TAHIMIK si Rannie sa loob ng magarang sedan. Kahit ang binatang kasama ay tahimik sa pagmamaneho. Nanatili siyang nakatanaw sa labas ng bintana, trying her best to ignore his presence. Ano na naman ang pag-uusapan nila hindi ba?
Ramdam niya ang malayong gap na nakapagitan na sa kanila. Ang dating de-kahoy na bakuran na naglalayo sa kanila ay naging mataas na pader na. It was his fault anyway. Niloko siya nito. Pinaasa at pinaglaruan. Wala itong karapatan para matamo ang kapatawaran niya.
Sinulyapan siya nito pagkatapos at malakas na tumikhim. Hindi siya nagpadala at nanatiling sa labas ang mga mata.
"Uh... Ran." Anito. Malambing pa rin ang lintik na gwapong boses nito. Swabe at humahaplos sa puso. Kapag binabanggit nito ang pangalan niya ay parang iyon na ang pinakamagandang salita natuklasan sa buong mundo. "K-kamusta ka na?" Dugtong nito.
Hindi siya nagsalita bagkus ay ipinikit nalang ang mga mata. Kung pwede lang isarado din niya ang mga tainga upang hindi marinig ang boses nito, ginawa na rin sana niya. Nagpanggap siyang tulog. Alam niyang alam nitong nagtutulug-tulugan lamang siya. Bumuntong-hininga na lamang ito at hindi na nagpilit na makipag-usap sa kanya.
NAALIMPUNGATAN si Rannie nang mahinang tapikin ang kanyang braso nang may pagsuyo. Pati na ang malambing na boses na tumatawag sa kanya.
"Ran..."
"Hmm..."
Tumambad sa kanya ang maamong mukha ng binata. He was more beautiful up close. From his pointed nose, expressive deep-set eyes, thick lashes and eyebrows to his kissable lips. Nakagat niya ang sariling labi. He looked delicious, damn!
Lalo siyang natunaw sa kinauupuan nang umangat ang gilid ng labi nito.
"Ran, wake up. We're here."
Pumikit siya ng mariin nang dumampi sa mukha niya ang mabango at mainit nitong hininga. Paulit-ulit niyang hinila ang sariling katinuan habang walang tigil na minumura ang sarili.
Hampaslupa ka Rannie! Gumising ka sa ilusyon mong yan! Magretiro ka na sa katangahan!
Ibinaling niya sa ibang direksyon ang mukha at doon iminulat ang mga mata. Hindi maganda sa kalusugan niya ang makita ang mukha ng pinakagwapong impakto sa mundo.
"Pasensya na kung naistorbo ang tulog mo-"
Itinaas niya ang kamay upang patigilin ito. Umayos na siya ng upo at binuksan ang pinto. Pagkababa niya ay kasunod din ng pagsara ng kabilang pinto. Sumunod ito sa kanya. Kinuha niya ang gamit ngunit naunahan na siya nito.
"Ako na." Walang-tinging aniya ngunit di nito ibinigay sa kanya ang bagahe.
"Ako na, Ran." Malumanay na wika nito. Malambing iyon at tila nanunuyo. Kumunot ang noo niya at sinalubong ang kulay kape nitong mga mata. Kaagad din niya iyong pinagsisihan at nag-iwas ng tingin.
"Gamit ko yan. Ako na ang magdadala."
Iniwas nito iyon nang tangkain niyang kunin.
"Ako na ang magdadala, Ran."
Magpoprotesta sana siya ngunit narinig niya ang pamilyar na ingay na paparating niyang mga kaibigan. She gritted her teeth. Hindi maganda kung maabutan sila ng mga itong magkasama.
"Bahala ka." Aniya at tinalikuran ang binata. Hindi na ito nagsalita bagkus ay sumunod sa kanya. Binilisan naman niya ang paglalakad upang di sila magkasabay.
Kung alam lang niyang magkakaganito sana ay binigatan pa niya ang dala o dapat siguro ay pati cabinet niya pinadala niya rito. Umirap siya sa kawalan lalo na nang makita niya ang mga nakangisi niyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
After Ran
General FictionMoving on is like a race. You set your own fight and have your own pace. Though sometimes, just as when you've gone so far, something pulls you back again.... Can you possibly finish the run?