Prologue

1.7K 55 16
                                    

"Where do you think your going? " sita ni Rowan ng maaninag ang isang pamilyar na bulto papalabas ng pintuan. Tila nagulat naman yun at bahagya pang napaigtad kasabay ng impit na tili at pagbitaw sa isang pares ng sapatos.

"Sh*t!! papatayin mo ba ako sa nerbiyos?!" paangil na singhal ng babae habang tutop ang noo while trying to compose herself mula sa pagkakagulat.

Rowan then switch on all the lights para mabistahan ang nagulantang na nilalang. Humalukipkip pa itong sumandal sa katabing poste habang pinagmamasdan ang pagtaas at pagbaba ng balikat ni Trish. She really looked pissed off dahil sa pagkakahuli nya dito sa aktong pagtakas.

"nag-eenjoy ka na naman sa nakikita mo?! " singhal ni Trish ng mapansin nitong mataman syang pinagmamasdan ng kaharap mula ulo hanggang paa. She know she looks gorgeous sa suot nyang black fitted dress kung kaya naman hindi nya masisi ang kaharap kung may makita syang paghanga sa mga titig nito. Particular na sa dibdib nyang kitang-kita ang cleavage.

"oo super enjoy! Pero teka, totoo ba yan? " patol nito sabay turo sa dibdib bi Trish.

" mukha namang hindi .. .......... pahawak nga.." dugtong nito at tinapunan nang nakakalokong ngiti ang kaharap. Akmang lalapit ito at hahawakan sana ang dibdib ng kausap pero hindi yun naituloy dahil tinabig yun ng malakas ni Trish.

"ang bastos mo talaga! I don't know why Kuya trusted you. Eh ang manyak manyak mo!" nanggagalaiting sigaw nito habang namumula ang mukha.

Nakakalokong ngiti lang ang isinagot nito sa kanya habang titig na titig at tila naaaliw sa pagsusungit nya.

"it's the charm Trish " mayabang na sabi nito while smirking at her.

Naiinis na tumalikod si Trish at akmang bubuksan na ang pintuan para sana lumabas ng mula sa likuran ay nakalapit na si Rowan who pushed the door para hindi nya ito mabuksan.

"really Trish? Hindi ka talaga lulubay hanggat hindi ka nakakatakas eh noh?" sita nito habang nakatalikod sa kanya ang kausap.

Trish turned around, but because Rowan is blocking her way nanatili lang syang nakasandal sa may pintuan at nanggagalaiti nitong sinita ang kaharap.

"ano ba kasing pakialam mo? eh sa gusto kong umalis dito sa bahay! " singhal ni Trish sa kausap at pinameywangan pa niya ito while throwing her death stare.

Mukha namang hindi natinag ang kausap at naaaliw pa nitong inilapit ang sarili sa kaharap habang nakatukod pa rin ang kamay sa may pintuan. Kapagkuwa'y dumukwang ito at nakipagpaligsahan ng titigan sa kanya.

Their proximity is too close kung kaya naman naging agitated si Trish sa sitwasyon nilang dalawa. Their lips was just an inch away at konting maling kilos lang maaring magdikit ang mga yun any moment, but it seem's Rowan not minding it at all dahil nakuha pa nitong sagutin ang tanong ng kaharap.

"oh well. Ibinilin ka lang naman sa akin ni Kuya Neil remember? Tingin mo, that's not enough reason para makialam ako?" then throw a crazy smile at Trish. She pulled away from her at dumiretso sa pagkakatayo habang hinihintay ang isasagot ng kausap.

Trish didn't understand any of it dahil nakafocus ang tingin nya sa mapulang labi nito habang nagsasalita. Idagdag pa ang mabangong hininga na nakapagpatindig ng balahibo nya. Isama mo pa ang biglaang pag-kabog ng dibdib nya. Natauhan lang sya ng bahagya nitong inilayo ang mukha at mataman syang tinitigan.

"a-alam m-mo --- " nag-i-stummer nyang bungad, waring hindi mahagilap ang sasabihin. Ni hindi sya makatingin dito ng diretso. Na-distruct sya sa naging reaction ng puso nya ng bigla itong nag-somersault sa hindi nya malamang dahilan.

Twin Flames (GxG) - (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon