Chapter 3: KC

19 0 0
                                    

Tahimik parin akong nagsusulat ng kung ano ano para lang maging busy akong tingnan. Hindi ko kasi yata kakayanin mga mata ng barkada ko. Naman oh!

"Hmmmm parang may iba eh." Ani ni Meg. Tss kung dlang talaga babae to sasapakin ko talaga to. Patay malisya parin ako. Parang dko kakayanin ang nangyayari first time to mangyari sakin na kinakabahan ako sa isang lalaki.

"Ah juls baka may gusto kang sabihin sa amin?" Ahhhh! Eto na eto nayung sinasabi ko.

"Ha?! Ano naman sasabihin ko?! Galit kong turan.

"Uhmmm bakit parang tensyonado ka kanina? Dahil bayun kay kuyang college?" Sabat naman ni Dianna. Eto babaeng to minsan lang magsalita pero ang tindi.

"Haa?! Bakit naman?! Hoy kayong mga walang magawa sa buhay tigilin nyo ko sinasabi ko!" Lord please tulong naman dyan oh.

"Talaga lang ha! Pre pansin lang namin ha simula kasi kahapon nung nakita mo yung gung gung nayun parang naging bopols ka lalo haha! Sabi panga nung classmate mung si Alex absent daw utak mo sa classroom. You look uneasy". -Arthur

"Hindi ah! Ano ba kayo ano ano iniisip nyo! Tara na nga uwi na tayo. Mag gagabi na."

Napatingin nalang ako sa paligid ko may mga college students pa sa paligid.

"Crush niya siguru kaya ganyan haha!" biglang nasalita si Pj sa likod at parang pilit ang tawa.Problema nito?

"Gago ka Pj! Wag kanga!" Lord please sana maiba ang topic. Hindi ko kayang ibahin mahahalata nila na iniiwasan ko ang mga interoga nila.

"Alam mo juls okay lang naman samen eh. Okay lang talaga. Kitang kita kasi sa mga mata mo kanina. Alam muna. Sabi ni Jose na ikinabigla ko talaga. Hindi ko akalain na sasa bihin nya yon.

Hindi nalang ako kumibo. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan nila Corine mayaman kasi sila kaya ayun hatid kami pauli lahat. Dba ang saya. Una akong hinatid ni kuyang driver. Pero pagka baba ko may sinabi si Corine na halos madinig pa ng kapit bahay namen. Nahiya tuloy ako.

"JAX MARCO MONLEON! 3RDYEAR COLLEGE BM COURSE NYA.haha! Bukas nalang ang number ipapahingi ko kay Jose.

Natawa nalang ako sa inasal nila. Narinig ko pa nagtatawan sila sa sasakyan. Hays mahal ko talaga sila higit pa sa iba. Alam naman nilang di ako straight pero ni isa hindi ako nakaramdam nang ibang pakitungo nila sa akin.

Pagka pasok ko sa loob ng bahay nakita ko si mama samay kusina may niluluto.

"Maaaaa ano yaaaan? Gutom napo ako"

"Hoy mahiya kanga! Magpalit ka muna nang damit bata ka!"

Natatawang sabi ni mama. Hays parang naging masaya araw ko. Si papa naman natawa nalang. Oo alam nila na may ibang side ako at Okay lang daw na ganun ako. Hehe (dba ang supportive XD)

"Kuya juls! Punta karaw bahay mamaya! Papatulong si ate sa gawain niya! Magdala ka raw nang Gunting at Martilyo!"

Sigaw ni KC pamangkin ko anak ng pinsan ko. Iba talaga tong batang grabe ang energy ang tindi. Hanep. At ano naman kaya gagawin namin? Bagit may martilyong kasama? Hays si ate talaga walang magawa sa buhay.

"Oo! Pagkatapos kong kumain!" Sagot ko sa kanya sabay F sign. Oy joke lang haha bata pa kaya yun. Hehe

Pagkatapos namin gawin ni ate yung gawain namin. Umuwi nako sa bahay katabi lang naman kaya madali lang umuwi. Deretso lang ako sa kwarto. Nahiga na ako sa kama pero dpa ako dinadalaw ng antok. Kaya nag Fb muna ako sakto OL ang tropa ang ingay namin sa GC. Maya maya inaantok na ako kaya nag out na ako pero bago ang nag log out may sinend pa ako mensahe para sa kanila.

"Maraming salamat sainyo!" tapos ang raming emoji klase klase.

One SidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon