalaking walang mata! Hihihi hindi naman literal na walang mata ang liit kasi ng mata niya.Ang cute *pout*
"Tara! Game ako dyan paniguradong may mga chicks dun yung makikinis"isa pang manyak to tsk.
"Hoy Sharn! Ang gag* tulala! hahaha pare nagdaday dream ka ba!?"Waiiiit!!! Sharn daw!
Hinanap ng mata ko si Sharn at ayun nakahiga sa ilalim ng puno! Kakatayin kitang Manyak ka! Bwisit ka! Nagpagawa ka ng ipang lalunch mo tapos kakalimutan mo! Grrr! I hate you lampas sa pluto at sagad sagaran sa milky way ugh!
"Loko ka Andrei ! Hahaha syempre sasama ako ang tagal ko naring hindi ginagawa yun"sabi ni Sharn
"Yeah! nakakamiss na din mga ulul kasi kayo ang aarte niyo pareho pareho naman tayong masasaya mga bugok!"sabi nung Andrei!
"Gag* ang sarap kaya sa pakiramdam kapag ginagawa yun tsk! Narerelax ako"nanlaki ang mata ako! Umupo na si Sharn at pinagpagan ang sarili niya
T-teka! Bar? tapos matagal ng hindi ginagawa? Masaya!? Masarap!? Hindi kaya!!!? Ewwww!! Yuck kadiri talaga tong si Sharn! Ginagawa nila yun sa bar!? Y-yung! Yung kadiring bagay ginagawa ni Sharn at ng mga kaibigan niya! Mga bastos! Yuck! eww! makaalis na nga! Nakakadiri sila! *pout*
BINABASA MO ANG
Back to the Future
Roman pour AdolescentsNasabi mo na ba sa sarili mo na minahal ka na ng isang tao? Paano mo nga ba malalaman kung minahal ka niya o niloloko ka niya? Sapat na ba yung pag sabi niya ng I LOVE YOU , INGAT KA , IKAW LANG at iba pa? SIYA SI CANIDAE BRIELLE LOPEZ PARA SA KANYA...