Give up?

3 0 0
                                    

Hi. 😊

Ngayon nalang ulit ako nakapag sulat dito. How's life? Dito sa amin,  dumadami nanaman ang cases ng covid at napuno na yung covid ward ng provincial hospital namin dito.

So many things happening now. Lalo na dito sa bahay. I admit,  I'm a strong person. Pero nakakapagod din palang maging matatag ka kahit anong gawin mo. I want to give up,  sa totoo lang.

Pero paano na yung mga kapatid ko diba?  May pangarap pa ako para sa kanila. Yung papa ko naman,  ewan ko ba. Lagi nalang umiinom pero sa gabi lang naman. Ang ayaw ko lang napapabayaan niya kami. Nag iiwan ako ng pera para pang ulam hanggang gabi pero madadatnan kong walang pagkain. Tinanong ko yung kapatid ko kung anong inulam nila nung lunch. Sabi niya wala.

Okay lang naman sa akin na ako nalang magluto sa gabi. Pero wala namang mailuluto kasi walang nabiling pang ulam. Inuuna pa niya ang pag inom. Simula nung nawala si mama ganun na siya.

Ang hirap maging panganay. Na ikaw yung inaasahan ng mga kapatid mo. Na kahit pagod ka na sa trabaho sila parin ang iniisip mo. Yung kailangan nila ang nasa isip mo. Mabuti nalang meron akong tita na tumutulong sa akin. Dahil kung wala  hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sa totoo lang nag papasalamat pa ako dahil merong wattpad. Yung mga stories kasi pampatanggal ko ng stress, dito lang ako sumasaya kahit papaano. Oo nga, tumatawa ako at ngumingiti pero deep inside nahihirapan na ako.

I want to give up. Pero may pangarap pa ako. May mga kapatid pa ako. Ngayong gabi umiiyak ako pero bukas okay na ulit ako.

Ganun lang naman diba? Ilabas mo lahat ngayon bukas okay ka na ulit.

Kaya ko to. Kaya mo rin yan. Problema lang yan,  tao tayo.

🦋

My Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon