Chapter 2: Watdahel

23 0 0
                                    

Mga pasado ala sais na ako naka uwi ng bahay medyo late na eto kasing mga kaibigan ko ang lalamya ang lalandi pa! Pagod kong tinungo ang aking silid upang maka pagpalit na nang damit humiga muna ako sa aking kama. Naguguluhan talaga ako hindi mawala sa akinh isip ang mukha nang taong iyon. "Sana makita ko pa sya ulit sa school.college pa naman yun" yan nalang nasabi ko sa aking sarili at pagkatapos pumunta na akong banyo ang bumaba na para kumain.

Kinabukasan late na akong dumating sa paaralan.sinadya ko talaga hehe "Hi guard!" Bati ko kay kuya guard nag smile naman sya.

Pagkarating ko sa silid ay nag umpisa na ang klase. Hays ang boring talaga ng firstsub ko umagang umaga MATH!natapos ang umaga ng wala akong na absorb. Haha katamad mag aral. 

Kakatapos lang din nang lastsub ko. Sabay kami ni Crest papuntang tambayan diko alam pero feeling ko may hindi magandang mangyayari. Zzz

Ginawa ko muna ang homework ko para wala na akong gagawin sa bahay mamaya.

"Ang iingay nyo! Kita nyo naman namay ginagawa yung tao puro kayo harutan!"
Sabi ko kina Loreen. Iba kasi trip nila pag may dumadaang lalaki sa harapan namin nagpaparegards sila dun kahit dnila kilala. Tumawa lang sila sabay sabing

"hoy juls ang init init mo ha! at hindi ka pa talaga nasanay!"

Ang totoo nyan nasanay na talaga ako. Hehe gusto ko lang silang barahin.

Natahimik nalang akong bigla nang may nakita akong mukha. Mukhang nagpapagulo sa aking isipan. Sakto din ang tingin ni Kath sa tao. Ay sh*t alam ko na gagawin nila. Nanlalamig na ako sa kaba. At yun nga.

"Hi kuya Hi daw sabi ng kaibigan namen" sabay turo sa akin.

"WATDAHEL?!" yun nalang nasabi ko sa sarili ko. Hindi ako maka tingin sa kanya. Nahihiya talaga ako. Sumulyap ako konti sa kanya at nakita kong nakatingin sya sa akin. Para akong binuhusan nang yelo. Agad akong nag iwas ng tingin.Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko lang na depensahan sarili ko. Huhu Ramdam ko ang mga mata ng mga kaibigan ko na nakatutok lahat sa akin.

Yumuko nalang ako. Pero nanginginig parin ang kamay ko. (Ang oa ko naman haha)

"Ang mga mata nya ang sarap tingnan"

One SidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon