Kabanata 4

4.8K 145 2
                                    

 Nagising na ang diwa ko ngunit nananatili paring nakapikit ang aking mga mata. Mabigat parin ang buo kong katawan na para bang may nakadagan na sako-sakong bigas dito. Ilang sandali pa'y may naririnig akong mga boses na sumisigaw ng saklolo at pilit na kumakawala sa nasusunog na lugar na iyon na hindi ko malaman kung saan at ano iyon. Basta ang sa tingin ko parang nasa loob iyon ng isang malaking sasakyan o hindi naman kaya'y nasa loob ng isang gusali. Kitang-kita ko ang mga taong nagdidileryo na sa sobrang takot habang tinutupok ng apoy ang kanilang ga katawan na siyang naghatid sa aking sa labis na pagkagimbal at takot. Gusto ko man silang tulungan ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong mailigtas ang aking sarili. Hanggang sa naramdaman kong bumagsak kami sa katubigan at lumubog kami pailalim. Sa sobrang dami ng tubig na pumasok sa aking lalamunan ay hirap na akong huminga. Labis na ang sigaw ko ngunit wala namang boses na lumalabas sa aking bibig dahil nga sa maraming tubig ang nasa bunganaga ko.


Grabe na ang pangingisay ko na para bang isdang nahuli sa lambat ng isang mangingisda. Iyong pakiramdam na wala na akong choice kundi tanggapin ang nalalapit ko ng katapusan. Nananatili parin akong nakapikit at ang diwa ko na kanina lang ay gising, ngayon, unti-unti na itong nilalamon ng kawalan kung hindi lang sa mga kamay na pilit na pinabukaka ang aking bibig at agarang pagdampi ng maiinit na mga labi rito. Naka-apat na beses din iyong binubugahan ako ng hangin at salitang pinapump ang aking dibdib hanggang sa naibuga ko ang lahat ng tubig na naipon sa aking dibdib. Naggising ako ngunit ganoon na lamang ang aking pagwawala ng nanumbalik sa akin ang isang trahedyang hindi ko maisalarawan basta ang alam ko kabilang ako doon.


"Saklolooooo! Tulungan nyo ako! Ahhhhh!!!!" Ang malakas kong sigaw habang naglulupasay na parang sinaniban ng isang masamang ispiritu. Dilat na dilat ang mga mata ko pero wala naman akong nakikita maliban na lamang sa isang nag-aalab na apoy na pumapalibot sa akin.Naramdaman kong may matitigas na braso ang yumakap sa akin para siguro pakalmahin ako pero hindi naging sapat ang lakas niya para pigilin ako kaya hayun, magkasamang suntok at sampal ang inabot niya sa akin hanggang sa isang, "Plakkkkkk!" ang malutong na sampal na dumapo sa aking pisngi na sa sobrang lakas noon pakiwari ko'y nalaglag ang aking panga at natanggal lahat ng tutuli ko sa tenga ngunit iyon naman ang nagpabalik sa akin sa katinuan. May ilang minuto rin akong natutulala habang nakayuko at maya-maya lang ,


"A-ayos ka lang ba Jeric!?" Untag sa akin ng isang boses nasa tono nito ang labis na pag-aalala. Ng
mag-angat ako ng tingin, si Makoy ang tumambad sa akin. Siyempre nagulat ako, paano ba naman unang beses kong narinig na kanyang binanggit ang aking pangalan. Hindi rin salubong ang kanyang mga kilay na kadalasang nangyayari kapag kami ay magkaharap sa kanilang bahay. Ngayon ko lang nakitang napakaamo ng kanyang mukha. Halos naiiyak na ito sa sobrang pag-aalala habang nakatitig sa akin. Kulang na lang yakapin niya ako buhatin. Doon ko napansin ang ganda ng kanyang mga mata at kung paano ito makatitig. Iyon bang paran nangungusap.


"A-ayos lang ako. Huwag mo na akong aalalahanin!" Ang mahinahong sagot ko naman. Unang beses naming magkausap ng maayos.


"Kaya sa susunod mag-iingat ka. Hindi iyan swimming pool. Ilog iyan. Asahang may parte diyan na bigla na lamang lumalalim na hindi inaasahan!" Iyon lang at tumalikod na siya. Natahimik na lang ako habang pinagmamasdan siyang papalayo dahil tama naman ang kanyang sinabi. Nasa ganoon naman akong pagtitig sa kanya ng bigla siyang lumingon sa aking kinaroroonan. Agad ko namang ibinaling sa ibang direksiyon ang aking paningin baka mahuli niyang nakatitig ako sa kanya. Baka kung ano pa ang isipin ng loko.

Wala Man Sa'yo Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon