Chapter two:
“Ysh ano’ng meron sa iyo ngayon? Bakit ang tahimik mo?” Hindi ko pinansin yung kaklase ko. Wala ako sa mood eh.
Ako nga pala si Yshmael Miguel Harque, 19 years of age. June 22, 1992 ako pinanganak. 3rd year college sa kursong Mass Communication Arts. Pure Filipino ako, as in. Pero yung half brother ko half Korean, since maagang nawala si Papa, nakapag asawa ulit si Mommy, so obvious naman na may half brother ako. 16 years old na 'yun. Makulit daw ako, nakakatawa, pero seryoso ako sa buhay. Magaling din ako sumayaw, at mahilig ako mag basa ng Manga.
“Ysh? Ikaw ba yan? Ang tahimik ah.” Nginitian ko lang siya. Tumayo na ako, at naglakad papunta sa pinto, bago ako makalabas nakasalubong ko na si Ckai, ngumiti ako nung tumingin siya sa akin.
“Good morning.”
“Good morning din. Where are you going?” Nagtatakang tinignan niya ako. Ako naman nag kibit ng balikat.
“Some… where?” Tutuloy ko na sana yung paglalakad nung hinawakan niya ako sa braso. “What?”
“Mag diditch ka?”
“Obviously.” Nakita ko si David papunta na sa room inalis ko na yung kamay niya sa braso ko. “David is here, baka kung ano isipin niya sa pag hawak mo sa braso ko.”
“Magbest friend kayo.” Hawak siya ulit, yung parang pinipigilan niya ako’ng umalis. Pero inalis ko ulit.
“I don’t want any misunderstanding. Bye.” Nag lakad na ako, sa kabilang hagdan ako dumaan para hindi na ako tanungin ni David kung saan ako pupunta. Tss. Siguro noon, best friend ko siya, pero iba na ngayon.
Eto ang una’ng beses ako ng ditched ng class, ngayon hindi ko tuloy alam kung ano gagawin ko. Lubutin ko na lang kaya buong school? Nag lakad lakad ako, madami palang maganda sa college namin, well kahit naman maganda sila walang spark, hindi katulad nung kay Ckai. Oh well. Oh si ShaMi 'to ah. Ano kaya ginawa nito dito?
“SHAMI!!” Hindi siya tumingin, bakit? Ano kaya problema nito. Nilapitan ko siya, naabutan ko naman siya bago siya kumatok sa dean’s office. “Oi! Tinatawag kita ah.” tinignan niya ako, yung tingin na parang inis. “Oh ShaMi easy ka lang dude.”
“Wag mo nga ako’ng tawaging ShaMi dito sa school! Nakakahiya.” Papasok na sana siya sa pinto ng balikan niya ako ng tingin. “Michael ang itawag mo sakin pag nasa school tayo.” Yun lang at pumasok na siya.
“Ysh, si ShaMi ba yung pumasok sa loob?” SI Ace 'to ah. Hingal na hingal. “Uy?”
“Wag daw siya tawaging ShaMi pag nasa school, Michael daw ang itawag sa kanya.”
“Wala ako’ng paki, siya ba yung pumasok?” tumango ako, nag madali siyang pumasok. Problema ng mga 'yun? Tss. Nag lakad na ko papuntang parking lot, mag momall na lang siguro ako.
*does the moonlight shine on Paris? After the sun goes down…*
Calling Mom…
“Yes Mom?”
“Where are you?”
“Here at the parking lot.”
“Parking lot? Don’t you have a class?”
“I ditched.”
“Why?” Hindi ko alam isasagot ko. “Ikaw talagang bata ka, sunduin mo na lang ako dito sa bahay. Ngayon ang dating nila Ricky.”
“Oh, okay I’m on my way.”
Si Ricky ung sinasabi ko sa inyo na half brother ko. Ngayon pala uwi niya, nakalimutan ko. Lagi nga pala sila umuuwi ni Papa pag malapit na birthday ko. Ay next week na birthday ko. Wala pa ako’ng plano. HAHAH.
Pagdating namin sa airport wala pa sila, so kami ni mama, kumain muna kung saan man pwede kumain. Tinanong ulit ako ni Mommy kung bakit ako nag ditched wala talaga ako maisagot kung hindi, ‘Feel ko lang mag ditch.’ Para daw ako’ng tanga sabi niya. HAHAH. Mom ko talaga.
“Hyung!” Nagulat ako pag tingin ko nakita ko na si Ricky, hindi talaga kami mag kamukha. Siya maputi, ako Moreno. Pero pareho kami na medyo chinito ang mata, at matangkad din. Binatukan ko siya ng mahina.
“Nasa Pilipinas ka, kuya ang itawag mo sa kin.” Dinilaan niya lang ako. Pero niyakap ko naman siya, syempre kahit papaano naman namiss ko siya. “Pa, pasalubong ko?”
“Pasalubong kaagad ang itinanong sa akin, pwede namang kamusta kayo? Ikaw talaga.” Nagtawanan na lang kami, next week pa daw dating nung mga pasalubong nila. Kaya umuwi na kami sa bahay, gamit yung car ko.
“Alam mo bang nag cutting class yan anak mo, hon?” Mom! Wag mo ako’ng isumbong kay Papa! Papagalitan ako niyan. T^T Para pa namang pari pag nagsermon. Kahit pag nakaweb cam kami, at isinumbong ako ni Mom, pinapapagalitan ako. Tinignan ako ng masama ni Papa. “Don’t worry, heart broken kasi siya ngayon kaya niya nagawa 'yun. Classmate niya kasi yung girl eh.”
“Heart broken?” Pa, don’t tell me hindi mo alam 'yun? “Wag mo ako tignan ng ganyan, alam ko meaning nun. Akala ko playboy ka?”
“Pa! Hindi pa nga po ako nag kakagirlfriend eh!” Pareho silang nagulat ni Mom. Hala bakit? Wala pa naman talaga ako nagiging girlfriend. “Bakit po? Wala pa po talaga!”
“Hyung… Is that real? Ang dami kayang nag aadd samin sa Facebook, at follow sa twitter, sinasabi nila girlfriend mo daw sila.” Ako naman napanganga. “Kuya, ang pangit ng itsura mo, isara mo nga yang bibig mo.” Isinara ko naman.
“Teka teka, wala pa talaga ako nagiging girlfriend, paano’ng ganun?” Napailing iling na lang si Papa.
“Baka masyado ka nilang gusto kaya ayun, sinabi sa amin girlfriend mo sila. Tsk. So ibig sabihin… Ang hina mo naman.” Tapos tinawanan ako ni Papa, binatukan naman siya ni Mom. “MWO!?” [WHAT!?]
“Bigyan mo na lang yan ng advice, pinagtatawanan mo pa eh.” Inaya na ako ni Papa sa labas namin, may bench kasi kami sa garden namin, dun kami umupo. Sakto naman pag upo namin pumasok sa gate si Ckai.
“Tito… Kailan po kayo nakabalik?” Tinap ni papa yung likod ko saka tumayo papalapit kay Ckai.
“Kanina lang, why are you here?” Naglabas siya ng notebook sa bag niya.
“Ibibigay ko lang po ‘tong notes kay Ysh, nag ditched po kasi siya kanina eh.” Si papa na ang kumuha. Tapos giniya papasok ng bahay. Sinenyasan ako ni Papa na sumunod na din, pero hindi ako agad sumunod, nag stay pa ko ng mga 15 minutes. Sakto papasok na sana ako ng pinto ng bigla ito’ng bumukas. “Mauna na ako.” Nag nod na lang ako, hindi ko alam kung bakit biglang natutop yung bibig ko at lumakas ang tibok ng puso ko. Although natural na 'yun pag nasa harapan ko si Ckai, pero iba talaga yung ngayon. Parang may something.
“Kuya! Dapat kanina ka pa pumasok.” Tinignan ko siya ng nakakapagtaka. “Nandito kasi si Ate Ckai eh.”
“Alam ko, nakita ko naman siya pumasok at lumabas ng bahay.” Umiwas na nang tingin si Ricky, problema nito? “Mom, alis muna ko. Punta ko Kaleji Baru.”
“Ang aga aga pa ah?” Tumingin ako sa watch ko, oo nga. 2:15 pa lang. “Kain muna tayo sa mall?” Tumango tango ako. “What do you prefer? Your car, or our car?” Syempre ayaw ko maging driver. Naging driver na nga ako kanina eh.
“Your car.” Sabay turo sa kanya. “Seoul Garden po tayo? Parang gusto ko po ng Korean food ngayon eh.” Si Ricky, nag tatalon sa tuwa. Parang hindi nanggaling sa Korea. HAHAH.
Pag dating naming sa mall, nag ikut-ikot muna kami. Tumingin ako ng mga bagong shirts, madami dami din kaming napamili, pero pinakamadami yung kila papa at Ricky, dahil wala silang inuwing damit ditto. Since sa school na pag aari namin nag aaral si Ricky, pwede niyang iadjust yung summer vacation niya ng mas maaga sa ibang bata. Napahinto ako sa pag lalakad ng makita ko si David at Ckai. Lumapit ako ng konti, sapat na para marinig ko yung pinag uusapan nila, at hindi nila ako mapansin.
“Let’s just stop this David. We’re over doing it, aren’t we?” Ckai stressed out.
“Pero kakasimula pa lang natin...” Hinawakan niya yung kamay ni Ckai. “Please? Just one more time, we can make it. Wag ka muna sumuko.” Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila, pero seryosong seryoso si David. Siguro mahal nga talaga ni David si Ckai. Umalis na ako sa kinapupwestuhan ko at pinuntahan na sila Mommy sa Seoul Garden.
I think I really need to give up. Ayoko namang masaktan best friends ko, sa mga narinig ko kanina, sila lang ang makakapagpasaya sa isa’t isa. And I’m not included. David is really trying hard, siguro nag babago na siya para kay Ckai, iniisip ko pa lang 'yun alam ko na aalagan ni David si Ckai, so much more sa kaya ko’ng gawin.
“You’re thinking too much, baby.” Pinat ni Mommy yung kamay ko. Napansin siguro ni Mommy. “Tungkol naman saan yan?“ umiling lang ako, tapos nilagyan ko ng food si Mommy sa plate niya.
“Ysh?“ Napatingin ako sa tagiliran ko.
“ShinJae? Ano’ng ginagawa mo dito?“ Tinaas niya yung chopsticks niya, so obviously kumakain. “Nice, sino kasama mo?”
“Si Appa, mukhang buong family kayo ah?” Tumango ako, tapos po pinakilala ko yung sila Mommy. “Nice meeting you po.”
“So you’re a Korean?” Tumango si ShinJae. “I’m also a Korean.” Tapos nag usap na sila ng ibang lenggwahe, si Mommy at Ricky naiintindihan, ako konti lang. HAHAH. May umupo sa harapan ni ShinJae. Kamukha niya, pinatandang version niya lang. “Mr. Lee Seung Jun?” Napatingin kay Papa yung Papa ni ShinJae.
“Mr. Choi.” Napatingin siya kay Ricky. “Ricky-ah.” Nag ngitian sila, so ibig sabihin mag kakilala sila. “Kaya pala nag take ka na ng summer vacation, kasi uuwi kayo dito.“ Nag nod lang si Ricky. So ako po ay naguguluhan, pwede paki explain?
“Mr. Lee is one of our business partner in Korea.“ Oh, ayun pala so may connection pala kami ni ShinJae kahit papaano. “You’re son is really handsome and polite.” Ngumiti lang sila sa isa’t isa. Feeling ko tuloy na out of place ako. HAHAH. Tumayo si ShinJae at nag paalam na mag rerest room muna, ako din. Trip ko lang. Nag kwentuhan kami habang papunta pa lang sa rest room, pag pasok naming nakita namin si…
“David?”