CORONA

8 0 0
                                    

Hi! How are you? I hope you're doing great.

Grabe na ang nangyayari ngayon noh? I never expected this kind of situation. Yung Home Quarantine, Curfew na 8pm, yung work from home. Bakit kaya nangyari to?

I cannot question God about this. Because in the first place tao ang may kasalanan. Kung nakinig sana yung iba sa una palang hindi aabot sa thousands ang nahawaan, diba?

Dito sa amin, I don't know, maybe nagpakampante kami kaya may nakapasok? Hehe. Ewan ko din. Though, konti lang naman ang positive, pero nakakatakot parin. Syempre, hindi natin nakikita ang kalaban natin. And wala pa atang nadidiscover na gamot or injection. I hope sooner or later mayroon na. Nakakalungkot kasi na marinig at mabasa na araw araw may namamatay dahil sa virus na yun. In the good side naman, may mga nakakarecover. Mas maganda sanang ganun noh? Yung lahat nakakarecover kaysa sa namamatay.

Hindi tayo handa, sa opinion ko lang ito ah. Haha. Pano ko nasabi? Kasi yung mga desisyon ng nakakataas may loopholes. Alam niyo yun? Naiintindihan niyo ba ako? Hahaha. Ang gulo ko noh.

All I want to say is that, sana yung mga desisyon na yon, PARA SA PANGKALAHATAN. Yung walang maiiwan. Diba nga dapat NO ONE LEFT BEHIND. Sana din hindi lang yung pansarili lang iniisip. Kasi maraming nag sasakripisyo para lang matugunan yung mga pangangailangan ng iba. Yung iba naman papetiks petiks lang.

Sana yung mga taong walang ginagawa sa bahay o ano, let's pray for the health of our frontliners. Kahit yun lang ang maiambag natin sa kanila. Wag din labas ng labas kasi malay mo nasa tabi mo na pala yung virus, inaantay ka lang. Pag nakapasok na sa sistema mo, hindi lang ikaw ang magkakaroon ng virus. Pati ang mga mahal mo sa buhay mahahawa din. Kaya mo ba yun? Kakayanin ba ng konsensya mo yun?

Sa mga taong nagrarant sa social media o kahit saan, sana naman imbes na rant ang iupload niyo DASAL ang dapat. Dasal para sa ating lahat. Wala naman kasing magagawa ang pag rarant e. You're just making yourself famous in a wrong way.

Sa mga taong nakaupo sa mataas na pwesto. Guide us. Give us assurance na malalampasan natin to. Let's unite. Yan ang kailangan natin. Be an example para tayo'y irespeto.

For now. All we can do is PRAY. Pray for ourselves, Pray for our families, friends and relatives, Pray for everyone. And also, think positive. We can do this. We will rise again. And when that time comes, I know we're stronger than before. God is with us always.

Thank you for stopping by to read this one. I hope this message gave you courage to look forward. To look the future.

#TogetherWeStand
#TogetherWeCanMakeTheBestFuture

My Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon