Entry # 6

98 2 0
                                    

October 25 2014

Ang sarap mag status sa facebook ng: "yung feeling na tinignan ka ni crush sa mata ng kahit 4sec lang!" . Hahaha oo diary , tinignan niya ako kanina , kasi naman diary e hindi ko maalis yung tingin ko sakanya habang kumakain ako sa canteen. Siguro na ramdaman niya na may nakatitig sa kanya kaya siya na palingon sa gawi ko. Pero shet lang diary! Suplado pala siya sa personal. Kasi naman e pag tingin niya sakin bigla ngang nag iwas ng tingin tapos umalis kasama yung guitara niya. Hindi naman siya kumakain e may juice lang siya sa mesa tapos may notebook at lapis na ibabaw ng table niya. Ano kaya ginagawa niya?

Curious this time, lovely.

Diary Ng Umaasa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon