Letter

53 0 0
                                    

"Paglaki mo, huwag na huwag kang magbabago. Manatili kang mabait, magalang at mapagpakumbaba."

"Bakit po?" nagtatakang tanong ng bata. Nginitian lamang siya ng kaniyang ina at ginulo ang kaniyang buhok.

"Kasi iyon ang nararapat. Dapat kang maging magalang at maging mabuti sa ibang tao, upang ganun din sila sayo. Hindi ka dapat nagpapadikta ngunit huwag ka ding maging marahas. Magpakatotoo ka sa lahat ng pagkakataon." paliwanag ng kaniyang ina. Kunot ang noo ng bata habang pinagmamasadan niya ito.

Ngumiti ito. "Maiintindihan mo rin ang lahat. Pagdating ng panahon." Nakangiting wika nito. Tumango ang bata. "Balang araw, isa ka sa mga magiging pinuno ng ating bayan. Kung may mangyayaring masama. Huwag kang mawawalan ng pag-asa at gawin mo ang lahat upang manatili kang buhay, at hanggat nabubuhay ka, maging mabuti ka." Liningon nito ang bata, napangiti ito ng makitang mahimbing na itong nakatulog sa kaniyang tabi.

"Opo ina." sagot ng bata,sa pag-aakalang nakatulog na ang bata.

Isang buwan ang nakalipas...

The Decimation day

"Umalis na kayo!" umiiyak na sigaw ng isang babae.

"Ina! Ina! Ayaw ko po kayong iwan!" nagpumiglas ang bata sa hawak ng isang lalaki at patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha. Hindi alam ng lalaki ang gagawin.

"Narinig mo ako, tagabantay! Umalis na kayo habang wala pa sila! Baka kayo'y mahuli! Alagaan mo siyang mabuti." Hinawakan ng babae ang pisngi ng bata at ngumiti hg mapait. "Tandaan mo lahat ng mga sinabi ko sa'yo. Maging mabuti ka, enchantress. Huwag kang tutulad sa iyong ugat." Nanghihining wika ng babae. Umiiyak na umiling ang bata.

"Hindi kita iiwan dito, ina."

Mahigpit na hinangkan ng babae ang bata at itinulak ng marahan.

"Umalis na kayo."

*

(Present day)
12 years later...

"Magandang umaga, Rain!" nabitin ang paghikab ni Rain at napatalon sa boses ng lolo.

"Good morning din lolo Gido, pero mukhang papatayin niyo ako sa gulat umagang-umaga." walang-ganang sabi ng dalaga.

"Magsepilyo ka na't maligo, ika'y nahuli na sa paaralan." nanatiling nakatutok si Gido sa newspaper na binabasa nito. "...at huwag ka ngang magsasalita ng ganiyan."

"Lo, bakasyon na po, kakagraduate ko lang kahapon." dumiretso si Rain sa CR at naligo.

"Ah, oo nga pala.." ang nasabi ng matanda sa sarili

"LOLO GIDO!" bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking abot-tenga ang ngiti

"Ano ba yan, Marcus. Magkakasakit ata ako ng puso sayo!" napahawak sa dibdib ang matanda.

"Huwag nga kayong magsasalita ng ganiyan!" suway naman ng binata at ibinaba ang supot na hawak sa mesa. Napangiti si Gido. Napakabait talaga ni Marcus sa pamilya nila.

Napnsin nito ang hawak na envelope ng binata.

"Asan po pala si Rain?"

"Naliligo. Kagigising niya nga lang e."

"O eto, binilhan ko kayo ng pandesal. Teka lang at magtitimpla ako ng kape niyo."

Tumango si Gido.

"Asan nga pala si Bea?"

"Si ate po? Ayun, nasa bahay." Inilapag ni Marcus ang kape sa lamesa at at isinalin sa plato ang nakasupot na pandesal. Lumabas si Rain mula sa banyo habang pinupunasan ang buhok.

13th AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon