A/N: Ayun, idelete ko 'to sa CC lipat ko dito, may account naman kasi dito yung co-author ko. :)
Prologue: [Warning: LONGEST Prologue and still subjected to change]
Bartender’s POV
[a/n: Si Bartender ay isang dakilang extra na nag magandang loob na gumanap na narrator sa aming prologue at sa iba pang parte ng istorya. So maraming salamat sa kanya. :)]
Hindi sa pag mamalaki, ako na ata ang pinakamagaling na bartender dito sa lugar namin. Sa bata ko’ng edad eh wala eh, talentado talaga. Siguro dahil na din sa course ko na HRM, nag-aral kasi kami ng bartending. Ay teka, maiba ako. Hindi naman ako parte ng istoryang 'to. Nandito lang ako para mag narrate ng prologue, since ayaw nung dalawang author. Tss. Ang tatamad nila 'no? :D Pero okay na din at least may appearance ako 'di ba? ^^
Pero teka maiba ulit ako, sisimulan ko na nga ang kwento at baka kung saan pa tayo mapunta.
Umpisahan natin sa title, marahil ay nag tataka kayo kung bakit “Always Open The Bar” ang title ng kwento’ng 'to. Ang dahilan niyan ang dahil sa bar unang nagkakila-kila ang mga bida ng kwento na 'to. Sad to say hindi ako napili nila Ms. Author na mapunta sa main cast. Oh well. Gagawin ko na lang ang best ko sa pagiging dakilang extra. ^^ Sa bar kung saan sila nag kita kita dun ako nag tatrabaho, kaya nakilala ko sila, at nalaman ko ang kanilang mga kwento.
“Kuya isa pa ngang vodka.” Kinuha ko siya ng vodka at inabot.
“Boss, mukhang ang dami na nating naiinom ah?” sabi ko, sa pagkakaalam ko schoolmate ko 'to, base na din sa uniform niya. Hindi ko nga lang alam kung ano’ng course. Tinawanan niya ako.
“Okay lang 'yan. Kailangan ko 'to para makalimot.” Sapalagay ko mataas ang alcohol tolerance nito, hindi pa kasi namumula mukha niya pati hindi pa masyadong halatang nakainom siya. Yung sinabi ko sa inyo kanina 'wag niyong pansinin. Ganun talaga sinasabi namin para magkaroon ng conversation sa mga customers. Hehe.
“Ano po’ng gusto niyong itawag sa inyo boss? Para naman kahit paano close na tayo.” Natawa siya, althoung hindi naman ako nag papatawa.
“ShinJae na lang tawag mo sa akin.” Tapos ayun, nag kwento na siya ng nag kwento. Iniwanan pala siya ng girlfriend niya. Katwiran iniinsulto niya daw. Hindi niya nga daw alam kung paano’ng naiinsulto eh lagi niya naman daw sinasabi na ang ganda ganda ng girlfriend niya. “Ah! Ewan! Hindi na ako mag ge-girlfriend!” Tinapik tapik ko siya sa balikat.
“Okay lang 'yan, marami pa namang iba diyan.”
“Hoy! Mr. Bartender pahingi nga ng rhum.” Napatingin ako sa tumapik sa braso ko, si Sky pala. Kaklase ko.
"Hard ka kaagad, Sky?" Tanong ko habang kinukuha yung order niya.
"Oo, kailangan eh. Tss. Buwisit talaga." Alam ko na problema nito, nagkakaganito lang 'to pag may problema sa babae. Tss. Tinignan niya si ShinJae. "Sino 'to? Boylet mo? Nakita ko kanina na hinahawakan mo yung balikat niya." Tapos nag grin siya sa akin.
"'Lul! Hindi 'no. Customer 'yan dito. Pareho kayo ng problema. Kinocomfort ko lang siya kanina kaya ko tinapik yung balikat niya. TINAPIK, hindi hinawakan. Psh." Tinapik ni Sky yung braso ni ShinJae. Tapos ipinorma yung baso niya na parang makikipag cheers.
"Cheers?" Tanong niya. Sabay smirk. Hindi naman siya tinanggihan ni ShinJae. At ayun na naman si ShinJae ikinuwento na naman ang naging kapalaran niya. Napailing na lang ako. Parang close na silang dalawa, siguro dahil nag kaintindihan sila. May umupo sa tabi ni Sky, mukhang problemado din.
"Boss ano'ng maitutulong ko sa inyo?" Tanong ko.
"Isa ngang tequila." Inabot ko kaagad yung order niya. Kaaiba 'to sa dalawang nauna, parang nakakatakot na kausapin. Teka, kakausapin ko ba?