Vice's P.O.V
"Brad! Nakikinig kaba sa sinsabi ko sayo?"
Bumalik ako sa ulirat ng tapikin ako ni vhong sa braso ko
"H-ha? Sorry brad ano nga pala ulit yun?"
Tanong ko sa kaniya kasi di ko naintindihan yung sinasabi niya saakin sa dahil sa isang dahilan..
"Tulala ka nanaman brad! Sino ba yung tinitingnan mo diyan?"
Tiningnan niya kung saan ako nakatingin..
"Aaah! Kaya pala! Hahahah! May gusto kaba sakanya brad?"
Napayuko nalang ako ng tanungin ako ng bestfriend kong si vhong
"Oo brad eh.. tinamaan ako *smile*"
"Mukha nga brad! Pansin ko kasi lagi kang nakatingin sakanya pero infairness maganda siya maputi,makinis"
sabi niya sakin nako! Baka mag kagusto tong si vhong! Nako pag nangyari yun masusuntok ko to!
"Huy! May anne kana! Wag mo ng agawin ang karylle ko"
"Ito naman dinedescribe ko lang yung nakikita ko sakaniya brad! At wag kang mag alala sayong sayo lang yan tsaka kay anning lang ako no mahal ko yun eh"
Sabi niya halatang inlove na inlove tong gunggong nato kay anne hahaha!
"Mabuti naman at nakakalinawan tayo nako kung hindi nako talaga"
"Eto naman kung makapang angkin kala mo sila ni karylle.. ni hindi kapa nga niya kilala eh"
Natahimik ako bigla sa sinabi ni vhong.. oo nga pala hindi pa ko kilala ni karylle. Alam niyo yun? Kahit ang lapit lapit niya lang pero di ko kayang mahawakan siya para siyang bituwin sa langit na ang sarap tingnan pero kahit kailan hindi mo makakamtan.. parang ganon si karylle ang hirap abutin.
"*sigh* alam ko yun vhong di mo na kailangan ipa mukha sakin"
Tumayo na ko at sinukbit ko yung bag ko sa kaliwang balikat ko at nag umpisa na mag lakad papuntang gym varsity player kasi ako ng school at second year college na ko.
Hinabol naman ako ni vhong at hinawakan sa balikat
"Huy brad! Binibiro lang kita eh masyado mo namang sineryoso"
"Kasi vhong hindi sa lahat ng oras nakikipag biroan ako.. at hindi lahat ng biro mo nakakatuwa minsan nakakainis na din"
Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko at nag lakad ulit.
"Brad sorry na.. di ko naman alam eh gusto mo para makabawi ako sayo ilakad kita kay karylle?"
Napahinto ako sa sinabi ni vhong at agad siyang nilingon
"Mag kakilala kayo?"
"Hindi pero si anne kaibigan niya yun"
Gago talaga -_- kaibigan naman pala ni anne bat ngayon lang sinabi nitong gunggong na to?
"Bat ngayon mo lang sinabi na kaibigan pala ni anne yun!"
"Hhaha! Bakit nag tanong kaba?"
"Kahit na! Alam mong matagal na kong may gusto kay karylle di mo manlang sinabi sakin yan"
"So ako pa may kasalanan viceral? Huwaw hiyang hiya naman ako sayo"
"Ewan ko sayo vhong! Bwisit ka!"
"Meron kaba ngayon brad? Ang init ng ulo mo eh hahahaha! Ay nga pala brad pakisabi kay coach na hindi ako makakapag practice ngayon may aasikasuhin kasi ako eh"