Phase 1

623 12 3
                                    

"ANG POGI!" Sabay-sabay pang nagtilian ang mga babaeng kasama ni Rannie sa Spa na kinaroroonan niya. Pinagkakaguluhan ng mga ito ang isang magazine na hawak ng isang matangkad na dalaga sa grupo ng mga ito. Sa itsura palang ng mga ito ay mga mukhang kolehiyala pa ang mga ito. Bata pa. Katulad na katulad niya noong nahuhumaling pa siya sa mga lalaking nuknukan ng gwapo.

Iniikot niya ang mga mata at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa hawak niyang magazine. Ang mga bata talaga... Masyadong nahuhumaling sa mga gwapo, hindi alam ng mga ito matitinik din ang mga hinayupak na hunyangong yan. Isa pa, sa panahon ngayon, aanhin naman ang gwapo kung wala namang konsensya at puso.

Muli na namang nagtilian ang mga ito. Pumikit siya ng mariin. Kanina pa siya naririndi sa matitinis na boses ng mga ito. Padabog na isinara niya ang magazine upang kunin ang atensyon ng mga ito. Imbes na makuha niya ang pansin ng mga ito ay nagpatuloy lang ang mga ito sa pagtitilian.

"Ang gwapo!"

"Beh, ang pogi beh!"

Malakas na hinampas niya sa mesa ang magazine dahilan upang mapatingin ang mga ito sa kanya. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay. Natahimik ang mga ito at nagtinginan. Mukhang hindi na niya kailangang magsalita upang makuha ng mga ito ang punto niya.

"Sorry po, Ate..." paumanhin ng isa. Nagsunud-sunod ang mga ito ng sorry sa kanya. Hindi nalang siya nagsalita bagkus ay nailing at inilabas ang cellphone niya at binuksan ang kanyang twitter.

'Wag kayong maniwala jan! Lolokohin lang kayo niyan! Basta gwapo, manloloko!

She tweeted. Ilang sandali pa ay dumagsa ng like at retweet galing sa mga kaibigan niya. May ilang reply din siyang natanggap galing sa barkada niya.

'Ito na naman tayo...'

'Aray ko. Bakit palagi nalang kami ang manloloko?'

'Kasalanan talaga ito ng mga nagtatanim ng ampalaya! Hindi tuloy nauubos ang supply ni Rannie!'

Nagtweet siya ulit at hindi pinansin ang mga reply ng mga hunyango niyang kaibigan mula pa noong college siya.

'A pretty face doesn't mean a pretty heart.'

Muli siyang nakakuha ng notifications galing sa mga makukulit niyang kaibigang inaabangan ata ang lahat ng tweet niya. 

'Sometimes, it means a broken bitter heart.'

'Kaya magpapangit tayong lahat!'

Isa-isa niyang pinagrereplayan ang mga ito at pinagbabara. Alam na alam naman ng mga ito ang hinaing niya sa buhay. Oh right... ito pa ang mga saksi niya noon. Saksi ng pagkakadisgrasya niya sa karerahan ng 'Unang mahulog, tanga'.

Unfortunately, siya iyong idineklarang winner. Winner sa katangahan. Noong una palang... noong una palang na naniwala siya, naroon na siya. On the way na sa pagiging tanga. Malas lang talaga niya at nagpabiktima siya. 

Napakurap-kurap siya nang mapansin ang isang babaeng nakangiti sa harap niya. HIndi niya namalayan na nasa harap na pala niya ito. Masyado na naman siyang nadala ng galit. Mabuti na lamang at wala siyang kutsilyong hawak.

"Sa loob na po tayo, Ma'am." Magiliw na wika nito. Tumango siya at bumuntong-hininga. Tumayo na siya at sumunod sa babae.


"KAMUSTA TRABAHO?"

Sumimsim siya sa kanyang kape habang patuloy na nag-iingay na parang mga nakawalang mga manok ang mga kaibigan niya.

"Buti pa yung trabaho ko, kinamusta mo, Ji!"

"Kakakamusta ko lang sayo noong nakaraan. Ano araw-araw tayong magkukumustahan?" Sarkastikong wika ni Jillian kay Mayka.

After RanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon