"'Lo.." she broke the silence filling the room. Mariin siyang tiningan ng matanda.
"Basahin mo lahat ng impormasyon diyan at hahayaan kitang magdesisiyon." tukoy nito sa sobre.
Kumunot ang noo nito. Hindi niya alam na ganito pala ang iaasal ng lolo niya sa pagpili ng papasukan sa college. Kung bakit pa kasi siya hindi nag-aral sa isang university simula palang(yung afford) para wala ng poproblemahin.
Kinuha niya ang sobre at binuksan iyon.
Ang agad hinanap ng mata niya ay iyong classifications ng pagtuturo, where the General Learning was. Tama ang pagkakaintindi niya sa sulat. Sa ibang papel naman ay mga requirements na at dalawang maps, na ang alam niya ay map papunta sa academy at ang map ng building ng akademya-- hindi siya masyadong malaki pero hindi rin siya maliit. Pero may isa pang nakakuha ng atensiyon niya:
Students are required to accomodate dorms located inside the campus.
"'Lo, magdodorm kami dun..." nag-aalalang sabi ni Rain
Tumango si Gido. "Kaya ko pinapabasa sa'yo lahat para sigurado."
"Tsaka, isang linggo na mula ngayon ang pasukan. Nabasa niyo na ba lahat to?" tanong niya
Napakurap ang matanda,"O-Oo."
Huminga ito ng malalim, titira siya dun, that made her think twice. Kinagat nito ang kuko, lagi niyang ginagawa tuwing nag-iisip o kinakabahan.
"Okay lang ba sa inyo?" tanong nito at liningon si Gido. Nagkibit-balikat ito, "Nasa'yo ang desisyon Rain."
"Pupunta ako." Nanatiling tahimik ang lolo niya. Tumayo siya at dumiretso sa kuwarto.
Kinagabihan, wala siyang ibang inisip kundi ang akademyang papasukan, bago na namang environment, mga bagong matutunan at siyempre mga bagong makakasalamuhang tao. Hindi siya sanay makisocialize, pag may nagiging kaibigan o kausap man siya ay karaniwang sila ang unang nag-aaproach sa kaniya, o kaya ay ipapakilala siya ni Marcus. Pero sa papasukan niya, wala si Marcus. Nakatulog siya sa kakaisip sa kaniyang problema.
Kinabukasan, tanghali na siyang nagising, she decided to talk to Marcus, at sabihin na sa kaniya ang kaniyang desisyon. She dialed Marcus' number at ni-loud speaker ito.
"Marcus?"
"Kuyaaaaaaaa! Naglalaro pako!!!" narinig niyang sigaw ng nakababatang kapatid ni Marcus, si Lou.
"Mamaya na, kausapin ko lang si ate Rain, okay?" malambing na sabi ni Marcus. Napatawa ng mahina si Rain.
"Ayaaaaaaaaw.." sigaw ulit nito, sigaw ito ng sigaw hanggang sa unti-unting nawala ang ingay. Kailangan pang lumayo ni Marcus upang magkausap sila ng maayos.
"Hello Rain?"
"Marcus, nakapagdesisiyon na ako ng papasukan."
Tumahimik ang kabilang linya.
"Marcus..."
"Sa 13th Academy ba?" tanong nito.
"O-oo. At magdodorm ako dun."
"Ano?!"
"Required e."
Napabuntong hininga siya ng patayin ni Marcus ang tawag. Isa pa sa mga sa mga hihingan niya ng permiso ay siyempre ay ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Akala niya ay magtatampo ito ngunit narinig niyang bumukas ang pintuan at pumasok si Marcus.
"Siguradong-sigurado ka na ba? Anong sinabi ni lolo Gido? Pinayagan ka ba niyang pumasok dun?" sunod-sunod nitong tanong. Gusto niyang ngumiti sa concern ni Marcus ngunit iba ang sitwasyon.
"Oo Marcus sigurado na ako at pinayagan na ako ni lolo Gido, nakapag-usap na kami."
