Phase 2

152 8 3
                                    

ANG usapan nila ay friday night ngunit pasado alas otso na ng gabi siya nakabyahe. Umuwi pa siya ng apartment na tinitirahan niya upang maligo, magbihis at kunin ang gamit niya. Mag-isa lang siyang nakatira roon. Nakahiwalay siya sa kanyang mga magulang. Mas pinili kasi ng mga itong manirahan sa kanilang probinsya. Taon-taon naman siyang bumibisita sa kanila habang nag-iipon siyang makabili ng sariling lupa at makapagpagawa ng sariling bahay.

Hindi pa nag-iinit ang pang-upo niya roon ay kaagad na iginupo na siya ng antok. Umiglip lamang siya sandali upang makabawi sa pagod. After two hours, nakarating na rin siya ng Batangas. Nagtanung-tanong siya kung saan iyong address ng resort na ibinigay sa kanya ni Jaimie. Hindi naman din niya kabisado ang lugar. Maya-maya pa ay tumawag na sa kanya ang kaibigan.

"Nasaan ka na?" Anito.

"Batangas na." Napakamot siya ng noo. "Ano bang sasakyan ko para makapunta ako diyan?" tanong niya. Ilan kasi sa mga napagtanungan niya ay hindi alam ang resort na tinutukoy niya.

"Nasaan ka na ba banda?" 

"Anilao, na." Idinescribe pa niya ang mga building na nasa harap niya. Hindi na rin kasi niya alam kung saan siya eksaktong nasa Anilao. "Jaimie, hindi alam noong ibang tao yong resort. Canyon Cove nga lang ang napuntahan ko rito sa Batangas." Aniya at napangiwi.

Humalakhak ito. "Bago pa lang kasi ito, Ran. O' sige, ipapasundo nalang kita diyan. Humanap ka ng malapit na  convenience store or any place you can stay at, for the mean time. Sandali lang ito. Malapit ka na rin naman..."

"O' sige." Sagot niya. Nag-usap pa sila sandali. Kanina pa raw nagsisimula ang party nito. Hindi niya alam kung makakabot pa ba siya roon o baka umagahin na siya. Napabuntong-hininga siya.

Nagpaalam na ito sa kabilang linya. Siya naman ay naghintay sa loob ng bukas pang coffee and pastry shop na naroon. Umorder muna siya ng kape at slice ng chocolate cake upang mabuhay ang dugo niya. Hindi siya pwedeng antukin ngayon.

Lumipas ang bente minutos ay nagtext si Jaimie sa kanya. Itinatanong kung nasaan siya. Kaagad naman siyang nagreply rito ng pangalan ng coffee shop na kinaroroonan niya. Matapos niyang magreply, maya-maya ay nakatanggap naman siya ng tawag mula rito.

"Ran, nandiyan na?" tanong nito.

Luminga siya sa labas. Halos walang sasakyan ang dumadaan dahil gabi na. Bumuntong-hininga siya. "Wala pa e. Pasensya na, Jaimie. Baka naistorbo ko na yung party mo." Aniya.

"Hindi, ano ka ba! Buti nga humabol ka e. Hintayin mo lang yan, maya-maya nandiyan na yan. Tinext ko na e."

"O' sige..." Natigilan siya sandali bago parang sinipa ng kabayo ang katinuan niya. "Jaimie!" Malakas na bulalas niya bago pa nito maibaba ang tawag.

Nagreklamo pa ito sa kabilang linya dahil sa sigaw niya. "O ano?" 

"Sinong susundo sakin?" Nagpapanic na tanong niya. "Kaibigan mo ba? Pinsan mo? Driver nyo? Hindi naman... hindi naman siguro si..." Hindi nagsalita ang bruha niyang kaibigan sa kabilang linya. "Jaimie!" Malakas na protesta niya.

"What? Eh siya lang ang pwedeng sumundo sayo e. Lahat busy sa party. Plus, siya naman ang nagmagandang loob na sumundo sayo."

"Ano kamo?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Totoo ba talagang nagpresinta itong sunduin siya? At bakit naman nito gagawin yon? Close ba sila? Hindi sila close! 

"Oo nga. Whether you like it or not. Believe it or not, nagpresinta siyang sunduin ka."

"Bakit hindi nalang si Roman ang sumundo sakin?!"

"Oh yeah, Roman volunteered too. Pero masyado na siyang maraming nainom. Hindi na namin pinayagan kasi baka maaksidente lang kayo. And the other girls, well... pagod na sila para magmaneho."

"O ayaw lang talaga nilang sunduin ako." Nag-aalab na hinanakit niya sa mga ito. They planned this! Sigurado siya! Kung paano nagawa ng mga hinayupak niyang kaibigan ang mga iyon. Yun ang hindi niya alam!

"Come on, susunduin ka naman ni Ice diyan. Huwag ka na ngang maarte. Para makapag-catch up na rin kayo."

"Catch up? Ang tanging ika-catch up lang niya ay ang kamao ko. Tigilan mo ko ako Jaimie Ann."

"Ano ba naman kayo? Ang tagal-tagal na non, sus. Mukha namang wala na iyon kay Ice. Kita mo nga't nagmagandang loob pa syang sunduin ka. Try to be civil to him too, Ran. Kalimutan niyo na yung past nyong dalawa."

She gritted her teeth. Anong kalimutan? Madali lang para sa lalaking iyon ang kalimutan pero siya hindi! Ginamit lang siya nito!

Ang kapal-kapal ng mukha niya!

"Ayoko. Ayoko nang ma-involve siya sa buhay ko. Tapos na kami."

"Ay ang drama mo te. Naging kayo?" Sarkastikong anito. Kahit di sadya ay tila kinurot ang puso niya nang dahil doon.

"Hindi! Eh ano? Basta ayokong magpasundo don!"

"O' eh, paano? Diyan ka nalang hanggang umaga?"

Sumimangot siya. Magsasalita pa lamang sana siya nang may pumasok sa naturang cafe na kinaroroonan niya. Tumutok ang mga mata niya doon. And there he was, ang lalaking bumigo sa puso, atay at buong digestive system niya ay nakatayo doon, as if he owned the damn place.

Iginala niya ang mga mata sa kabuuan nito at nahigit ang hininga. He looked dashing in his dark v-neck shirt and light-gray pants. May hawak na susi ang kamay nito. Habang ang isa ay nakapamulsa. He even had light facial fucking hot hair. Tumangkad pa ito ng husto. His body became even more developed and leaner. He even had the same air of confidence, strength and intense oozing charisma.

Lumingon ito at nagtama ang kanilang mga mata. Recognition registered in his face. Napamura siya at narinig ang halakhak ni Jaimie at ng mga kaibigan sa kabilang linya.

I bet the phone's on loud speaker.

"Nandiyan na ba?" May halong panunukso sa boses ni Jaimie. Muli siyang napamura na ikinatawa ng mga ito. Naglakad na palapit sa lamesang inookopa niya si Isaiah. Damn the boy for growing into a very sexy gorgeous man! Kahit ang panga nito ay mas nadepina. Kahit magulo ang buhok nitong bahagyang alon-alon ay mas lalo lang nakadagdag iyon sa dahilan kung bakit siya paulit-ulit na napapamura.

"Breathe Rannie!" Tukso pa ng mga kaibigan niya. She gritted her teeth and turned to her coffee. Mas gusto pa niyang titigan ang molecules ng kape niya kaysa tingnan ang isang Isaiah Kaion Aceves!

"I am going to kill you guys for this."

"Come on, Ran. This is not so bad. Matagal na yang hinanakit mo baka atakihin ka na niyan sa puso. Patawarin mo na..." Huminga siya ng malalim. Hindi lang alam ng mga ito na talagang aatakihin siya sa puso sa ginawa ng mga ito! "Makakapunta ka na rito ng ligtas makakapag-usap pa kayo." Dagdag nito.

"I don't want..." Tumigil siya sa mariing pagbulong at napatiim-bagang nang tuluyan nang makarating si Isaiah sa harap niya. He was gazing down at her. It was so hard for her to meet his intense deep set eyes lalo na kung ganitong kung makatingin ito sa kanya ay parang nasa parehong panahon pa rin sila. He was giving her the same look and she hated it! Tinatamaan pa din siya ng lintik na kaba at nag-uumapaw na galit.

"Ran..." Malinaw na tawag nito. Tila bumuhos sa kanya ang libu-libong alaala dahil sa boses nito. Naputol lang iyon dahil sa tilian ng mga kaibigan niya sa kabilang linya. 

Pumikit siya ng mariin at pinutol ang tawag sa kaibigan.


**

Iniisip ko pa din bakit nakadraft to sakin. Nga pala, pinalitan ko yong pangalan kasi wala lang.  Feel ko lang mas masaya ako sa pangalan na pinalit ko. Haha!

After RanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon