Kabanata 2

5.5K 164 14
                                    


 Nabalot sa matinding kadiliman ang buo kong paligid. Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong walang malay hanggang sa naulinagan ko ang huni ng mga ibon at panakanakang pagtilaok ng mga tandang sa paligid na siyang nagpagising sa akin mula sa mahabang pagkakahimbing.



"Uhhhh!" Ang sambit ko pa kasabay ng pagmulat ko sa aking mga mata. Kinusot-kusot ko pa ito dahil nasisilaw ako sa liwanag. Nang nasanay na ang aking mga mata, natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang silid na sa tantiya ko isa iyong bahay na yari sa mga native na mga materyales. Nang tumingala ako, tanaw ko agad ang bubong nito na yari sa nipa sapagkat wala itong kesame. Yari naman sa kawayan ang dingding nito at papag. "Nasaan kaya ako?" Iyon kaagad ang tanong na pumasok sa aking isip sapagkat wala akong maalala. Naramdaman kong medyo mabigat ang ulo ko at ng hinawakan ko ito may telang nakabenda rito. Sinubukan kong makatayo kahit na ramdam ko ang bigat ng aking katawan ngunit nawalan ako ng panimbang at kamuntikan pa akong matumba kung hindi lang sa malakas na mga brasong mabilis na umalalay sa akin.



"Kung hindi mo pa kaya, huwag mapilit. Pwede mo namang tawagin si Jayson para alalayan ka!" Ang may pagkasupladong sambit ng lalaking tumulong sa akin. Medyo matangkad siya ng kunti sa akin kaya napatingala ako sa kanya. 



"Paano ko naman tatawagin ang taong hindi ko naman kakilala, pati nga ikaw ay hindi ko kilala? Ni hindi ko nga alam kong paano at bakit ako napunta sa lugar na ito e!" Ang bulyaw ko sa kanya. Nagpantig kasi ang tenga ko sa tinuran niya sa akin. Antipatiko lang, paano ko tatawaging ang sinasabi niyang Jayson gayung ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon. Jayson lang na asawa ni Melai sa PBB ang kilala ko maliban dun wala na.



Magsasalita na ulit sana siya ngunit napigil ito ng biglang, "Uy, nagising na pala sa wakas ang bisita natin Kuya!" Ang wika ng isang lalaki nasa tingin ko kasing edad ko lang o mas bata sa akin ng isang taon. Balingkinitan ang kanyang katawan. Medyo may kaputian. Bagamat taga probinsiya sunud sa uso naman ang istilo ng kanyang buhok. Iyong kamay lang ang ginagamit na pansuklay na parang bagong gising. Medyo may kakapalan ang kanyang kilay na bumagay sa kanyang malamlam na mga mata. May bitbit itong maliit na balde na may lamang tubig at bimpo.



"Iyan si Jayson. Sa kanya ka lumapit kapag may kailangan ka!" Pasinghal niya sa akin. Nakita kong ngumiti sa akin si Jayson ngunit hindi ko iyon natugunan dahil sa hindi ko pa naman lubusang kilala iyong tao. Nakita kong yumuko si Jayson. Parang napahiya ba sa hindi ko man lang pagtugon sa kanya. Ganoon kasi ang ugali ko. Hindi ako palapansin sa mga taong hindi ko pa kakilala o iyong bago ko pa lamang nakakaharap.



"O ano kilala mo na?" Baling ng supladong lalaki sa akin. Inirapan ko lang siya at nagkunyaring walang narinig. "Jayson kaw na bahala diyan, tutulongan ko lang si Nanay sa kusina!" Baling naman nito kay Jayson saka tumalikod na sa amin. 



Nang kami na lamang ni Jayson, "Sino ba yon. Mukha yatang pasan niya ang buong sanlibutan?" Ang naitanong ko agad sa kanya.



"Si Kuya Makoy ko iyon. Mukhang suplado lang iyon pero mabait yon!" Sabay baba sa hawak nitong balde.


"Sinasabi mo lang yan kasi kapatid mo siya!"



"Hindi, totoo sinasabi ko. Mabait talaga si Kuya. Mula noong mamatay si Itay siya na ang tumatayong padre de pamilya namin. Bahagyang lumungkot ang itsura ni Jayson. At batid kong dahil iyon sa pagkakabanggit niya sa pumanaw na niyang ama kaya...

Wala Man Sa'yo Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon