Prologue
Alyana’s POV
"One hundred two"
"One hundred three"
.
.
.
.
.
“Four Hundred Ninety-six”
“Four Hundred Ninety-Seven! WIeeeeeee!”
Masaya akong naglalakad sa papasok ng park. Hay, namiss ko to. Namiss ko yung pag-bibilang ko ng steps papunta rito. Medyo weird pero nagagagawa kong bilangin ang steps ko papunta rito. Hayyy, Parang ang tagal na nung huling napunta ko dito. Pero bago ako magsimulang mag-reminisce… gusto kong ma-upo. Ang sakit na ng paa ko. Kanina pa ako naglalakad -_-. Akala ko mainam ang paglalakad mula sa amin hanggang dito.
Yun pala nakakapagod (_ _)”
Nasan na nga ba banda yung mga upuan dito?. Haist. Para naman akong tanga rito. Mukha akong alien na may hinahanap -_____-
“Ate Ate!”
Napabuntong-hininga na lang ako. Ang sakit na talaga ng paa ko eh T.T
“Ate! Ate!”
Napahinto naman ako sa paglalakad. Ako ba yung tinatawag?. Ang dami kasing tao rito baka guni-guni ko lang yun.
“Ate…saglit.”
Pero parang may tumatawag talaga eh.
Hinanap ko na naman yung direksyon ng tumatawag ata? sa akin. May nakita naman akong bata. Batang may hawak ng pulang lobo. Huminto naman sya sa pagtakbo at ngumiti. Ngumiti naman ako. Kahit di ako sure na ako yung ngini-ngitian nya.
bigla syang tumakbo papalapit sa akin.
“Ate, ang bilis mo naming maglakad.” Huminto sya sa harapan ko. At hinihingal pa sya habang kausap ako.
“Ako ba yung hinahabol mo?” turo ko sa sarili ko at di pa konakontento tumingin pa ako sa likod ko. Baka kasi nag-aasume lang ako yung kinakausap nya. Mapahiya pa ako.
Tumango lang sya.
“Sayo na lang po” sabi nung bata at inabot yung pulang lobo na dala nya.
“Eh. Bata. Hindi na. Ayos lang. Sayo na tong lobo. Hindi na bagay sa akin yang mga ganyan. Malaki na ko. You know ^__^V”
Ngumiti lang yung bata at inabot uli sa akin yung lobo. Medyo makulit sya ha. Pero ang cute cute ng batang to.
“Pero…” –ako
“Alam mo po ate nung binili ko yan. Tuwang tuwa po ako kasi first time kong makapulot ng barya. Swerte ko po noh….” Natawa naman akong tumango sa sinasabi nya.
“ …dahil po dun naisipan ko pong ibili yun ng lobo. Feeling ko kasi yun magpapasaya sa akin eh. Pero muntik ko na po syang mabitawan. Buti na lang po nakuha yun ng kuya dun. Alam mo po, parehas po kayong malungkot ng kuya kanina. kaya para sumaya po kayo sayo na lang po tong lobong to. Ate, Napasaya po ako ng lobong yan. Sana kayo rin po.” –bata
Aww. Sweet. Napaka-babaw na ata ng luha ko at naramdaman ko na lang na naiiyak ako. Kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa at pinunasan yung luha ko. Baka matakot sa akin yung bata pag nakita akong umiiyak. Gusto ko pang mag-thank you sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm his Slave... UNFORTUNATELY his Girlfriend! (Slow Update)
Teen FictionKung akala nyo madaling intindihin ang ka-alienan nyang utak. Mahirap talaga. Hindi madaling makipag-usap sa taong dadalawa lang ata ang alam na reaksyon ng mukha. Una, ganyan -____-. Pangalawa +_____+. How nice lang eh noh?. Pero wala naman akong c...