2nd Chap

290 6 4
                                    


Sales Lady

Kath's POV

6:30 am

*Krinnggg Krinnggg*
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, na hudyat na kailangan ko ng gumising...

Sana nga hindi lang ako yung nagising, sana pati yung puso ko nagising na patay na patay sa kanya... hanggang ngayon...

Pero kahit ilang beses pa akong matulog at gumising, hindi parin ako nagigising sa katotohanang hindi na ako ang laman ng puso niya...

Ginawa ko na ang normal morning Routine ko at bumaba na after 30 minutes...
"Ma sa school nalang ako kakain ng Breakfast!" Sigaw ko kay mama at kinuha yung dalawang sandwich sabay lapit kay mama at nag beso beso

"Mag ingat ka anak ha, baka masaktan ka nanaman..."
"Hindi ko din po hahayaang mangyari 'yun ulit.." Sabay wave kay mama at lumabas na...

Nag tataka ata kayo kung bakit ang aga-aga kong pumasok sa school... Ayoko kasing makasabay at makita ang unang nanakit sa puso ko... Magkapit bahay lang kasi kami... kaya sobrang maaga akong pumapasok simula nung nag break kami...

Nasa school na ako at umupo na sa upuan ko, kinain ko na rin yung sandwich at hinintay ko ang bestfriend ko na si Arrise...

7:45 am

Alam kong malalate siya... ganun naman talaga siya palagi eh... Sanay na ako... Sanay na akong mag hintay sa wala... Sanay na akong mag paka tanga...

8:05 am

"Sorry I'm Late Teacher Hop-" Napatigil siya sa pag sigaw dahil wala pa naman pala yung teacher namin... natawa tuloy ako.. "Wala pa naman pala adviser natin 'di ka man lang nag inform! Napahiya tuloy ako!"

"'Di ko naman kasi inexpect na ganun ka katagal ma lalate ngayon! Eh noon na aabutan mo pa kasi si Teacher!"

"Eh sorry naman! Napasarap lang tulog ko!"

"Yan kasi!"

Napatigil kami sa pag-uusap ni Arrise nung dumating na si Teacher Hope
"Okay get one and pass! Right your name sa photocopy para di mawala and highlight the Activity Title and The important details!"

"Sana... Activity Title nalang ako ng Photocopy niya, para ma highlight niya ako at maging important na din ako sa buhay niya..."

Hugot Master ( A KathNiel FanFiction) | ON HOLD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon