Chapter 2

40 4 3
                                    

Yanna's POV

Pok!

"Hoy wakwak! Ba't bigla ka na lang nambabatok dyan?! Nasamid tuloy ako."

Oo, batok yun. Wag kayong ano. Ibang level ang imagination ko.

"Hindi ka kasi nakikinig balbal. Kanina pa ako nagsasalita dito tapos ikaw naman, parang wala sa sarili."

"May iniisip lang ako." Ang brutal talaga ng lalaking to. Kung di ko lang to best friend baka sinipa ko na siya papuntang Venus.

"Ang sabihin mo naaalala mo na naman yung breakup scene natin two years ago. Tsk tsk. Uso mag move on Bal hahahaha."

"Letche ka! Naka move on na ako huy. As if naman gwapo ka." I have to admit na gwapo talaga siya pero ayaw kong ipamukha sa kanya noh. Lumaki pa ulo niya.

"HOY! For your fyi, isa ako sa pinakagwapo dito sa school. Ang dami ngang naghahabol sakin eh."

"Gwapo? Saang banda? At yung mga naghahabol sa'yo? Baka puro aso yun o di kaya ay mga babaeng nabagok ang ulo hahahaha."

"Aish. Ewan ko sa'yo! Makaalis na nga."

At yun, nag walk out ang pinakamamahal kong best friend. Andito kasi ako ngayon sa cafeteria, nilalantakan ang large fries at burger. Hindi kasi ako nag breakfast sa bahay kaya dito na ako kumain.

Yes. Tama talaga ang nabasa niyo. Ang ex kong sinaktan ako ng sobra at ang bestfriend kong pinsan ni Satanas ay iisa. Siya si Justin Wallace Ayala, ang isa sa mga heartthrob dito sa school. Oh diba? Ang tapang ko para maging best friend ang ex ko, yung iba nga dyan, nag break lang, akala mo walang pinagsamahan. Talo pa ang complete strangers.

It has been two years since that scene happened. Matapos kaming magbreak ay napagkasunduan namin na maging magkaibigan na lang kasi sayang naman ang friendship. Hanggang sa naging magbest friends kami. At kung tatanungin niyo if nakapag move on na ba ako, the answer is YES. Buong puso kong tinanggap yung sitwasyon namin kasi i realized na baka hindi talaga kami para sa isa't-isa. And mas okay ang friendship para sa amin.

Fastforward >>>>>

Papunta na ako ng classroom nang nakasalubong ko ang bitches.

"Hey girl/bitch!" Sabay pa talaga sila ha. Kambal nga.

"Hey bitches!" sabi ko, with hand gestures pa yan ha.

"Where have you been all my life?" - Tori

"Sorry to say this pero ang OA nung sinabi mo twinnie hahaha. By the way, hindi na kailangang tanungin yun dahil wala namang place na palagi niyang pinupuntahan, except sa CAFETERIA." - Alex

"Aba't oo nga noh! Ang galing mo talaga twinnie. Hindi ko kasi naisip yon eh." - Tori

Nagkatinginan kami ni Alex at sabay na tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHHAHA!" Halos maiyak na kami sa kakatawa ng marinig namin ang bell. HOHEMGEH! WE'RE SO DEAD! First day pa naman ngayon. Ayaw kong magkaroon ng bad first impression.

Kaya mabilis kaming tumakbo papuntang classroom. Talo pa nga namin ang sumali sa marathon. Saklaf!

Napahinto lang kami kasi may nagkukumpulang tao. Ano bang kaguluhan yon?

"Excuse us!" - Tori

"Pardon" - Alex

"Letche! Malelate na kami kaya kapag hindi kayo tumabi, sisipain ko kayo isa isa papuntang Satuuuurn!"

Ano pa ba? Edi tumabi silang lahat. Takot lang nilang masipa papuntang Saturn.

May nag aaway lang pala. At napagtanto kong sina Zhillianne Julz Reyes at Claudia Francesca Cruz ang mga ito. Dito pa talaga nila naisipang gumawa ng skandalo ha, nakakahiya naman sa kanila.

Malapit na kaming makalagpas nang may nagsalita sa likod namin. Mukhang mapapasubok ako nito ah. MALDITA MODE ON.

"What do you think you're doing?" - Lianne

"Hindi ba obvious? Syempre naglalakad. Seriously? Lakad lang di mo pa alam? Tsk tsk. Hayaan mo, pag may free time ako, maybe I can teach you." I answered her with a smirk. Wala na akong pakealam kahit malate pa kami. Coz I'm sure na mag eenjoy ako ng husto.

O.O

"What did you just say?! Are you out of your mind?!" - Lianne

Nanlaki yung mata niya. Honestly, kung wala ako sa sitwasyong to' , siguro nakahiga na ako sa sahig sa sobrang pagtawa. Para kasi siyang kamatis na pulang pula and at the same time, parang natatae na ewan. Hahhahaha epic bruhh.

"Gusto mo ulitin ko pa yung sinabi ko?" May sasabihin pa sana ako nang biglang umepal tong si Cesca.

"Can't you see that we're in the middle of something? Pshh. Stupid" - Cesca

Damn. They're getting on my nerves. Pigilan niyo ko, kung hindi baka ipalamon ko sila sa alaga naming Hammerhead Shark. HAHAHAHA! Pero syempre, joke lang yun.

"Obviously, I can see. Hindi naman ako bulag eh. And didn't your parents teach you that its rude to interrupt in some people's dialogue? What an embarrassment" sabi ko sabay walk out.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita ulit si Lianne. Aba! Buhay pa pala to? Hindi na kasi siya nagsalita pa kanina.

"WERE NOT DONE YET, GIANNA BEATRIX ALCANTARA."

"Well then, BRING IT ON!" Nauna na kaming umalis nang biglang sumigaw si Tori.

"OKAY PEOPLE, THAT'S A WRAP! GREAT JOB. BUKAS ULIT HA?" Sabi niya na parang may naganap na shooting ng isang teleserye.

"Remember, same time, same place." Dagdag pa ni Alex.

At ang gaga, sinabayan pa ang trip ng kakambal niya. Mga isip bata talaga, pero kahit ganyan sila, mahal na mahal ko sila noh. Solid as diamond kaya ang friendship namin.

-------------------

-dxmxnxqxx

Heart Like StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon