Ilang buwan nalang, mag papasko na naman. Nakikita ko sa mukha ng mga taong nakakasalubong ko ang kasiyahan dahil sa pasko.
Kasiyahan dahil makakapiling na muli nila ang mga taong kanilang minamahal.Mabuti pa sa kanila, nakakapiling pa nila ang kanilang mga minamahal. Ako? Wala na. Yung taong lubos akong sinusuportahan, yung taong laging nasa tabi ko. Wala na. Kahit kailan hindi na sya muling babalik pa. Kahit kailan. Hindi na. Hindi na.
Isang taon na ang lumipas ng mangyari ang araw na iyon. My MOST UNFORGETTABLE MOMENT. Unforgettable hindi dahil masaya ako. Kabaligtaran ang nangyari.
Isang pangyayari na nagpabago sa aking buhay.My mother died because of stroke. At wala akong nagawa para mapahaba ang buhay niya.
Ano namang magagawa ng isang graduating student?
I still remember that day bago sya kinuha sa amin.Gabi ng January 5 2018, pumunta kami sa burol ng tito nyang namatay. Ang saya nya that time. Though may iniinda syang sakit sa paa. Namaga kasi ang paa nya and ayaw nyang mag pacheck up. Lagi nya kasing iniisip kung saan kukuha ng pera pangpacheck up.
After kaming nakilamay, nanuod pa sya sa laptop. And I don't know if hanggang anong oras sya nanuod habang hinihintay ang bunso namin na umuwi. Pero hindi nya alam na matutulog pala sya sa bahay ng pinsan namin.
Around 4 AM. January 6, 2018. Nagising kami dahil nag rereklamo si mama na masakit ang ulo nya. Hindi namin alam na nastroke na pala sya that time.
We don't know anything. Mahirap lang kami kung tutuusin. Nadala namin sya hospital 6AM na nun. And habang nasa hospital kami, iniisip nya parin kung saan kami kukuha ng pera pangbayad sa hospital. Nakakapag salita pa sya ng mga oras na yun.
Lumabas ang CT scan nya and the doctor said that may blood clot na sa utak nya. Pwede pang matanggal yun through operation but we ask the doctor if after the operation magigising sya. The doctor was speechless. Hindi nya kami masagot.
We decided to transfer her in public hospital. Ang sakit lang dahil nasa hallway lang si mama nun. Ang sakit sa dibdib dahil walang ICU na available that time to think na ganun na yung sitwasyon nya.
January 7, 2018. Wala na syang response. Hindi na nya maigalaw lahat ng parte ng katawan nya. Hindi na din sya nakakapagsalita. Wala kaming magawa. Walang wala kami. Walang pera para sa operasyon. Wala as in. Ang pera lang sa wallet ko that time is 100 pesos.
Gabi ng January 7 tumawag yung kapatid nyang nagbabantay sa kanya. Ang sabi nanginginig daw ang katawan ni mama. At hindi sila pinapansin ng mga nurses doon. Ginising ko tito ko para ihatid si papa sa hospital. Walang tulog si papa simula nung nahospital si mama. May pasok yung dalawang kapatid ko. And ako, wala pa kaming pasok that time.
January 8, 2018 ng gabi around 6 PM. Tumawag yung tito kong nasa Saudi.
"Beth, wala na si mama mo." He said while suppressing his sobs. Natigilan ako that time. Hindi ako makagalaw. Hindi alam ng mga kapatid ko ang nangyari. Maski ang lola ko. Hindi nila alam.Pumunta kami ng hospital, and doon na kami nag breakdown. Nakita nalang namin na binabalutan na ng kumot ang katawan ni mama.
---
Umuwi kami para mag ayos sa bahay para sa pag uwi ni mama. Pag uwi ng walang buhay na katawan ni mama.
Si mama? Sya ang taong napapaselfless. Mas iisipin nya pa ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili nya. Kahit walang wala na sya, hahanap sya ng paraan para lang maibigay yung kailangan namin.
Hindi namin alam na ganun ganun nalang pala ang mangyayari. Ang bilis.Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi na nya nahintay na makita akong mag suot ng toga. Hindi nya na ako nakitang naghawak ng diploma.
Hindi nya na nahintay yung parents night. Hindi na nya nahintay ang graduation ko.
Alam kong proud na proud sya na nakagraduate na ako. Pero mas masaya sana kung nasa tabi ko sya. Yung nahahawakan ko sya.
Nayayakap. I admit, I never said I love you to her. And now I regret it. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya na hindi ko na nasabi.
Sabi nga nila, enjoy your time with your love ones habang nandito pa sila sa mundo. Pero, dahil sa nangyari, sa pagkawala ni mama. Yung ilaw ng buhay ko nawala.
After ng libing ni mama. Ang hirap. Sobrang hirap mag adjust. We may be okay outside but the truth is not. We smile but it's never been the same before. We laugh but after that we're still feeling lonely.
And now, It's been one year since mama left us. Dumaan ang pasko na wala kaming handa sa mesa. Tulog agad kami. Umiiyak ako that time pero hindi alam nila papa. Iba kasi ang pakiramdam pag meron si mama eh. Yung kumpleto kami. Dumaan ang New year na ang nasa mesa namin hiningi lang o binigay saamin ng tita namin. Kung dati ang lively namin kahit konti lang ang handa namin ngayon? Walang kabuhaybuhay.
I have a job now, and nagpupursige ako para sa mga kapatid ko at kay papa. Kahit mahirap, kailangan kong kayanin para yung panagarap ni mama para saamin matupad parin kahit wala na sya dito.
Yung mga lessons na tinuro nya sa amin. Hindi mawawala yun kahit kailan. Yung mga pag hihirap nya? Hindi yun mababalewala.
At ngayong sasapit nanaman ang pasko. Kahit mahirap, pipilitin naming maging masaya. Kahit apat nalang kami pipilitin naming maging masaya.
I know that mama is still guiding us. Kahit wala na sya, she's still in our hearts and minds.
"Ma. Kung nasan ka man ngayon, Alam kong alam mo na Mahal na mahal ka namin. Alam kong masaya ka na ngayon. Still, guide us ah. I love you ma. Always and forever."
11:58PM September 12, 2019
![](https://img.wattpad.com/cover/7603731-288-k37976.jpg)
BINABASA MO ANG
My Random Thoughts
RandomThis book is my diary. Kapag hindi ako makatulog o kapag nalulungkot ako, sinusulat ko lahat ng naiisip ko dito. Pampatanggal din ng stressss😁😁 Cover photo's not mine. Credits to the owner 😘