Huminga ito na malalim. Kung tutuusin ay kinakabahan pa nga ito. Hinawakan ni Marcus ang mga kamay nito. "Sigurado ka bang magiging okay ka lang dun? Mag-focus ka sa pag-aaral at makipag kaibigan. Okay?" pinisil nito ang kamay niya.
"Oo Marcus. Alam ko. Akala ko di mo'ko papayagan e." ngumiti ito.
"Ayoko nga sanang malayo ka e. Kasi nga noong bata ka.." natigilan ito.
"Ano?" kumunot ang noo nito.
"A-Ano, wala-wala. Wala lang yun." ngumiti ito ng pilit. Alam niya namang inaalala lang siya nito.
"Anim na araw na lang bago ako umalis."
Tumango ito. "Susulitin natin iyon. Mahaba-haba ang isang taon na di kita makikita."
Nagdesisyon silang lumabas at mamili, lulutuan nila si lolo Gido. Siyempre, karamihan gulay.
Pagkauwi dumiretso agad sila sa kusina, isa sa mga talent ni Rain ang pagluluto, masyado ng mahina si lolo Gido para sa mga gawaing bahay kaya siya na ang gumamagawa no'n. Nagseparate rin sila ng ibibigay sa pamilya ni Marcus. Pagkatapos kumain pumunta naman sila sa bahay nila Marcus. Bumungad sa kaniya ang buong pamilya niya, noong una hindi niya maiwasang mainggit, sabi ng lolo niya, both her parents died because of an accident, at di pa kayang sabihin ni lolo Gido kung anong mangyari noon dahil narin siguro hindi niya pa kaya. Si Gido ay lolo niya sa mother side.
Tatlong magkakapatid sila Marcus. Panganay si Bea, siya, tapos si Lou. Ang papa niya ay isang doktor at ang mama niya naman ay sa bahay lang. Naka-leave daw ang ama niya sa trabaho at hindi niya na tinanong ang dahilan. Mabait ang buong pamilya ni Marcus sa kaniya, parang parte na nga sila ni lolo Gido sa pamilya nito. Maghapon siya doon at nag movie marathon sila kasama si Mrcus at mga kapatid niya.
*
Mabilis na lumipas ang mga araw, huling araw na niya at bukas ay aalis na siya. Maaga siyang gumising para maglinis ng bahay at ipagluto si lolo Gido. Tapos na rin siyang mag-empake ng mga gamit kahapon. Sinabihan niya na rin ang kaniyang lolo na kumuha ng katulong para may magbantay sa kaniya at maglinis sa bahay.
Nagkaroon sila ng kaunting salu-salo pagdating ng hapon kasama siyempre ang pamilya ni Marcus. Pagkatapos ng dinner, and daming paalala ng mama at papa ni Marcus sa kaniya. Ang ate Bea niya naman ay binigyan siya ng mga libro at mga make-up products(tinanggap niya parin kahit alam niyang di niya magagamit). Si Lou naman ay binigyan siya ng letter at kiss. Samantalang si Marcus naman ay binigay sa kaniya ang paborito niyang baseball cap na may bold letter M sa harap, mp3 player at headset. Tatanggihan niya dapat iyon ngunit ipipilit at ipipilit yon ni Marcus kaya tinanggap niya na lang.
Bago umuwi sila Marcus ay nagpasama itong bumili sa pharmacy, dahil malayu-layo ito sa bahay nila, bumili ito ng mga gamot na magagamit ni lolo Gido pag may emergency at para na rin sa kaniya.
Kinagabihan, habang nakahiga sa kaniyang kama ay naisip niya ang mga puwedeng mangyari sa kaniya sa loob ng papasukang eskwelahan. Alam naman siyang masasanay rin siya dun at makakapagg-adjust pero hindi mawala sa kaniya ang takot.
BINABASA MO ANG
13th Academy
FantasyShe found herself when she entered the academy, where her family and life belong.