"Bakit ang liit ng dadalhin mong gamit?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Bea. Natawa ito.
"Ito na ang mga gamit ko ate Bea." 'alam kong konti lang 'to sa inyo', gusto niyang idagdag. Talagang konti pa sa kaniya ang isang maleta at isang backpack. Ipinanganak na materialistic si Bea hindi kagaya ni Marcus, mahilig siyang magcollect ng mga kung anu-anong pampaganda at mga libro.
"Ate Raaaaaaaaain!"Napalingon siya sa matinis na sigaw ni Lou. Sinalubong siya nito ng yakap sa bewang, "M-Mamimiss kita a-ate.." iyak nito. Lumuhod ito upang magkapantay sila at pinunasahan ang basang pisngi ni Lou. "Nakoo, wag kang umiyak. Uuwi naman ako dito tuwing holidays e, pag pinayagan ako." Panlalambing nito. Lalong umiyak ang bata. "Tahan na, Lou.," pang-aalo nito, para tuloy siyang nahahawaan. Yinakap niya ito at hinagod ang likod.
Dumating si Marcus at kinarga si Lou. "Hala, bakit ka umiiyak. Lalo kang pumapanget!"
Pinalo ni Rain ang balikat nito.
"Kids, Smile!" sigaw ni Erika, ang mama ni Marcus, sa harap nila. Nakatutok sa kanila ang polaroid na hawak nito. Umakbay si Marcus sa kaniya habang bitbit si Lou at pareho silang ngumiti.
"Guys! Gather up!" pumalakpak ito. "Dito tayo, at magpipicture!" sigaw nito. Nagsilapitan ang iba at nagtabi-tabi. Ibinigay niya ang polaroid sa katulong at kinuhanan sila.
"Mamimiss ko 'to ng sobra!" bulong niya na rinig ni Marcus. Ngnitian niya ito.
*
"Bye ate!"
"Bye Rain!"
Kinawayan niya ang magkapatid na Bea at Lou.
"Mag-iingat ka do'n anak." yinakap siya ni Erika, at tinapik siya sa balikat ni Mike, ang asawa nito.
"Salamat po."
Lumapit sa kaniya si Marcus at yinakap ito ng mahigpit.
"Para naman akong di babalik sa higpit ng yakap mo!" biro niya. Tumawa si Marcus.
Iniabot niya ang box na kanina niya pa balak ibigay kay Marcus. Binuksan niya yon, neck tie at stuff toy na panda ang laman no'n. Favoritte stuff toy niya yon, kapalit na rin nung baseball cap na paboritong-paborito ng kaibigan niya.
"Hindi na kailangan Devon Rain." Inirapan niya ito. Ayaw na ayaw niyang natatawag sa unang pangalan, parang pandemonyo.
"'Pag ibinalik mo yan, Ibabalik ko rin yung binigay mo sakin."banta nito. Yinakap siya ulit nito at napatawa na lamang.
"Huwag mo nalang ipakita kay Lou. Baka magtampo. Alagaan mo nalang siya para sakin."
"Iinggitin ko siya, Rain" biro nito. "At makapagsalita ka parang ikaw ang kapatid ah!" natatawa nitong sabi. Sinapak niya ito.
Hinihintay niya nalang yung tricycle na susundo sa kaniya papuntang sakayan ng jeep, susundin niya nalang yung nasa map papaunta sa akademya. Nag-insist pa nga ang mag-asawa na dapat maihatid siya pero hindi siya pumayag at ang sinabi niya, first step niya daw yun sa pagiging independent.
"Apo.." napalingon siya sa boses ng lolo. Lumayo si Marcus at nakipag-usap sa kaniyang parents. May iniabot itong libro. Tinanggap niya yun. Luma na ang libro, halata sa mga features nito at nagb-brown na ang mga pages. Hindi niya maintindihan ang nakaprint sa cover, hindi niya alam kung mga symbols ba yun o mga letra o codes na kailangang i-decipher.
Magtatanong na sana siya ng unahan siya ni Gido. "Huwag ka ng magtanong, kailangan mo yan. Buksan mo nalang yan, pagdating mo doon." he gave her a reassuring smile. Yinakap niya ang lolo. "Mag-iingat po kayo at kumain kayo ng maayos." bilin nito.
"Ako'ng bahala sa kaniya, Rain. Pagbalik mo, macho na yan." sigaw ni Marcus at kinindatan pa si Rain.
Natawa ang matanda.
Natigil lang ang pambibilin at mga paalala ni Rain sa matanda nang dumating ang tricycle na kanina pa nila hinihintay.
Nagyakapan silang lahat bago sumakay si Rain.
'Tumawag ka 'pag may kailangan ka!" rinig niya pang sigaw ni Erika. Kinawayan niya ang mga ito, si Marcus at Lou ay di magkamayaw sa pagkaway hanggang sa di na niya sila matanaw.
Huminga ito ng malalim. Here it goes.
Ang nasa map. Kailangan niyang sumakay ng jeep na dadaanan ang Vivien Street. Siyempre hindi siya sigurado kaya nagtanong siya sa mga jeepney drivers kung may madadaanan ba silang Vivien Street, buti nalang mayroon pa siyang naabutan.
Pagsakay niya sa jeep, napansin niyang halos lahat may dalang mga bagahe. Pinagdasal niyang sana may kasamw siyang pupunta aa 13th Academy, para magkaroon na rin siya ng kaibigan.
Halos tatlumpung minuto ang lumipas, nang tumigil ang jeep. Natanaw niya ang isang poste na may malapad na metal sa taas na may nakaengrave na Vivien Street.
Nakahinga siya ng maluwag ng mapansing lahat sila ay bumaba, sa pagkakabilang niya ay kulang-kulang sampu sila. Kaya naman pala dire-diretso ang byahe nila kasi lahat sila iisa ang pupuntahan. Pagbaba ng jeep ay agad niyang pinasadahan ng tingin ang paligid, nasa isang liblib na lugar sila, at parang malayo sa sibilisasyon ang narating nila. Ngunit nang buklatin niya ang mapa papuntang akademya ay napakunot ang noo nito. Dapat ay may daan sa kaliwa, yun ang papunta sa akademya, pero pa-norte at silangan lang ang mga daan. Sa kaliwa nila ay kakahuyan. Chineck niya ulit ang direction niya at kung saan siya nakaharap ngunit tama naman iyon. Nang tingnan niya ang kaniyang mga kasama ay pare-pareho sila ng expressions, Confused.
"DITO!" rinig nilang sigaw ng kasamahan nilang lalaki kaya kanya kanyang takbuhan ang mga ito, siyempe pati siya nakitakbo.
Bitbit ang backpack at maleta niya ay sumunod siya sa mga kasama niya. Nakakita sila ng lagusan, hinawi nila ang mga sanga at masusukal na damo sa daanan hanggang sa may marating silang highway. Mula sa kinatatayian nila ay may natanaw silang bus. Linapitan nila ito at nakita ang nakasulat sa malalaking letters ang 13TH ACADEMY, nang bumusina ang driver ay nagsisakayan na sila,pumuwesto siya sa bintana at may tumabi sa kaniya na sa tingin niya ay hindi nila kasamahan na nanggaling pa sa lugar niya--nakasakayan niya ng jeep. Nakaall black outfit ang babae na dalang dala niya at mukhang ka-edad niya. Nginitian siya nito at sinuklian niya rin ito.
Byahe na naman.
Sa pagod niya sa biyahe at paglalakad ay isinandal niya nalamang ang ulo sa bintana. Hindi naman pala masyadong liblib ang lugar na yon, unti-unti ay may mga bahay nasiyang nakikita.
@thezelien
BINABASA MO ANG
13th Academy
FantasyShe found herself when she entered the academy, where her family and life belong.