*Clinic*
Pumunta na ako sa clinic. Hindi naman sa ang Arte Arte ko pero masakit talaga eh. Parang isang sakong bigas ang pinatong dito. At isa pa sinusulit ko lang ang pagiging scholar ko. Libre ang tuition fee eh.
Papasok na ako sa clinic ng biglang
*Dug*
"Ouch"
Nagkauntugan kami ng isang magandang babae. Malaki yung ano, yung ano eh. Nanliliit naman saakin.
"Sorry po miss, tinataguan ko lang ang kapatid ko. Sorry talaga"
Nagkatitigan kami ng matagal. Parang kilala ko siya at parang may kamukha siya. Hindi ko talaga matandaan.
"Okey lang po yun."
Sabay tayo. Tumakbo naman siya paalis.
Pumasok na ako sa clinic at nakita ko si Asher na naka bandage ang left hand niya.
Lah! Nong nangyari? Okey pa naman siya kanina ha.
May lumapit na saakin na nurse.
"Miss anong masakit po sayo?"
"Masakit po balikat ko"
"Bat naman sumakit? May dinala ka bang sobrang bigat?"
"Hindi po, ummf may umakbay lang po sakin ng matagal"
"Ahh, hmmf sa ngayon ito ngunang pain reliever ang inumin mo. Pag after 5 hours na bumalik ang sakit bumalik ka agad dito bako kasi may symptoms ka na ng Spinal Disease"
Lah! Agad agad. 😵
"Okey po, salamat"
Ininum ko na at umalis.
Habang papalabas ako sa clinic sinalubong ako ni Shaine at Bianca. O_o
"Look who's here, nandito pala ang malanding babae na nilalandi si Asher ko." -Bianca
"Ano bang pinagsa- "
Sabay sampal ni Shaine sa kaliwa kong pisngi
"Wag ka ng magmaang maangan pa, Tingnan mo ang mga larawang ito" -Shaine
O_O The fuck. Larawan na nakatitig ako kay Asher. Yung nagshare kami ng earphones at Yung inakbayan niya ako.
"Paano niyo na- "
Di na nila ako pinatapos sa pagsasalita. Dali dali nila akong sinabunotan.
Gusto ko ng umiyak sa sakit, at gusto kong lumaban. Ano naman ang masama doon? Masama bang tumitig sakanya? Masama bang magshare ng earphones niya? Masama bang umakbay siya? Masama ba akong tao? Malandi ba ako para makatanggap ng sampal at sabunot nila respectively? Tutulo na sana ang luha ko ngunit bigla nalang may sumigaw mula sa likod ko.
"Hey you two girls! Hindi ba kayo nahihiya sa mga pinaggagawa ninyo? Sinasabunutan niyo ang tao na walang dahilan. At sa loob pa ng tahimik na clinic na to."
Si ASHER. O_O .Nananaginip ba ako? Pinagtanggol niya ba talaga ako sa dalawang halimaw na to?
"Sorry Asher, kasi it- " -Bianca
Bigla na lang ako kinaladkad ni Asher paalis ng Clinic.
Oo nananaginip nga ako. Sikat, mayaman at gwapong lalaki ay nagawa akong ipagtanggol at hawakan palayo. Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising.
Dinala niya na ako sa next subject namin.
ASHER POV
"Kyahh Asher my loves"
"Papa Asher ko."
"My oxygen"
"Kuya pakiss"
Tilian ng mga babae habang ako lumalakad papuntang next subject namin.
-_- LEECHES. Nandyan nanaman ang mga patay na patay saakin. Kung minamalas nga naman kaklase ko pa ang pasimuno sakanila.
Hindi ata ako makakasurvive.
Bigla ko nalang nakita ang kapatid ko papuntang clinic. Mukhang okey naman siya ha. Tsssk, susumbong ko na talaga to kala daddy na may tinatagong boyfriend. Pinagbabawalan kasi siya ni dad na magkaboyfriend kasi ang bata pa niya daw.
"Pre, si Mika bayong nakita ko?" Tanong ni Ezra saakin.
"Sino pa nga ba? Pfft Are you blind?" Sambit ko. "Tara puntahan natin." Isa pa tong Ezra na to. Halata naman na may gusto siya sa kapatid ko. "Sus, gusto mo lang makita ang kapatid ko nuh?" Pang-aasar ko. Tiningnan niya akong masama as if na matatakot ako sakanya. Pero sumama nadin ako sakanya para malaman kung ano ang ginagawa ni Mika dito.
Pumasok na kami sa clinic. Pinaupo kami ng isang nurse na mukhang kinilig. Tsssk, isa din ito. Tinanong kami ng nurse kung anong masamang nararamdaman namin.
"Sir, alin po ang masakit sainyo.?" Tanong ng isang nurse habang kinikilig. Sa totoo lang wala naman akong nararamdaman ngunit nakakahiya naman nasabihin ko na 'Wala po' . "Ah yu.. Yung ka-ka may ko, oo yung left hand ko masakit" Yun na ata ang worst na palusot ko. Eh, wala naman akong maisip, at saka medyo sumakit din ang kamay ko dahil kakabeat kanina.
Nilagyan na ng bandage ang kamay ko. Umalis na din kami ni Ezra kasi wala naman kaming napala dito sa clinic. Tsssk waste of time. Palabas na kami ng clinic ng nakita ko si, nakalimutan ko ang pangalan niya. Inaaway siya nila Bianca. Taena sila nanaman? Ang papanget nga nila. Leeches"Hey you two girls! Hindi ba kayo nahihiya sa mga pinaggagawa ninyo? Sinasabunutan niyo ang tao na walang dahilan. At sa loob pa ng tahimik na clinic na to." Sambit ko. Napanganga silang lahat Pati na si Ezra at si Charl ba?
"Sorry Asher, kasi it- " paliwanag ni Bianca. Hindi ko na pinatapos, kinuha ko ang kamay ni Charl at tiningnan ko si Ezra na 'wag kang magtunganga Tara na'.
Pumunta kami sa next subject namin. Alam ko naman ang schedule namin. Pagpasok namin sa room, Wow! GRAND ENTRACE. Lahat nakatingin saming tatlo. Oo nga pala 30 minutes late na kami. Nag explain kami kay Sir at mukhang naniwala naman siya. Thank God.
Nagpakilala siya saamin. "Again I'm your Mathematics teacher, Mr.Preston." Umupo kami sa hulihan kasi yun ang may extra. Pinagtitinginan kami ng mga classmates namin. K lang sanay naman ako sakanila eh. Sa gwapo kong to.
Biglang bumulong si Ezra "Ah pre, pwede mo nang bitiwan ang kamay niya." Oh sheeet oo nga nuh. Kanina ko pa pala hinahawakan ang kamay niya.
"Sorry, miss" sambit ko habang nakangiti. Mukhang namula ang mga pisngi niya.
Mabuti nalang talaga wala sina Bianca dito, at kung hindi masasaktan nanaman si Charl.
Bat ba Charl ang tawag ko sakanya. Ano nga ang pangalan niya, hindi ko natanong. Hmmf naalala ko nanaman si Charlene sakanya.

BINABASA MO ANG
Love Is Stupid
Novela JuvenilI choose to love you in silence... For in silence I find no rejection, I choose to love you in loneliness... For in loneliness no one owns you but me, I choose to adore you from a distance... For distance will shield me from pain, I choose to kiss y...