"I'M BREAKING UP WITH YOU."
That line struck me. Parang dinudurog ang puso ko nung sinabi niya yun. What did he just say? Seryoso ba siya? Sana panaginip lang lahat to, sana magising ako sa masamang bangungot na to.
"Anong sabi mo? Ganun ganun na lang yun? Akala ko ba mahal mo ako, na tayo na forever? Ahh oo nga pala. Akala ko lang yun." mahinang sagot ko habang patuloy sa pag agos ang aking mga luha na kanina pa nagbabadyang lumabas.
"I'm sorry Yanna pero this is a choice i have to make. Kapag pinagpatuloy pa natin tong relasyon natin, parehas lang tayong masasaktan."
"Kung masasaktan, edi masaktan! Wala akong pakealam Justin. Just don't leave me please." I know i sound so desperate pero i don't care. Nasanay na akong andyan siya palagi. Isang tawag ko lang, andyan na siya agad. Talo pa nga niya si the flash. At kapag malungkot ako, marinig ko lang ang boses niya ay parang nakakalimutan ko ang problema ko. He is my happy pill.
"Stop begging Yanna. Hindi yan nababagay sa isang katulad mo. You're almost perfect kaya madali ka ring makakahanap ng lalaking deserving dyan sa pagmamahal mo."
"Justin, please! Wag mong gawin sa'kin to. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka." And this time, lumuhod na talaga ako sa harapan niya.
"You don't deserve someone like me. Just let me go Yanna. I know that you're a strong person kaya sure akong makakayanan mong kalimutan ako."
"Bakit? May iba ka na bang mahal? Ano bang meron siya na wala ako? Justin sabihin mo, mas maalaga ba siya?"
"No Yanna. It's just that maybe i've fallen out of love."
Nang marinig ko yung linyang yon, tumayo na ako dahil mukhang hindi na talaga magw-work out tong relationship namin. Pwede nga talagang mafall out out love ang isang tao kahit ang tagal na ng relasyon niyo. Maybe there's no such thing as perfect love story. Now, i know.
"That's easy for you to say. Hindi kasi ikaw ang nasa posisyon ko. But i guess tama ka. I don't deserve someone like you. I deserve someone better, yung kaya akong ipaglaban. So you're free now. I'm letting you go."
He just smiled at me and walked away. I know na ang tanga ko dahil pinakawalan ko siya ng ganun ganun lang. Eh anong gusto niyo, magtangka akong magsuicide para lang mahalin niya ulit ako? Hindi naman ako ganon ka gaga eh.
Hello! Ang ganda ganda ko kaya. Remember nung tinanong ko siya kung anong meron sa babaeng yon, na wala ako, hindi na ako nag abalang tanungin siya kung mas maganda ba yun dahil alam ko naman na wala nang mas gaganda pa sa akin. Oh diba? Pag namatay ako edi mababawasan ang mga dyosa dito sa earth. Malaking kawalan ako sa population ng mga dyosa.
And one more thing, i realized na baka hindi talaga ako swerte sa pag-ibig. Kaya from now on, i'll be better, fiercer and wiser. Lalong lalo na when it comes to LOVE. Kaya get ready madlang people dahil Yanna version 2.0 is coming to town.
Someone's POV
Andito ako ngayon sa park at kasalukuyan kong tinitingnan ang umiiyak na si Yanna. Pucha! Parang gusto kong manuntok dahil sa nakikita ko. Ang swerte na nga niya dahil ang minahamahal kong babae ay mahal siya. Nakuha pa niyang saktan? Aba! Hanep mga pre!
Pero di bale na, wala na naman sila.
At dahil sa ginawa niya, sisiguraduhin kong magiging akin si Yanna at ituturing ko siyang prinsesa. Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito, and i'll make sure na gagawin ko ang lahat lahat. Just wait, my princess and soon to be queen.
------------------
A/N: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
--------------
Hii guys! This is my first story so expected na po ang grammatical errors, typos, and etc. Short chappy po ito dahil kakastart ko lang magpublish ng story. Please bear with me :)
-dxmxnxqxx