Chapter 1: Bulletin

46 2 0
                                    

Julian's POV.

Riiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiing!
Yes! Tapos na naman ang nakakapagod at mahabang araw na ito. Gutom na ako kanina ko pa gusto kumain ng shiomai na tinda ni manong sa labas na tig tatlong piso taga piraso hahaha tas ang liit pa tsss.Pero okay lang masarap naman eh hahaha. Ako nga pala si Julian Mendez ang tawag saakin ng aking mga kaibigan ay Juls. thirdyear highschool na ako sa isang Catholic school sa Davao. Wala akong kapatid kumbaga ako lang ang isang anak ng aking mga magulang.

Papunta ako ngayon sa aming tambayan magbabarkada nang tawagin ako ni Josh Cejas barkada ko.
"Juls! San ka? Punta kang chapel? Sabay na ako. Sandali lang"

tsss ang ayaw ko sa lahat eh yang pinaghihintay ako. "Bilisan mo timang! Gusto ko nang kumain! Ilibre moko ha!"

Sa gilid kasi nang school chapel namen eh may mga upuan at mesa na saktong sakto gawing tambayan. Kaya ayun haha  ay ngapala college kasi itong school namen kaya may college kaming kasama pero ang start ng classes nila eh pagka dismissal na ng HS Dep at GS Dep.5:00 pm ata? Dko alam haha

"Hoy josh sge na ilibre mo na ako!" Nagbabasakali kasi ako na ilibre talaga nya ako hahaha

"Hoy karin! Wala akong pera! Puro libre nasa kukute mo!"

Labing isa kaming magkakaibigan limang babae tsaka anim na lalaki. Si Corine Sy, Kathy Zamora, Loreen Manzano, Megan Langyap, Dianna Torillo, Josh Cejas , Arthur Piñol , PJ Wong , Jose Carsano , Crest Villegas.

Habang busy sila kakatalak sa mga nangyari ngayung araw busy naman ako sa shiomai ni manong hahaha ang sarap kaya! Habang kain ako nang kain tumingin ako sa bulletin na nasa harapan ko lang pero iba nakita ko. Ewan ko rin bakit feeling ko nang init mga pisngi ko.

"Juls anong oras mo balak umuwi?" Hindi ko namalayan kanina pa pala nila ako tinatanong sh*t! Ang sarap niyang panuorin.

"Ahh oo! Ngayon na mismo! Tara na!" Nagmamadali akong tumayo hiyang hiya na kasi ako sa sarili ko.

"Uy uy bakit ka nagmamadali? Juls ang pula mo hahaha  bakit? Anong meron?"
Tanong sa akin ni Meg sabay tingin sa lalaking may kausap samay bulletin Sh*t talaga!

"Basta! Tara nanga!" Galit galitan kong tugon.Dama ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha At wala na silang nagawa kundi sumonod.

"O okayyy"

One SidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon