1st Chap

468 12 1
                                    

Internet Cafe

Kath's POV
Naglakad lakad ako ng mag isa sa park at nakakita ng isang Internet Cafe....
"Internet Cafe?.... ahhhh parang kagaya lang ng Computer sa internet na naka open time, na kung kailan niya gusto mag log out, aalis nalang siya bigla, ano 'to gag*han lang?"

*ping*
Uy nag message si Arrise

Arrise 👯:
"Mag window shopping tayo besh wala akong magawa eh, para hindi ka din ma bored!"
Ako:
"ahhh... Window Shopping... Kagaya ko lang yung damit na makikita natin. Gugustohin niya! Papangarapin niyang maging sa kanya, mag pa-promise siya na babalikan niya, pero pagnakakita nanaman siya ng bagong magugustuhan, na mas maganda pa sa akin, makakalimutan niya nalang ako bigla..."
Arrise👯:
"Humuhugot ka nanaman! Dali punta kana sa SM! Naghihintay na ako dito!"

Pumunta nalang ako sa SM, siyempre love ko siya kaya ayoko siyang paghintayin doon noh!

Daniel's POV
Naglakad lakad ako sa Park, as usual 'yun lang naman ang ginagawa ko every weekend...
Nakita ko yung internet cafe, na kung saan ko makikita ang napakagandang babae sa mundo na kasama ang napakawalang hiyang Ex niya every weekend pero ngayon dahil nag break sila hindi ko na siya nakikita... Sa internet Cafe na 'yan ako nakakakuha ng pag-asa na makikita ko siya muli na masaya kahit these past few days nagiging malungkot na siya, dahil dito kami unang nag kakilala at dito ko siya unang nakitang sobrang saya na kasama ako....

Kath's POV
"Alam mo besh mag food trip muna tayo punta tayo food court!" at hinatak niya ako papuntang food court
Na upo nalang ako sa malapit na lamesa na kinakatayuan namin pagkatapos niya akong hatakin
"Besh ako nalang mag oorder ng foods natin stay kalang diyan"

Nakabalik na si Arrise na sobrang daming dalang pagkain... mukhang mag papa buffet 'tong babaeng 'to ah!
"Surprise! Dali! Kainna tayo!"
"Ang rami ata nito?"
"Siyempre mag fo-food trip nga tayo diba!"

Habang kumakain kami biglang kumanta si Arrise
"🎶All You Need Is Pag-ibig
You Just Got to Believe it!🎶"
"Hindi! Ang love 'di 'yan makakain!" Pangungontra ko sa kanya
"Alam mo ang bitter mo!"
"It's Better to be Bitter!"
"Hay naku! Kumain na nga lang tayo!"
Daniel's POV
Naglakad lakad ako sa Mall at napadaan ako sa may food court at nakita ko si...
"Kath?!?!?"
Naglakad ako ng naglakad para makalapit kay kath, habang tinitignan ko siya bigla akong
"Aray!" Nauntog ako sa isang pole na malapit sa kinauupuan ni Kath
"Uy! Daniel? Okay ka lang?" Sabay hawak ng kamay ko para makatayo ako nung nag tanong sa akin at siya...
😱😱😱 Si Kath!!???
"Ahhh... O-Okay lang ako... hindi naman kasi ako niloko at pinaglaruan..."
"Walang 'ya! Humugot ka pa talaga ha! Nauntog ka na nga..."
Ang ganda niya talaga!
"Umm.. hihihi.. U-Una na ako ah, hinahanap na kasi ako"
"Ah sige! Ingat ka sa susunod ah! Baka hindi ka nalang mauntog, mahulog ka pa! hahaha"
"Nahulog na nga ako sa'yo eh" mahina kong sabi
"Huh? Ano 'yung sabi mo?"
"Ahh wala sige una na ako byee!!!"
Tumakbo na ako ng mabilis
Ang saya ko! Nakita ko nanaman siyang tumawa... ang ganda niya talaga!

-----------------------
A/N:
Hey Mga ka ANONYMOUS!!! Starting a new story,I think (parang hindi kasi siya story hahahaha), na puro hugot hahahha! Para ma share ko din sa inyo yung mga hugot na na eencounter at nagagawa ko hihi! Lovelots! 😘 Support Guys ha!

@IFeelYou_13 logging off (ATMT...)

Hugot Master ( A KathNiel FanFiction) | ON HOLD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon