Chapter Four:
“Dude, what’s wrong with you? Aren’t you ready?” Okay, tonight kami babyahe papuntang aklan since bukas ang birthday ko. Sila mommy, bukas na daw pupunta kasabay nung ibang bisita. So kaming pito muna ang mauuna, pito kasi kasama si Mr. Red-Head-Bartender.
Actually, alam ko may problema ako. Si ShinJae pa lang ang nakakaalam nung nangyari three days agp. I just can’t help but to think about it. Ckai loves me, pero bakit parang hindi ako natutuwa? Baliw nga daw ako sabi ni ShinJae. Siguro nga, I need time to think.
“Ysh, aalis na kami. Ayaw mo ba talaga sumama?” Noon ko lang na pansin na kanina pa pala nila ako nitatawag, si ShinJae natatawang umiling iling na lang. I know natatawa siya sa mga kinikilos ko. Err.
“Aniki, doushita no? Nung nakaraan ka pa ganyan. Is that something good or bad?” Eto na naman 'tong cute na nilalang na 'to. Pinat ko lang yung ulo niya at pumasok na sa loob ng private plane nila ShinJae. [Doushita no : What’s the problem]
Nag tulog lang ako buong byahe, I’m not feeling well. Siguro nagsabay yung pagod sa school at yung daming ng iniisip ko ngayon. Actually mukhang lahat kami ay nag tulog lang sa buong byahe, nagising na lang kami ng ginising kami ng Private Pilot nila ShinJae. Paglabas namin ng airport may sumundo kaagad samin na van, siguro courtesy na 'to ni Chiro-chan. After half hour, nakarating kami sa bahay, or should I say mansion nila Chiro-chan, ang laki naman nitong rest house nila. Pagpasok namin sinalubong na kaagad kami ng mga maids. Opo, MGA MAIDS po, dahil mahilig ako sa manga at anime di ko akalain na meron palang ganito sa totoong buhay.
“Okaerinasai botchan.” Sabay sabay na sabi nung mga maids. Yumuko pa sila, if nanunuod kayo ng mga anime malamang naiimagine niyo ang eksena ngayon. [Okaerinasai:Welcome home/back Botchan: young master]
“Hai, tadaima.” Tapos nakipag-usap pa siya sa hindi naming mawaring language, nagulat na lang kami ng lapitan kami ng mga maids, at kinuha yung mga gamit namin. [Hai:Yes Tadaima:I'm back/home]
“Hahatid na po namin kayo sa mga silid niyo.” Nagulat kami, marunong naman pala silang mag tagalog. Lol. Sumunod na lang kami sa kanila, si Chiro-chan daw mamaya na aakyat, pupuntahan lang daw niya yung ate niya sa garden. Hindi ko na idedescribe yung kwarto, dahil hindi ko kayang idescribe sa sobrang ganda. Pag lagay ko ng laggage ko sa cabinet lumabas na ako ng kwarto, balak ko mag libot libot para maging familiar ako sa buong bahay.
“Oh, mag lilibot ka din?” Tinanguan ko na lang siya. “Sabay na tayo.” Dinaanan na din namin yung iba sa mga kwarto nila, baka trip din kasi nila mag libot.
Ayun, bali kaming 5 magkakasama na ngayong naglilibot, feeling nga namin na wawalan kami ng sense of direction dahil sa laki nitong bahay. Napahinto kaming lahat nung may naamoy kaming mabango, nakakagutom yung amoy. Since gabi na din, at hindi pa kami nag didiner nag unahan kami sa pag hahanap nung pinanggagalingan ng amoy. As expected sa kusina nanggagaling yung amoy.
“Wow, mukhang masarap po iyan ah?” Sabi ko sa Chef na nakachef uniform pa.
“Arigatou. Kung hinahanap niyo si Keiichiro-sama nasa garden siya, pwede kayo dumaan dito sa kitchen exit.” Sinunod naman namin siya.
Another wow, asaang lupalop ba kami ng Pilipinas? 'Di ba Aklan 'to? Bakit parang nakakakita ako ng paraiso? Ang ganda ng garden nila. Gaano kaya kayaman 'tong si Chiro-chan?
“Onee-chan onegai...” ang cute talaga nitong batang 'to. Parang batang nag mamakaawang bigyan siya ng candy. [Onee-chan:Older sister Onegai:Please]
“Manigas ka dyan. Sabi mo dadalan mo ako ng pwede ko'ng maging model para sa project ko.” Akalain mo 'yun, marunong din mag tagalog yung ate niya.
“May dala naman ako eh, 6 pa nga eh.” Sabay turo sa amin. Alam nilang nandito kami? Astig. “Ano, kulang pa ba kaming pito para maging model mo?” Nilapitan kami isa-isa nung ate ni Chiro-chan. Dahil ako yung nasa dulo ng line-up namin, hinintuan niya ako.
“Otanjoubi omedettou, Ysh-chan.” Napa- ako. “Happy birthday. Ikaw 'yun 'di ba?” Tapos nag smile siya. Nag smile na lang din ako. Humarap na siya kay Chiro-chan. “Chiro-chan, sankyu. Ikaw na bahala mag sabi sa kanila ne?” Tumango lang si Chiro. Nagulat ako ng niyakap niya ako. “Happy birthday ulit.”
“Y-Ysh...” Naitulak ko si ano ba pangalan nito? Napatingin ako sa likuran ko. “Surprise...” Pero yung tone ng boses niya parang malungkot.
“C-ckai... Bakit nandito ka na?” Lumapit ako sa kanya.
“Bakit? May naistorbo ba ako?” nilagpasan niya ako ng tingin at tumingin kay... sa ate ni Chiro-chan. “Sino siya?”
“Hello! Ako si Stephanie Kitagawa, ate ni Chiro and girlfriend niya.” May kung sino siya hinatak sa likuran niya. Nagulat ako ng makita ko'ng si ShinJae.
“SHINJAE KAYO NA!?” Sabay sabay naming sabi. Napansin ko na medyo kinurot ni Stephanie yung braso ni ShinJae, okay mukhang gets ko na.
“Oo, kami na. Actually matagal na. Hindi ko lang sinasabi.” Alanganing ngumiti si ShinJae. “Pasok na tayo sa loob? Iwan muna natin si Ysh at Ckai, kailangan nila mag-usap eh.” Hinatak ni ShinJae si Stephanie pa pasok sa loob, sumunod naman yung iba.
“What's between the two of you?” Seryosong tanong ni Ckai.
“Wala naman eh, binati niya lang ako ng 'Happy Birthday' 'yun lang 'yun.”
“Pwede ka naman niyang batiin ng hindi niyayakap.”
“Ganun lang talaga sa Japan, ano bang problema mo?” Okay, hindi po pagalit ang tanong ko ha? Yung gentle na pag tatanong.
“Nagseselos lang ako, 'yun lang 'yun.” Tapos pumasok na siya sa loob ng mansion.
“Nagseselos lang ako, 'yun lang 'yun.”
“Nagseselos lang ako, 'yun lang 'yun.”
“Nagseselos lang ako, 'yun lang 'yun.”
“Nagseselos lang ako, 'yun lang 'yun.”
“Nagseselos lang ako, 'yun lang 'yun.”
Parang sirang plaka na nag papaulit-ulit sa utak ko yung mga huli niyang sinabi...
“Nagseselos lang ako, 'yun lang 'yun.”