Summer Class
After a monthKath's POV
*Kath's Dream*
Naglakad lakad ako sa loob ng school at bigla kong nakita si "DANIEL?!?!"
Tapos biglang nag slow mo at may nag salita sa isip ko...
"Sabi nila pag inlove ka tumitigil ang mundo mo..."
At tumigil nga ang nasa paligid ko pati nadin si Daniel huminto sa paglalakad at biglang"KATHRENGGGG!!!!"
"Huh? Ano?" Nagising ako sa katotohanan! Buti nga panginip lang yun dahil ngayon hindi na ako naniniwala sa love na yan!
"GISING NA ANAK!!! MAY SUMMER CLASS KA PA!" Sabay katok n katok ni mama sa pinto
Tama Summer Class na pala!
"Opo ma! Maliligo na po ako!"
"Buti naman at gumising kana!" At narinig ko ang footsteps ni mama pababa ng hagdan...
-----
Nasa school na nga pala ako ngayon, hinihintay ang English teacher namin, katabi ko nga pala sa Kaliwa si Arrise at sa kanan naman si Daniel, matalino naman si Daniel kahit papaano, hindi ko nga alam bakit nag susummer class to every year.
----
Sa ngayon sinsagutan na namin yung pinatake sa amin na hindi naman daw quiz pero parang review daw... at ngayon tapos na ako, hindi ako masyadong kampante sa sagut ko kasi English class nga 'to at Second na pinakamahirap sa akin 'to hihihi...
"Okay pass your answer sheets forward" At pinasa nanamin
Habang chinicheck ng teacher namin yung mga papel namin nag chichikahan lang kami ni Arrise
"Ms. Bernardo! Mali ang sagot mo sa meaning ng Past, balikan mo nga tong past!"
Napatayo ako sa narinig ko
"Maitatama ko pa po ba yung mali ko, kung babalik pa ako?" ani ko sa Sir namin
"HUGOT!!" Sigaw ng mga kaklase ko at nag ring ang bell, hudyat na recess na at nag silabasan na kami ni Artise at Daniel, ng hindi umiimik
----
Nasa Math class na pala kami ngayon, kakatapos lang ng Science class...
"Okay Class, answer this Algebraic Expressions in the board, First expression is, 13 + x = 27 and the second one is y - 7 = 25, who among you can Find the X and Y?" Walang nag volunteer sa amin, hindi namin alam eh, itataas na saba ni Daniel an kamay niya ng
"Okay, no one! Kath! Answer!"
"Umm.. Teacher..." Sabay tayo ko "May tanong po ako.."
"Ano yun?"
"Diba pinapahanap niyo po sa amin ang X at Y..."
Tumango naman ang teacher namin
"Eh, bakit po... Bakit kailangan niyo pa pong ipahanap sa amin ang X niyo tapos magtatanong pa po talaga kayo kung Y?"Natawa lahat ng kaklase ko sa sinabi ko pero yung teacher namin pikon na pikon na... hahahhaha at nag ring na ang bell... tapos na din ang class this day!
"Uy Kath and Dj kain muna tayo sa Mcdo! Gutom na ako eh!"
"Sige sige"
----
Sa Mcdo
Habang kumakain kami may tumawag sa Phone ni Arrise sinagot niya agad kahit puno pa ng pagkain ang bibig niya, ang takaw talaga!
"Herro?"
"Arrise! Huwag kang magsalita kapag puno ang bibig mo!" ani ni Daniel ng pagalit "Tularan mo si Kath oh"
"Oo nga Ris, kahit punong puno na ako hindi parin ako nagsasalita..."
"HUGOT!" Sabay na sigaw nila, napatingin tuloy halos lahat ng kumakain na katabi namin.
Bumalik nalang kami sa pagkain ni Daniel habang si Arrise nakipag-usap ulit doon sa kausap niya kanina para mawala yung hiya namin.
"Sige sige sandali lang" ani ni Arrise habang nagsasalita sa phone
"Kath, gusto ka daw makausap ni Miles" Si miles pala kausap niya. Tapos inabot niya sa akin ang phone
"Uy! Hi Miles!"
"Hi Kath! Gusto ko sana i tanong yung experience mo ng pag papa-braces, magpapa braces kasi ako tom"
"Ahhh... Sige ganito yan. Ang pagpapa braces kasi parang Love, at first papasayahin ka magugustuhan mo yung feeling pero pag tumagal na sasaktan ka lang pala..."
"Ginawa mo pa talagang hugot ang pag papabraces kath ha! hahhaha"
"hahahaha"
"Masakit ba kumain?"
"Para sa akin hindi naman masyado, palagi na kasi akong sinasaktan kaya parang naging manhid na ako..."
"Another Hugot from Kath hahhha! Sige na nga! Thanks ha! I Love You! Miss na din kita! Bye"
"I Love you too! Magkikita din tayo soon! Bye!"
Binalik ko na yung phone ni Arrise tapos kumain ulit.
Pagkatapos naming kumain, umuwi na din kami para makapagpahinga...--------
A/N:
Hello mga ka anonymous!!!! Alam ko super tagal ko ng hindi nag uupdate, wala kasing pumapasok sa utak ko. May KathNiel account din kasi akong kailangan i update. Pero kahit hindi na kayo sumusubaybay sa story ko mag uupdate parin ako dahil ayaw kong iwan ang mga bagay na sinimulan ko na, hindi kasi ako ganoong tao. Sige na! Sa susunod na update nalang. Bye! Lovelots 😘
Happy Birthday kay Danilo! Late ko na tung ma p-publish kaya Belated nalang danilo! 😂😘@IFeelYou_13 logging off (FTMT)
BINABASA MO ANG
Hugot Master ( A KathNiel FanFiction) | ON HOLD
FanfictionNot the usual Story that you usually encounter... "Welcome to my World... The HUGOT WORLD!"